Chapter 44

1.9K 48 5
                                    

Fiona's pov

Nakarating kami sa naia airport ng
8am ng umaga. May sumundo sa amin kaya hindi kami nahirapan. Sa Le Pineda kami hinatid. Isa sa mga five star hotel at kilalang hotel chain sa bansa at maging sa buong asia.

Hapon gaganapin ang event kaya may oras pa kami ng mga kapatid ko mag prepare. Nanunuod kami ng TV ng may kumatok sa pintuan.

Pag bukas ni dansen ng pinto. Nag sisigaw si sarah at tumakbo para yakapin si tita carmela. Tumayo ako at sinalubong ko din siya ng mahigpit na yakap.

"May kasama ako." Nawala ang ngiti ko dahil bigla akong kinabahan.

Pag tingin namin sa pinto. Pumasok ang asawa niya. Ngumiti siya sa amin. Kaya nakahinga ako ng maluwag. Akala ko sila.

"It's nice to see you again, fiona." Sabi niya.

"It's nice to see you din po, sir ark." Magalang kong sabi.

"Please.. Call me tito ark. Tita ang tawag niyo sa asawa ko kaya tito nalang din sa akin." Lumapit siya at niyakap ako. Ganun din ang ginawa niya sa dalawa kong kapatid na biglang nahiya. Tumawa tuloy si tita carmela.

"Nag drop by lang kami dito sa suite niyo. Nandito na din silang lahat. Ibibigay ko lang sana to." May mga pumasok na tatlong lalaki. Inilapag nila sa kama ang mga nag lalakihang box at paper bag. Nag taka akong tumingin kay tita carmela.

"Alam ko namang tatanggi ka na naman kaya kami na mismo ang nagpunta niyan dito. Wear it later. Okay? Ikaw pa naman ang kakanta mamaya kaya dapat sobrang ganda mo mamaya. Malay mo, may mainlove sayo at mag ka-lovelife ka na ulit." Sinimangutan ko siya dahil pareho silang natawa mag asawa.

"Salamat po dito. Mag aayos na din po kami maya-maya. Saan po pala yung venue? Ngayon lang po kasi ako nakapasok dito eh. Di ko po alam ang pasikot sikot." Tinabig ko si sarah dahil bubuksan na niya ang malalaking box.

"May susundo sainyo dito mamaya. May tatlong oras pa naman bago mag umpisa." May tumawag sa phone niya kaya sinagot niya ito.

Narinig kong si laurice ang kausap niya. Narinig ko din ang pangalan ni clark. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Makikita ko na sila mamaya maya! Nang ibaba na niya ang phone ay humarap siya ulit sa akin.

"Wag mo kaming indianin. Pumunta ka ha? We will wait." Tumango ako at ngumiti sakanya.

May mga pinag usapan pa sila nila dansen at sarah bago sila nag paalam umalis.

Tuwang tuwa ang dalawa sa mga damit at sapatos na binigay ni tita carmela. Susuotin daw namin mamaya. Kaya naman nag unahan na ang dalawa na maligo. Umupo ako sa kama at binuksan ang malaking box na nag lalaman ng isusuot ko mamaya. Tinanggal ko ito sa lagayan at pinag masdan ng maiigi. Color white at may halong peach ang dress na hanggang baba ng tuhod. Medyo may pag ka-flow siya dahil may mga plits. Heart shape naman at hindi gaanong maraming design. Simple lang pero ang elegante tignan. Parang ganito yung suot noon ni duchess katrine sa magazine na nakita ko. Tinignan ko yung sapatos na hindi gaanong mataas, may strap siya sa ankle at may mga silver bids sa harapan. May partner din itong bag pero color white na pa-circle. Syempre, sinamahan niya din ito ng accessories. May bracelet, may earrings at may necklace.

Nang matapos ang mga kapatid ko maligo ay tinulungan ko silang mag palit ng damit. Maganda din ang dress ni sarah. Pang teenager ito at kulay puti na may mga feathers din na puti sa bandang dibdib. Si dansen naman ay naka-black tuxedo. Nang matapos ko sila tulungan sa pag aayos ay ako naman ang naligo at nag palit.

Hindi gaano kakapal ang nilagay kong make up sa akin. Sakto lang. Masyado kasing light ang damit kaya ginawa ko ding light ang make up ko. Nilagyan ko din ng konting make up si sarah para mas magmukha siyang anak ng mayaman. Hindi pa ako tapos sa pag make up sa sarili ko ng may kumatok sa pinto.

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon