Chapter 26

1.9K 50 4
                                    

"Bakit parang natataranta sila? Anong meron?" Nagtataka kong tanong sa mga kasama ko pag dating sa kumpanya ng cartel.

"Pupunta daw dito yung bagong nakabili ng cartel company. Ang sabi, nalulugi na daw ito kaya naman binili ng isang mayaman." Sabi ni andy habang nag aayos ng mga folder sa bookshelves dito sa booking office ng company.

Tumulong na din ako sa ginagawa nila. Dahil sa sobrang dami ng folder ay baka bukas pa sila matapos.

Mamayang hapon daw pupunta ang bagong may ari para dumalaw at tignan ang kumpanya. Siya na din daw ang mag mamanage nito at hindi na ang dating may ari.

Madami ang pinagawa sa amin kaya yung fresh look naming lima kanina ay haggard na. Hindi lang pag aayos ng folders ang ginawa namin. May pinabili pa silang mga paintings, decorations ng kanya-kanyang opisina, pinag encode kami, print at compile ng files. Halos hindi na kami nananghalian dahil sa sobrang rush na pag aayos.

"Fiona, andy, sumama kayo sa akin." Sumunod kami ni andy kay Mrs. Guevara ang head of booking ng kumpanya.

Pag dating sa sarili niyang office ay inabutan niya kami ng papel at susi ng sasakyan.

"Pumunta kayo sa dream pub. Paki-pick up yung order natin. Pag hindi pumayag gawan niyo ng paraan. Dapat makuha niyo yan ngayong araw. Sige na. Dalian niyo at papunta na daw ang bagong boss natin." Tumango kami sakanya at nag paalam na.

Pag pasok sa elevator nag simulang mag reklamo si andy. Talak siya ng talak at ilang beses umikot ang mata niya sa inis. Nakangiti lang naman akmo habang pinapakinggan ang bawat hinaing niya.

"Sa school, ako ang nag uutos sa mga estudyante. Tapos dito, ako ang uutusan? My gosh! Hindi na lang sana ako dito sa cartel! Hmp!" Tinapik ko ang balikat niya para pakalmahin siya.

Talagang namumula na ang mukha niya sa inis. Totoo naman kasi, student council president si andy at siya ang taga utos kung ano gagawin at siya ang taga plano. Nanibago siguro na siya na ang utusan ngayon. Atleast, ramdam na niya ang mga ginagawa niya sa aming mga student council.

"Alam mo, bakit nakangiti ka pa? Ginagawa na nga tayong alila." Nakasimangot siya habang nakatingin sa akin.

"Alam mo ands, wala tayong karapatan mag reklamo. Ojt nga diba? Hayaan mo, after nating makapag graduate. Hindi na tayo utusan sa kumpanya na to. Isa na tayo sa taga-utos. So think possitive okay? Isang buwan palang tayo higit dito. Baka mag give up ka na." Ngumiti ako sakanya para gumaan naman ang loob niya.

Malay ko ba kung mag give up na nga ang baklang to. Tumango din siya sa akin kalaunan at inakbayan ako.

"Alam mo, hindi ko alam kung paano ka pa nakakangiti pagkatapos ng lahat ng nangyari. Nakakabilib ka. Even though you don't have mom and dad. At ikaw lang nag tataguyod sainyong magkakapatid at heart broken ka. You seems so strong. Parang di ka nahihirapan sa nangyayari sa buhay mo. You always look at the bright side. Nakakahawa din ang positivity mo. I'm proud of you, girl."

Lumaki ang ngiti ko sa sinabi ni andy. Atleast hindi ako mukhang kawawa sa paningin ng mga tao. Yun ang ayokong mangyari. Yung kaawaan ako. Yung pag uusapan ako na kawawa ako. Hindi ako nabubuhay sa mundo na to para kaawaan lang.

"Kaya wag ka ng nega. Kasi baka mahawa ako sa ka-negahan mo. Masyado ka ng B.I sa akin kaya wag mo ng dagdagan." Pareho kaming natawa sa sinabi ko.

Yes. Dakilang B.I si andy. Lagi niya kaming dinadala sa mga club at pinipilit ubusin ang inumin. Pinag tutulakan din kami sa mga lalaki. Pero buti nalang di ako pumapayag. Pero yung iba naming kasama sa ojt. Na impluwesyahan niya na.

Pag bukas ng lift ay nag tatawanan pa din kami dahil sa kwento ni andy sa akin. May nangyari kasi sakanila sa club at napaaway sila sa mga grupo ng babae. Imbes na magulat ako ay natatawa pa ako dahil sa pang gagaya niya ng boses ng mga kaaway daw nila.

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon