Nagising ako dahil sa ingay sa paligid ko. Minulat ko ang mata ko at napatitig sa kisame. Salamin ang taas ng kisame kaya kitang kita ko ang mukha ko.
Magulo ang buhok, namamaga ang mata, may pasa sa pisngi at gilid ng mata, may sugat sa labi. Halos namumula ang mukha ko dahil sa mga natamo kong sapak ng mga lalaki.
Napapikit ako at pinigilan na naman ang panibagong luha. Hindi ko alam kung anong matindi kong kasalanan at pinaparusahan ako ng ganito. Totoo nga na sa anak mapupunta ang mga karma. Siguro dahil sa ginawa ng mama ko ay minamalas kami ng ganito. Hindi ko maiwasang sisihin siya. Kung andito lang sana sila ni papa. Baka hindi ito nangyari dahil nasa probinsya lang sila ng mga kapatid ko at tahimik ang buhay. Kung wala dito sa maynila ang mga kapatid ko. Hindi na sana sila madadamay pa.
"Sinabi na ngang umalis ka na!" Napamulat ulit ako ng marinig ko ang galit na sigaw ni hade.
Kanina ko pa naririnig na may nag uusap kaya ako nagising. Dahan dahan akong bumangon. Malaki ang kwarto kung nasaan ako ngayon. Tumayo na ako sa hinihigaan kong queen size bed at lumapit sa ingay na naririnig ko.
Pag bukas ko ng pintuan nung kwarto, bumungad sa akin ang isa pang sala. Napatingin ako sa mga taong andito. Napakunot ang noo ko.
Si hade, jade, sir, stuart, monette at faye ang andito ngayon. Nakatalikod sila sa akin kaya hindi pa nila ako nakikita.
"I just want to know if she's okay now. That's all! Bakit ba ang OA niyo? Masama bang tignan ko lang siya para icheck? Fiona was my girlfriend at kahit niloko niya ako nag aalala pa rin ako sakanya. So please? Let me see her!" Nanlaki ang mata ko ng makilala ko ang boses na yun. It's don! At anong sinabi niya?
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nag balikan ang mga paru-paro sa loob ng tiyan ko. Ang tagal na nung huli kong naramdaman ang ganitong klaseng kiliti sa loob ng aking tiyan. Mag sinabi lang si don, nabuhay na naman sila.
"I told you she's sleeping! Bakit ba nag pupumilit ka pa? Tsaka anong sabi mo? Nag aalala ka sakanya? Wow! Parang kailan lang nung utos utusan mo siya tapos ngayon you cared for her?" Galit na bulyaw ni hade sakanya.
"Don, please. You can see her later. But not now, she needs to sleep." Pakiusap ni faye sakanya.
"I just want to see her. Kagabi sabi niyo nung pumunta ako dito. Bukas nalang. So andito na ako. Hindi ko siya gigisingin. Gusto ko lang makita ang kalagayan niya." Napahawak ako sa puso ko dahil sa mga sinasabi niya.
Isa lang ang sigurado ako. He still cared for me. Hindi ko alam pero kahit nabugbog sarado na ako. Nagawa ko pang mapangiti sa naririnig ko.
"Later, don. Hade told you, she's still sleeping. Baka magising siya pag naramdaman niyang may tao sa paligid niya." Sabi naman ni jade.
"Let her get some rest, dude. She needs it." Nakita kong tinapik ni sir ang balikat ni don. At dahil umalis siya sa pwesto niya kanina. Nakita ko ang mukha ni don na may inis at pag aalala.
"Tara na sa dining. Magagalit si lolo at lala pag wala pa tayo." Tumango naman sila sa sinabi ni stuart.
Napahinga ng malalim si don pero tumalikod na din. Sumunod sakanya ang iba at sinarado na nila ang pintuan nang hindi man lang lumingon.
Napabuntong hininga din ako ng mawala na sila. Nag lakad ako pabalik sa kwarto at umupo sa napakalambot na kama. Nakatulala lang ako doon ng ilang minuto. Iniisip kung paano ko maililigtas ang mga kapatid ko. Kahit naman halos mag wala na ang mga alaga kong paru-paro sa tiyan ko hindi pa din maalis sa isip ko na nasa kapahamakan ang mga kapatid ko. Kaya kailangan ko munang isantabi yun at isipin ang mga kapatid ko.
BINABASA MO ANG
If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)
RomantizmStory of fiona and don (Clash of clan love story and when she met the mafia boss,cast) *Clash of clans love story* Fiona and don are together. Don is Sir's cousin *When she met the mafia boss* Fiona and don seperates. Don got married. This will gonn...