Chapter 11

1.7K 46 3
                                    

Nasa school grounds ako ng nakatanggap ako ng tawag kay sir lester. Nag alinlangan pa ako kung sasagutin ko ba o hindi. Pero naisip ko na baka importante.

"Hello sir?" Luminga-linga ako dahil baka dumating si don out of nowhere at marinig niyang kausap ko si sir lester.

Nakapakaseloso pa naman nun. Simula ng pag awayan namin yung pictures na binigay ng anonymous person na yun. Selos na selos na siya kay sir lester.

Sobrang bakod pa niya lalo sa akin pag nasa trabaho ako. Ganun pa din naman ang pakikitungo niya kay sir lester. Ang galing niya palang makipag-plastikan? Hahaha.

"Fiona, my friend will getting married tomorrow. Nag karoon ng konting problema sa preparation dahil nag kasakit yung singer na kinuha nila for the wedding. So he asked me a favor. Kung pwedeng isa sa mga kumakanta sa reato bar ko ang kunin nuyang singer. And I thought about you. Do you want to accept? Para masabihan ko na sila kuya jerry to settle the band."

Napangiti ako sa sinabi ni sir lester. Omg! First time kong kakanta sa mgs events, maliban sa mga school events namin. Unang beses akong kakanta sa isang wedding! At sobrang na-excite ako.

"Sure sir. Magandang raket din yan." Narinig ko siya mahinang tumawa sa kabilang linya. Mukhang na sense niya ang excitement sa boses ko.

"Okay then. Baka mas matuwa ka pa kung malaman mo ang bayad. I'll call you later tonight. Mag isip ka na ng mga kakantahin mo. My friend will send a list of songs na paborito nila ng fiancee niya. So you still have time to practice it." Tumatango tango ako habang nag sasalita siya.

Sa di kalayuan, nakita ko si don na kasama si hade, jade at gael. Papunta sila sa direksyon ko.

Kung kanina ay kinakabahan ako na baka malaman ni don na kausap ko si sir lester. Ngayon hindi na. I am really happy right now.

"Thank you po talaga sir lester." Nakangiti kong sabi habang pinapanood sila don.

Nakakunot ang noo niyang nakatingin sa akin. Pero ngumiti din naman ng kumaway ako sakanila.

"No problem, fiona. See you tomorrow. I'll be the one to pick you. Bye."

Mag sasalita palang sana ako pero na-cancel na niya ang tawag. Tatanggi nalang ba ako para hindi na naman mag selos si don? Or hindi nalang ako tatanggi dahil nakakahiya naman na tanggihan ang offer niya.

Tsaka, doon din naman ang punta ni sir lester. Hindi naman siguro masama kung sasabay ako sakanya diba? Ugh! Kahit saang banda ko tignan. Walang masama sa pag sundo sa akin ni sir lester dahil may dahilan naman. Pero kahit alam kong walang masama doon. Para kay don, masama iyon.

Kababati lang namin ni don nung nakaraan kaya ayoko na munang mag away kami. Pag sasabihin ko to sakanya, hindi niya ako papayagan. And I badly want to go.

Matagal ko ng gusto na kumanta sa wedding event. Gusto ko yung ako yung kumakanta habang sumasayaw yung newly wed at dinadamdam nila yung pag kanta ko.

Gusto kong kahit sa sandaling iyon. May dalawang magkabiyak na magiging parte ako sa pinaka-importanteng araw ng buhay nila.

I really admire the idea of marriage. Hindi kasi nag work ang marriage ng parents ko. So, kahit sa imahinasyon ko lang. Maiisip kong, minsan sa buhay ng magulang ko. Nag mahalan din sila.

"Yow fi!" Sabay apir sa akin ni jade.

"Nag yayaya si gael ng inuman mamaya. Wanna come?" Jade asked me.

Don kissed my cheek and sat beside me bago ako akbayan.

"She can't. May work siya tonight." Siya na nag sumagot para sa akin.

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon