Kinabukasan..
"Huy ate? May sakit ka ba? Bakit mukhang latang-lata ka?" Tinignan ko si sarah at lumapit sakanya.
"Puyat lang. Ano oras na ha? Male-late na kayo." Sabi ko at umupo sa counter saka nagtimpla ng kape ko.
"Si kuya kasiiii. Ang tagal tagal. Hindi niya daw alam kung anong shoes ang susuotin niya. Porke benteng sapatos ang meron siya gumaganyan na siya." Simangot niya tsaka lumabas ng kusina.
"Kuya dansennnnn! Ano baaaa?? Late na tayooooo!!!" Sigaw ni sarah. Napailing akong kinuha ang kape ko at saka lumabas din ng kusina.
"Good morning ate.." Masayang sigaw ni dansen ng makita niya ako sa sala.
"Morning binata namin. Ang porma natin today ha?" Umastang sumayaw pa siya sa harap ko at saka nag cross arms. Natawa naman ako sakanya.
"Naman. Grabe ate, wala ka kasi dito kahapon. Pag kauwi ko, sinalubong ako nung receptionist sa baba. Sabi niya may delivery daw para sa ating tatlo. Tapos nagulat ako ng nilabas nila yun. Ilang beses pa kaming umakyat baba ng mga trabahador nila para iakyat ang mga to. Grabe!!!! Ang dami dami ateeee!!!" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya at tumingin sa mga groceries at mga paperbags sa sahig. May mga nakapatong pa sa sofa.
"Sino daw ang nagbigay?" Takang tanong ko.
"Nung tinanong ko sila kahapon. Hindi daw nila alam eh. Hindi daw pinasabi ng sender ang pangalan niya."
"Ano na??? Tara na kuyaaaa. May quiz pa kami sa first subject." Singit ni sarah na kanina pa pala nasa pintuan.
"Baka galing kay tita carmela. Alam mo naman yun. Siya ang mahilig magbigay ng mga blessings. Hehe. Sige ate. Pasok na kami. Bye." Tumango ako sakanya at sinundan sila sa may pinto.
"Bye ateeeeee." Si sarah na tumakbo na sa harap ng lift. Nag wave ako ng kamay sakanila bago pa sila makapasok sa lift. Nang wala na sila ay bumalik ako sa condo atsaka napabuntong hiningang tinignan ang mga nasa sala.
Tumingin ako sa orasan. 6:55 palang. Usually kasi ay 8am na ako pumapasok dahil lagi din namang late pumasok si don tsaka hindi naman ako empleyado talaga doon.
Nag simula na kong buhatin lahat ng groceries at pinunta sa kusina. Maayos ko silang nilagay sa mga cabinets. Pati pang mga personal hygiene ay nilagay ko na sa mga kanya-kanya naming banyo. Nagulat pa ako dahil may mga paperbags din sa mga kwarto naming mag kakapatid.
Ang dami naman nang mga to??
Tama si sarah. May mga bagong shoes si dansen at 20 lahat iyon na iba't ibang brand. May mga pants at damit, slippers, watches at bags din siya, may carton pa ng laptop at bagong labas ng iphone ang nasa may table niya. Wala nang laman kaya ibig sabihin ay dinala niya. Kay sarah naman ay ganun din. Benteng pares din ng mga sapatos na iba't ibang brand at style. May mga doll shoes, sneakers, high heels at mga slip on na sperry at vans. Napakarami din niyang mga damit, dress, pants, shirts na nasa sunod sa uso. May mga bags din siyang halatang mamahalin, accessories at tulad din ni dansen ay may laptop siyang apple brand at iphoneX.
WTH? Bakit ang dami nilang pinamili? Si tita carmela ang bumili nito? No. I don't think so. Alam ni tita carmela na hindi ko magugustuhan pag ganitong karami ang ibibigay niya. Kaya alam kong hindi siya ang nagbigay nang lahat ng to.
Bumalik ako sa kusina at bigla akong natuyuan ng lalamunan sa mga nakikita kong mga nagmamahalang gamit. Pagbukas ng ref ay tumambad sa akin ang halos magkanda-hulog hulog ng mga frozen foods. May mga meats, beefs, chikcens, hotdogs, hams, bacons, tocinos, nuggets, patties, fries at mga ibang drinks na mostly ay mga paborito naming magkakapatid. Mogu-mogu para kay sarah, cobra drink para kay dansen at fit n right na four seasons flavour ang sa akin.

BINABASA MO ANG
If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)
عاطفيةStory of fiona and don (Clash of clan love story and when she met the mafia boss,cast) *Clash of clans love story* Fiona and don are together. Don is Sir's cousin *When she met the mafia boss* Fiona and don seperates. Don got married. This will gonn...