Chapter 65

2.6K 64 5
                                    

"Hello gel, what's up?"

"Oh my god! Where are you? Yiiieee! May goodnews ako!!!"

Natawa ako dahil sa sobrang saya at excitement niya. Nilingon ako ni don na kasalukuyang nag dra-drive. Sinundo niya ako sa tapat ng building ng condo at sabay kaming papasok. Isang linggo na rin nakalipas noong moment namin sa safe haven naming dalawa. At araw-araw na niya akong hatid-sundo. At laging sa opisina niya ako o doon siya sa akin. Halos di na kami mapag hiwalay. Bagay na ikinatutuwa ko talaga.

"Yiiiiee! Punta ka dito sa sweet's cake shop. Now na! My good news ako sainyong lahat. See you! Bye!" At agad na din niyang binaba ang tawag.

"What does she say, babe?" Don ask. Kinikilig pa rin talaga ako pag babe tawag niya sa akin. Yiiiee! Ang kire ko lang.

"Pumunta daw ako sa sweet's. May good news daw siya, babe." Hehehehe. Kinikilig ako!

"Hmm. Only you?" Mag sasalita na sana ako pero nag ring ang phone niya. Pinindot niya ang earpiece na nasa tenga niya. Si sir ang kausap niya at saglit lang ang usapan nila.

"Looks like, we're all gonna be there. Ready to tell them about us, babe?" Nag iba siya ng route at swabe siyang nag U-turn.

"Of course! Balak sana natin sa weekends pero dahil magkikita naman na tayong lahat today. Why not?" Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan na naman iyon. Old habits, die hard talaga!

Nag patuloy ang kwentuhan namin ni don habang nag byabyahe papunta sa paboritong cake shop ni angel. Desisyon ko ang huwag muna ipaalam dahil gusto ko, mag kakasama kaming lahat pag sinabi ko yun. Meron ang dalawa kong kapatid at meron din ang mga kaibigan ko. Pumayag naman siya.

Nang makarating sa cake shop ay nandoon na silang lahat. Agad tumakbo si angel palapit sa amin ni don na papalapit na sakanila. Dinamba niya ako ng yakap at pinisil ang pisngi ko. Lagi niya ng ginagawa to. Pagkatapos nung proposal ni sir sakanya last two weeks ay pinag gigigilan niya ako. Weird! Iniisip ko nalang ganun siguro kasaya ang tao pag engaged na.

Nakipag beso ako at manhug si don sa lahat. Excited akong pinaupo ni angel at tumabi sa akin dahilan para hindi makaupo sa tabi ko si don. Nginitian niya nalang ako at umupo sa harapan namin.

"So what's up, gel? Bakit ka nag patawag ng get together?" Si hade na may kasamang babae. Napailing nalang ako. Kelan kaya mag babago ang lalaking to? Kamusta na nga kaya yung suman girl niya dati? Hmm. Next time tatanungin ko siya.

"Yeah. What is it? Hindi kasi ako magtatagal. I have pictorial today. Gael will come with me." Ang sikat na modelong si monette.

"I have a duty at 6pm. Ihahatid ko pa si kat at faye mamaya sa bahay." Si jade na nasa actual duty niya na for his medicine. Dalawang taon na lang ay gragraduate na siya.

"Eh kasi.. Oh my god!!! Hihihihi." Nag katinginan kaming lahat at natawa nalang sakanya.

"Ano nga? Sabihin mo na." Natatawang tanong ni kat.

"Kasi nga.. Yiiie! May pinsan na si caleb!! Hihihihihi." Napanganga ako sa gulat. Nanlaki naman ang mata ng iba at ang iba naman ay napatakip sa bibig at lahat kami ay hindi nakapag salita.

"She's pregnant! You slowheads!" Sigaw ni sir sa amin at hinalikan si angel sa lips.

"Ulul! Gets namin!"

"King ina mo! Mag papakasal palang kayo. Nakabuo ka na. Hayup!"

"Tibay mo dre!"

"Nice one dude! May new member of the family!"

"Congratulations!!!"

"Kyaahh!! I'll gonna be a tita again. Yiiee!! I hope it's a girl. Please make it a girl."

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon