Chapter 30

2.3K 59 7
                                    

May sulat akong nakita sa side table nung bumalik ako sa kwarto. Katatapos kong mag dinner. Ilang araw na din ako dito sa mansion pero ni minsan hindi pa ako humarap kumain kasama ang mga pineda. Ayoko! Andoon si don at ang asawa niya. Baka hindi ako makakain ng maayos habang pumapasok sa isip ko ang sinabi ni andrea nung nakaraan.

Akala ko ay kay hade na naman galing ang note pero nagulat ako ng may makita akong litrato ng mga kapatid ko. Pareho silang nakagapos at nakahiga lang sa sahig. Tinitigan kong mabuti ang litrato at halatang kagagaling lang nilang dalawa sa pag iyak. Wala naman akong nakitang mga pasa kaya nakahinga na rin ako ng maluwag. Huwag na huwag lang silang mag kakamali na saktan ang mga kapatid ko. Kundi ako mismo ang papatay sakanila. Binasa ko ang nakasulat at nakaramdam na naman ako ng galit.

Bibigyan kita ng dalawang linggo para makuha si laurice. Kapag lumagpas ka sa usapan nating araw, papahirapan ko ang mga kapatid mo. Sa ngayon, hindi ko pa sila sinasaktan pero malamang ay gutom na gutom na sila dahil ilang araw ko na silang hindi binibigyan ng pagkain. Kaya umpisahan mo nang gumawa ng paraan. Tandaan mo, alam ko ang bawat galaw mo dyan sa pugad ng mga demonyo. Kaya alam kong hindi ka pa gumagawa ng paraan para mapunta sa akin si laurice. Hangga't hindi ka gumagalaw, hindi ko din bibigyan ng pagkain ang mga kapatid mo.

Sa susunod na araw, mag kikita tayo. Maghanda ka ng plano mo.

Galit na galit akong pinag pupunit ang sulat. Gusto kong mag wala at mag basag ng gamit pero hindi ko pag aari ang kahit anong gamit dito. Kaya padabog akong umupo sa kama. Hinawakan ko ang ulo ko at nag isip.

Ano nang gagawin ko? Simula ng dumating si clark at laurice ay dalawang beses ko palang silang nakikita. Nakausap ko sila pero saglit lang dahil palagi silang umaalis.

Tama bang ipagpalit ko si laurice sa mga kapatid ko? Tama bang siya nalang ang mapahamak kesa sa mga kapatid ko? Shit! Bakit nahihirapan akong pumili? Diba dapat mas pipiliin ko ang mga kapatid ko? Pero bakit hindi ko maatim na isiping ipalit si laurice sa pwesto ng mga kapatid ko?

Hindi man kami ganoon katagal na naging mag kaibigan ni laurice. Pero hindi ko kayang ipahamak siya. Alam kong higit sa lahat si clark ang masasaktan pag napahamak ang mahal niya. Sa tagal kong naging kaibigan si clark, ngayon ko lang siya nakitang sumaya ng ganito. Yung kislap sa mga mata niya at yung mga ngiti at tawa niya pag andyan si laurice ay nakakahawa. Ayokong mawala ang mga ngiti at saya ni clark. He's been a good friend. Lagi siyang andyan para sa akin, sa aming lahat. Kaya hindi ko hahayaan na ipahamak si laurice. I need to make a plan. Pero hindi ko pwedeng idamay na dito ang mga pineda.

Alam kong sila ang rason kung bakit napahamak ang mga kapatid ko pero gaya nga ng sabi nung lalaking leguistan. May mga tauhan siya sa loob ng mansyon at hindi ko alam kung sino sila. Kung malapit ba sila sa mga pineda o tauhan lang talaga.

Napatunghay ako ng may maisip. Yes! That's what I need to do. Kailangan ko munang malaman kung sino ang mga tauhan na sinasabi niya. Kasi hangga't hindi ko malalaman kung sino. Hindi ko alam kung sino ang pag kakatiwalan ko at kung sino ang iiwasan ko.

----

Agad akong nag tago sa ilalim ng malaking table ni master uno ng marinig kong may papasok sa office/library niya dito sa mansion. Ito yung office na pinuntahan namin noong araw na nakita nila ako sa harap ng bahay nila.

"Dad, it's too dangerous. Baka mapahamak ang mga kapatid ni fiona sa plano." Nabosesan ko ang nag salita. Ang daddy ni clark.

"We've tried the first plan pero bakit parang nakatunog ang mga leguistan? Ilang tauhan din natin ang namatay." Hindi ko alam kung kaninong boses na iyon.

Nag usap usap pa sila kung bakit daw nalaman ng leguistan na susugod ang mga tauhan nila sa natagpuang hideout ng mga leguistan. Nag iisip din sila na baka may nakapansin na sakanila nung araw na yun malapit sa hideout kaya nakapag handa agad ang mga leguistan. Umiling ako habang nakayuko sa ilalim ng mesa. Kaya natunugan sila ng mga leguistan ay dahil may traydor sa tauhan ng mga pineda.

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon