Chapter 23

1.8K 44 3
                                    

Biglaan ang naging engagement ni clark. Hindi nasunod sa sinabing date sa invitation na ibinigay. Kaya agad nag desisyon si laurice na pigilan ang party. At dahil supportive kaming kaibigan ay tutulong kami para mapigilan ito. Ayoko sana sumama kaya lang kailangan. Para kay clark at laurice.

May konting bahagi ng utak at puso ki na gustong pumunta para makita si don at ang asawa niya. Alam kong masasaktan ako pero gusto ko talaga silang makita. Masochist na ata talaga ako!

Nakangiti kong pinapanood si faye sa pag pili ng damit niya. This is so not her. Siya yung tipo ng babae na walang pakialam kung anong isusuot. Hindi din siya nag susuot ng sexy or daring clothes dahil conservative ang isang to. But tonight is different.

Siguro dahil excited ang lahat sa plano na itakas si clark at tulungan si laurice para mag tanan sila? Hmm. I don't think so.

"Hurry up, faye! Ang tagal tagal mo! What's up with you? Ang picky mo na sa mga damit. This ain't you!" Naiinis na sigaw ni monette sa living room ng condo niya.

I shrugged at faye ng samaan niya ako ng tingin. Umupo nalang ako sa tabi ni monette na kanina pa may katext sa phone.

Pareho na kaming nakaayos dalawa. Monette and faye ordered a long gown for the three of us. In just 3 hours ay nakakuha silang ng magandang gown, nakapag-hire ng hair and make up artist, nakabili ng heels, pouches and accessories. So the remaining two hours ay inayusan na kami.

It's nearly 8pm nang makaalis kami sa condo ni monette. Habang palapit ng palapit ang mismong mansion ng mga pineda ay lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Relax, hade will be there. For sure, didikit lang yun sayo for the remaining nights." I squeezed faye's hand.

Nang makarating sa venue ay pinag titinginan kami ng mga tao. As always. Basta may kasama kang pineda. Aasahan mo ang attention ng mga tao sayo.

Lalo na ng makita namin ang mga boys. They are all wearing tuxedos. Lalo silang gumwagwapo pag ganyan ang mga suot nila lalo na pag nakaayos ang buhok.

Kat and angel is wearing a cocktail dress. Kat has a green one and angel has a pink one. Nakalugay sila pareho na hindi nila masyadong ginagawa dahil laging nakaayos nag buhok nila.

Faye is wearing a red silky long dress. Para siyang supermodel sa tangkad niya at sa slim ng katawan niya. Monette is wearing a yellow long gown na may mga sequins sa harapan. Unlike faye's gown na plain red silky lang. Yung kay monette ay maraming design.

And for me, I am wearing a black long gown. Actually it's not really a gown. Fitted siya na off-shoulder at cropped top yung style kaya kita ang pusod ko. Kapares niya nag isang long skirt na may slit sa legs. Kaya nag mukha siyang long gown pa rin dahil mahaba ito at sumasayad sa sahih. At dahil maputi ako ay bumagay talaga sa akin ang kulay ng damit. Lalo akong pumuti ang kutis ko. This is actually nice! I feel sexy and beautiful tonight.

Sabi nung stylist, bagay ko daw ang mag tali ng buhok na mataas dahil may kahabaan ang leeg ko. Pang model o beauty queen gaya ng sabi niya. Nilagyan niya din ako ng hair extension para maganda yung pagkakatali ng buhok ko. May extension din ang eyelashes ko at ginasa niyang smoky eyes ang dating nito. And they put a bloody red lipstick para daw may ibang kulay naman. And for the accessories. Tassle earrings na color white ang nilagay sa akin and long diamond necklace na pag mamay-ari ni faye. Kaya agaw pansin din ang necklace ko sa itim kong top dahil sa kumikinang kinang ito.

Nag usap usap kami about sa plan na mangyayari. As expected madami talaga ang guards na nag kalat. BG's palang ni don noon ay lima na. How much more kung lahat ng pineda ay andito.

Dumating si laurice at sobra akong nagandahan sakanya. Agaw pansin siya sa suot niyang royal blue long gown na kapareho kong may slit sa legs. Mas daring nga lang yung akin dahil mataas ang slit niya.

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon