Chapter 53

2.2K 49 3
                                    

"Alam mo, bilib na bilib na ako sayo ng malaman kong close ka sa mga pineda at ex mo lang naman ang bachelor billionaire na si Doniel Pineda Samaniego. Pero mas bumilib pa ako sayo lalo dahil close mo din pala si Mr. Clarkson Pineda I. Oh my god! OMG! Ang astig mo! Ikaw na talaga!" Binato ko ng papel si melowin dahil sa kadaldalan niya.

"Ano ka ba! Huwag mo kong batuhin. Kainis ka! Nakakainggit ka! Konyatan kita dyan nang mabawasan inggit ko. HAHAHA." Inirapan ko lang siya at nag patuloy sa pag aayos ng gamit ko.

Mamaya maya ay tumigil na din siya sa pagtawa atsaka nag paikot ikot sa upuan niya habang mukhang nag iisip isip. For sure, magtatanong na naman to.

"Bakit ka kaya pinapatawag sa main company ng Pineda corp?" Nag kibit balikat lang ako sakanya. Nginusuan niya naman ako at tumayo para lumapit sa akin.

Umupo siya sa upuan ko. Andito kami sa office at wala siyang magawa kundi ang kulitin ako. Nag aayos ako ng gamit ko dahil sinabi ni Mrs. Guevara kanina na pinapatawag daw ako ni lolo uno sa main company nila at nag hihintay na daw ang driver nila sa baba. Kahit na nagtataka ay um-oo nalang ako.

Kaya gulat na gulat si melowin ng marinig niya yun dahil magkatabi lang naman ang cubicle naming dalawa. Hindi ko naman siya masisisi kung bakit ang OA niya magreact. Hindi ko din naman kasi nakwekwento sakanya na malapit ako sa mga iba pang pineda. Ang tanging alam lang niya ay kaibigan ko ang mga hot new CEO's ng pineda at ang dalawang princesa ng pineda na si faye at monette. Alam niya ring ex ko si don. Pero hanggang doon lang yun. Wala na ko kwinento at hindi din naman niya tinatanong sa akin. Puro yung mga boys ang tinatanong niya.

Tsaka naman. Sa kadaldalan ng babaeng to. Sus! Ewan ko nalang.

"Sige na. Aalis na ako. Si gina nalang daldalin mo." Sabi ko at nakipagbeso sakanya.

"Balitaan mo ko mamaya ha? Gusto ko detailed."

"Oo na. Bye." Kumaway ako sakanya.

"Laters, baby." At nag flying kiss pa siya. Napailing ako sa kalokohan ni melowin.

Paglabas ko ng building ay agad akong pinagbuksan ng pinto ng sasakyan. Nag pasalamat ako sa lalaki. Ngumiti lang naman siya at isinara na ang pinto ng sasakyan. Habang nasa byahe ay ang dami ko nang naisip na dahilan kung bakit ako pinatawag.

1. Miss lang niya ako at gusto lang akong kamustahin?
2. May masama siyang balita?
3. May maganda siyang balita?
4. Trip lang niya?
5. May hihingin siyang pabor?
6. Mag papatulong siya sa akin?
7. Dahil kay don?

Napailing ako ng maisip kong dahil kay don kaya ako pinatawag. Hindi naman siguro. Tsaka hindi din naman ugali ni lolo uno na makialam sa relasyon ng mga apo niya.

Malayo palang ay tanaw ko na ang malaking tower na building ng pineda corp. Sa taas nito ay ang makinang na gold color na may letter P. Agaw pansin ang building nila dahil maganda ang structure ng building. Silver glass walls ang makikita mo at may black lining sa mga cemented wall. Halatang may helipad pa sa taas. Ang pag kakaalam ko, nasa 50th floor ang building nila. Ito ang pinakamataas at pinakamalaking building na meron ang mga pineda.

Pumasok kami sa basement parking. Nang makapag park na si manong driver ay hindi ko na siya hinintay na pag buksan ako ng pinto.

"Salamat po kuya." Sabi ko sakanya at sinarado na ang pinto ng sasakyan.

Nang nasa elevator na ako ay doon ko lang naramdaman ang kaba. Hindi ko talaga alam kung bakit ako pinatawag. Nag tatagal ang pag sakay ko sa lift dahil maya't maya ay hihinto ito sa mga floors at may mga sasakay na empleyado. Hanggang sa tatlo nalang kaming natira sa loob ng lift. Napatingin ang dalawang lalaki sa akin, tipid naman akong ngumiti sakanila. Napansin kong ang 49th floor nalang ang naka light sa elevator button. So ibig sabihin ay doon din ang punta ng dalawang lalaki.

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon