Chapter 70

3.6K 61 9
                                    

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa malaking salamin. Hindi ko mapigilang hindi maluha sa nakikita ko. Probinsyana lang naman ako noon. Pero ngayon, ikakasal na ako sa pinakagwapo, pinaka-hot, pinaka-mabait, pinaka-mamahal kong lalaki sa balat ng lupa.

"Ate?" Agad akong napalingon sa likuran ko ng sabay akong tawagin ni dansen at sarah.

Ngumiti sila at yumakap sa akin. Niyakap ko din ang mga kapatid ko. Habang nakayakap sakanila ay narinig ko ang pag iyak ni sarah. Kaya agad akong humiwalay sa yakap.

"Sarah.." Pagtawag ko sakanya.

"A-ate, masaya lang ako. Kasi sa dami ng mga pinagdaanan mo. Sa dami ng sakit na naramdaman mo. Andito ka na. Ikakasal ka na kay kuya don." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Ganun talaga. God is good. Hindi niya ako hinayaang habang buhay na masaktan. Kaya ikaw, pag nag boyfriend ka. Piliin mo ha? Wag mag padalos dalos."

"Oo naman po." Suminghot niyang sabi.

"Tss. Bakit ba kanina ka pa umiiyak? Kasal to hindi burol." Pang aasar na naman ni dansen sakanya.

"Hep.. Tama na, okay? Ayan na naman kayo. Paano na kung dadalawa lang kayo? Parati nalang bang away?" Umiwas ng tingin si dansen sa akin at lalong naiyak naman si sarah.

"Mahal na mahal ko kayo mga kapatid ko. Kahit ikakasal na si ate. Kahit na mag kaka-baby pa si ate. Kayo pa rin ang mga unang baby ko. Okay?" Yumakap ulit sila sa akin at hindi nakaligtas sa akin ang namumuong luha sa mata ni dansen.

Pagkatapos naming magdrama ay nagkwentuhan pa kami. Mamaya maya ay may kumatok sa pinto kaya naman hinintay namin kung sino ang papasok.

"Miss fiona.. Tara na po?" Huminga ako ng malalim at tumango sa organizer.

Inalalayan ako ni dansen na tumayo at saka kami lumabas sa presidential suite sa isa sa mga hotel ng mga pineda. Maraming napapatingin sa akin at nahihiya naman akong ngumiti sakanila. Inalalayan ako ng ibang bodyguards na nasa paligid ko nang pasakay na ako sa sasakyan. Oo, may BG's na din ako. Pag isa ka nang pineda, sa ayaw at sa gusto mo, may BG's ka.

"Ready miss fiona?" Lalong lumaki ang ngiti ko nang makita ko si kuya al sa driver's seat.

"Matagal nang ready kuya al." Nag tawanan kaming dalawa at hinintay pang pumasok sa limousine sila dansen, sarah, ang wedding organizer at ang make up artist. May photographer din na sumama sa amin.

Hindi nagtagal ay nasa harap na kami ng simbahan. Pinag pilitan ko talagang gusto ko sa simbahan ikasal. Halos lahat kasi nang nag asikaso sa kasal ay ang mga pineda at ang mga kaibigan kong babae na sina angel, kat, claire at melowin. Sila ang namili ng flowers, ng cakes, foods, venue, bridal gowns halos lahat lahat sila ang nag desisyon. At ang simbahan na to lang ang gusto namin ni don.

Nagpaalam na sina dansen at sarah sa akin. Naririnig ko na ang pagtugtog sa loob ng simbahan. Sinara na din nila ang malaking pintuan kaya naman inalalayan na naman nila akong bumaba. Hirap na hirap ako sa napakaganda pero simple at eleganteng wedding gown na to. Ang mommy ni don ang nag design. Napakahaba ng likuran. Off shoulder ito na pa-heart shape ang curve kaya kitang kita ang collarbone ko. May mga designs siya na hindi ganun karami dahil mukhang alam na ni mommy vivian(mommy na daw ang itawag ko) ang style na gusto ko. Expose ang likurang bahagi ng gown at pag tinanggal na ang belo ko ay kitang kita talaga iyon.

"Miss fiona, dito po tayo." Sabi ng organizer at sumunod ako sakanya. Tumayo ako sa harap ng malaking pinto at nanginginig ang kamay na hinihintay ang pag bukas ng nito. Sa loob niyan ay nandoon ang taong makakasama ko habang buhay. Ang lalaking pinakamamahal ko.

Gustong gusto ko na siyang makita. Isang linggo kaming hindi pinayagan magkita. Ganun daw ang tradition ng mga pineda. Dami nilang arte. Ayun tuloy, miss na miss na miss na miss ko na siya. Pero hindi naman nawala ang communication namin. Tawag at text nga lang ang pwede dahil pati ang videocall ay hindi kami pinayagan. Kakainis! Nung una tinawanan lang namin ni don pero nung mag tatatlong araw na halos hindi na ako makatiis.

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon