Bigla akong kinabahan pag dating ko sa reception ng kasal. Hindi ko alam kung dahil sa excitement ito o ano.
Tinignan ko ang reflection ko sa salamin at napangiti. Ibang iba talaga ako pag naayusan. Para akong hindi si fiona na nag hihirap at walang pera. Sa nakikita ko ngayon, para akong anak ng mayaman na sosyalera.
Kaya nga siguro nanalo ako ng miss tourism dahil ibang iba talaga ako pag naayusan. Lalo na pag sobrang ayos ang ginawa.
True to his word, sinundo ako ni sir lester sa apartment. Mas maaga sa oras na binigay niya sa akin ang pag punta niya sa apartment. Balak ko sanang agahan nalang umalis para hindi niya na ako sunduin pero pag labas ko ng apartment ay prente na siyang nakasandal sa hood ng kotse niya.
Hindi na ako tumanggi pa. Ayoko namang sabihin sakanya na hindi kami pwedeng sabay mag punta at magagalit o mag seselos si don. Ayokong mag isip siya na takot ako kay don. Ayoko lang talagang nag aaway kami.
Nag simula ng mag datingan ang mga bisita kaya naman tinawag na ako ni kuya jerry. Sila ang nakatoka sa sounds system kaya nawawala ang kaba ko. Sanay na akong sila kuya jerry at ang bandang anonymous ang kasama ko sa stage. Regular na din kasi silang tumutogtog sa resto bar ni sir lester kaya gabi-gabi na kaming may session. Minsan solo ko, minsan kasama sila at ako pa din nag lead singer.
"Fiona, unahin natin yung list na binigay ng groom and bride bago yung mga kanta natin. Yun kasi request nila eh." Sabi ni martin na lead guitar at lead vocal sa bandang anonymous. Mas bata siya sa akin. Pero hindi niya ako tinatawag na ate dahil isang taon lang naman daw pagitan namin.
"Sige. Senyasan niyo lang ako pag turn na natin." Tumango siya at kinuha ang gitara sa tabi ko.
Nag uusap sila kuya jerry at martin ng dumating si sir lester. May mga linag usapan lang sila bago ito lumapit sa akin.
"Fiona, don is here. Hindi ko alam na invited sila." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni sir lester. Shit!
Agad kong kinuha ang phone ko at napapikit ng makitang may 18 missed calls ako.
Tinawagan ko siya at lumayo ng konti sa backstage dahil nag simula ng mag salita ang emcee. Hindi siya sumagot sa unang tawag pero ng tumawag ako ulit ay isang ring palang sinagot niya na ito.
"Babe? Andito ka daw sabi ni sir lester?" Inunahan ko na siya mag salita.
"Yeah. Ka-business partner nila dad and mom yung parent nung bride. Hindi sana ako sasama pero sinabi sa akin ni hade na kaibigan ni lester yung groom." Naririnig ko sa background ang boses ni monette at ng mommy nila. Biglang bumalik sa akin yung kabang nararamdaman ko kanina.
Kaya ba ako kinakabahan kanina pang pag dating ko dito ay dahil andito pala ang parent ni don? Omg! Hindi ako pwedeng pumalpak mamaya. Ito na yung pag kakataon ko para ipakita sa magulang niya na may maipagmamalaki naman ako kahit papaano.
"I'm nervous, babe." I told him. Narinig ko ang buntong hininga niya kaya parang mas kumabog ang puso ko.
"Don't be. I came here to support you. Monetter is here also. Gawin mo lang kung ano yung gabi-gabi mong ginagawa, babe. This is one of the perfect moment to show your talent to them. My grandpa and uncle ark are here also." Parang tumigil ang pag tibok ng puso ko sa sinabi ni don.
Andito ang lolo niya! Andito ang tito niya! Andito ang dalawang Clarkson Pineda! Kwento sa akin ni hade. Ang lolo niya, ang tito ark nila ang pinaka-seryoso, strikto, matinding magalit sa lahat ng pineda. Kung ano gusto nila dapat ay masunod. Pati nga daw si clark at faye tumitiklop pag ang lolo na nila ang nagsabi. Jeez! He is clarkson the first, Im talking about!
"Fiona, tara na.." Lumingon ako kay martin at tumango.
"Babe, it's our turn." Sabi ko at lumapit na kila martin.
BINABASA MO ANG
If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)
RomanceStory of fiona and don (Clash of clan love story and when she met the mafia boss,cast) *Clash of clans love story* Fiona and don are together. Don is Sir's cousin *When she met the mafia boss* Fiona and don seperates. Don got married. This will gonn...