Chapter 38

2.1K 42 2
                                    

Pabagsak akong humiga sa sahig ng boxing ring nang marinig kong nag stop si don. Pinikit ko ang mata ko at pinakalma ang sarili. Pagod na pagod na ako!

"Are you alright, baby?" Tinanggal ko ang braso kong nakapatong sa mata ko at tumingin kay don bago sumimangot at umiling. Natawa lang siya at inalalayan akong tumayo.

"Go and rest for a bit. I'll get you a drink." Pinaupo niya ako sa isang leather couch na andito sa loob ng isang private room sa training ground na tinatawag nila. Wala ako sa same ring kung saan nag laban noon si don at hade. Ibang room ito. Mas maliit kumpara doon. Isang boxing ring lang ang andito.

Dalawang araw na ang nakalipas simula ng dumating kami dito sa manila. Sabay kaming umuwi sa condo ni sir kung saan mahimbing ng natutulog ang iba. Hindi kami nagtabi natulog dahil iisang kwarto ang mga girls at sa isang kwarto naman ang mga boys. Kinaumagahan ay sinabi sa akin ni don na kailangan ko ng training. Para sa plano ko. In case daw na kakailanganin kong lumaban at para na din sa mafia ball.

Sa dalawang araw na pag tre-training madami na kong natutunan. Desidido din kasi ako matuto kaya kahit na sinasabihan na ako ni don na magpahinga muna, minsan matigas talaga ang ulo ko at hindi ko siya pinapakinggan. Nakatatak kasi sa utak ko na kung hindi ko pag bubutihan ang training. Hindi ko maipagtatanggol ang mga kapatid ko. At hindi ko hahayaang hindi ko na naman sila maprotektahan.

"Here." Inabutan ako ni don ng bottled water. Nakabukas na ito kaya agad kong ininom.

"What? Lagi mo nalang ako tinatawanan. Nakakatawa ba mukha ko? Am I ugly when I'm full of sweats?" Nakasimangot kong tanong nang matapos kong uminom ng tubig.

Natawa na naman siya at tumabi sa akin. Inakbayan niya ako at naramdaman ko ang pag halik niya sa ulo ko.

"You're far away from the word ugly. How many times to I have to tell you that you're beautiful? And I'm laughing and smiling like a fool coz I'm happy. Masama ba yun?" Umalis ako sa pag kakayakap niya at pinaningkitan siya ng mata.

"Why are you happy? Hmm?" Nagtataka kong tanong.

"You're really asking me that? Syempre, masaya ako dahil akin ka na ulit. Dahil andito ka sa tabi ko. Dahil kinakausap mo na ako. Dahil hindi ko na kailangang sundan ka ng palihim at tignan ka lang sa malayo o titigan ka lang pag tulog ka na. I am free to do this." And he kissed me on my lip.

Bahagya ko siyang tinulak at tumingin sa paligid. May dalawang tauhan ng mga pineda. Isa sa mga magagaling sa martial arts.

"Ano ka ba? Mamaya may makakita sa atin eh." Sabi ko at umusog ng konti palayo sakanya.

"I don't fucking care."

"Don, pinag usapan na natin to diba? We will keep this a secret. Habang di pa naayos ang lahat."

Bumuntong hininga siya at sumimangot. Kahit nakasimangot nakikita pa rin talaga ang malalim niyang dimple. Hindi tuloy ako nakatiis at hinalikan ko yun. Kaya napangiti na siya.

"After the mafia ball. We'll tell them, aright?" Bumuntong hininga din ako bago tumango.

"So, you're ready with a gun?" He smirked at me.

Biglang nawala ang iniinda kong pagod kanina ng marinig ko ang sinabi niya. Agad akong tumayo at hinila na siya palabas ng room. Ang tagal kong hinintay na matuto bumaril. And this is it!

-----

"Are you sure about this?" Tanong ko kay don habang pinapanood namin si laurice na pumasok sa kumpanya ni clark.

"Hell yeah. You wait here." Bumaba siya ng sasakyan at lumapit kay manong raul. Ang personal driver ni laurice.

May pinag uusapan sila hanggang sa naglakad na sila palapit sa akin. Binuksan ko ang window at tumingin kay manong raul.

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon