Chapter 48

1.9K 40 4
                                    

"Kuya, may nakita kayong lalaking ganito katangkad?" Nilagay ko ang kamay ko sa ere, pinapakita kung gaano katangkad si dansen. "Nakasuot po ng navy blue na polo shirt tapos naka-sumbrero po ng itim. Ito po siya oh." Pinakita ko sa lalaki ang picture ni dansen sa cellphone ko.

"Wala eh. Walang nadaan dito." Nag pasalamat ako at nag lakad ulit para mag tanong tanong. Hindi ko na mabilang kung ilang tao na ang natanungan ko.

Medyo malayo layo na din ako sa restaurant pero nakikita ko pa naman ang malaking signage. Nasa highway pa rin ako at hindi ko alam kung ito yung way na dinaanan ni dansen nung umalis siya. Shit! Baka sa kabilang daan?

Bumalik ako papunta sa restaurant at sa kabilang way na pumunta. Ang dami ko na kasi natanungan at wala daw sila nakikitang lalaki na nakasuot ng navy blue polo shirt at nakasumbrero ng itim. Baka sa kabilang way nga siya dumaan. Tinignan ko ang phone ko at binasa ang text ni claire.

Nasa condo na sila ni sarah. Hindi na daw muna siya uuwi at sasamahan si sarah doon. May spare naman daw siyang damit sa sasakyan niya. Kaya nag text ako ng salamat at nag patuloy sa paglalakad. Habang palapit ng palapit sa restaurant. May humintong sasakyan sa harap ko. Halos mapatalon ako sa gulat. Napakunot ang noo ko at dahan dahang umatras. Makikidnap na naman ba ako? Kababalik ko palang ng manila. Isang buwan ko palang dito. Mangyayari na naman ba ang nangyari dati? Kahit malamig ang gabi ramdam ko ang pawis sa noo ko.

Bumaba ang bintana ng sasakyan sa fronseat at nakahinga ako ng maluwag ng makita kong si don lang pala. Wait! Si don? Tapos may kasama siya. Hindi ko agad nakitang si dansen ang kasama niya dahil nakayuko ito at may sumbrerong suot.

"Dansen!" Tawag ko sakanya pero hindi lumilingon si dansen sa akin.

"Get in! Ihahatid ko na kayong dalawa." Malamig na sabi ni don. Umiling ako.

"Hindi na. Mag ji-jeep nalang kami." Sabi ko at bubuksan na sana ang pinto ng sasakyan niya para sana pababain si dansen pero napatingin sa akin ang kapatid ko.

"Sumakay ka na ate para makauwi na tayo." Nakita ko ang pamumula ng mata niya.

Wala na akong nagawa at sumakay na sa backseat. Kung mag iinarte pa ako magtatagal lang kami.

"Seatbelt." Si don. Nilagay ko ang seatbelt ko at nag drive na siya.

Walang imikan sa loob ng sasakyan. Ang awkward ng atmosphere. Ramdam na ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin ni don. Ramdam niya rin kaya? O ako lang? Mas mabigat ang tensyon na nararamdaman ko dahil meron si dansen. Bakit sila magkasama? Paano nakita ni don si dansen? Iniwan ba niya yung girlfriend niya? Tumingin nalang ako sa labas ng bintana at pinanood ang mga sasakyan at mga taong nag lalakad. Hindi ko maiwasan ang sumulyap kay don.

Habang nag mamaneho siya ay humahapit sa suot niyang longsleeve ang braso niya. Nakatupi ito hanggang siko. Magulo ang buhok niya at magulo din ang damit niya. Hindi na katulad dati na may kahabaan at kakapalan ang buhok niya. Lalong bumagay sakanya ang buhok niya ngayon. But I prefer his hair before. Naisusuklay ko ang mga daliri ko sa malambot at makapal niyang buhok. Pero ngayon, hindi ko na ata iyon magagawa. I would do everything magawa lang yun ulit. Mayakap lang siya ulit. Maging akin lang siya ulit. But it's impossible to ask right? May girlfriend na siya.

Two years, fiona! Two freaking years kang nawalan and you expect him to be single? Gwapo si don. Para siyang isang male model o isang fictional character sa mga libro na almost perfect. He is the boy I love before and will always love till forever. And now, he is not my boy, he is no longer mine. He belongs to someone else. He is a man of someone else.

Malungkot akong napangiti ng pagmasdan ko ang nakatagilid niyang mukha. Nasa likuran ako ni dansen kaya kitang kita ko ang semi-side-bsck view ng mukha niya. Wala na yung earrings na nilalagay niya sa tenga niya. Hindi ko na rin nakikita ang dimple niya. Hindi kasi iyon nakikita pag hindi siya nag sasalita o nakangiti. I miss his dimple. I miss the way he smile and laugh. I miss everything about him!

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon