"Beatrice, diba sabi ko pag may bulaklak na naman na dumating eh ibigay mo nalang sa iba? Bakit andito na naman to?"
"Miss, hindi po ako ang naglagay dyan."
"Kung hindi ikaw eh sino? Tsk!"
Hindi ko na maitago ang inis ko sa mga nangyayari. Nung isang araw ko pa sinabi kay beatrice na pag may flowers na naman para sa akin ay huwag nang ipupunta sa office ko. Ang dami dami ko nang iniisip at ang makita ang flowers na araw-araw akong nakakatanggap ay nakakapag padagdag sa isipan ko.
Problema ko pa kung sino ang nagnakaw ng milyon milyong pera sa kumpanya ni don. Nahihiya na ako kay lolo uno dahil hindi ko pa siya natatawagan ng ilang linggo na dahil wala naman akong maibalita. Tapos, itong relasyon namin ni don na papausbong palang. Alam ko naman ang gusto niyang ipahiwatig sa akin. Ayaw niya pang mag simula kami muli kung may mga tao pa ring umaasa sa amin. Speaking of, dagdag pa sa isapan ko si ello. Lagi ko siyang tinatawagan pero di niya sinasagot at lagi ko din siyang pinapadalhan ng mala-nobelang text. Naiinis pa rin ako sa sarili ko dahil nasasaktan ko si ello at melowin. Pero wala naman na akong magagawa kundi ang hintayin na patawarin ako ni ello at hintayin na marealize niyang hindi na ako ang gusto niya at si melowin na.
Napakunot ang noo ko ng makita kong lumabas si crystal sa elevator at deretsong pumasok sa opisina ni don. Isa pa yan! Limang araw na nakalipas simula nung concert ni ello nung sabado pero hindi pa rin kinakausap ni don si crystal. Naiinis ako sakanya dahil bakit hindi niya nalang tawagan si crystal at magkita sila saka niya sabihin? Bakit kasi hinihintay pa niya si crystal na puntahan siya?
Lagi kong sinasabi yun sakanya nitong mga nakaraang araw. Pero yun ang lagi niyang sinasabi. Gusto niya ay puntahan siya ni crystal. Ano bang pinagkaiba nun? Ay ewan!
"Sige na. Pasensya na beatrice. Pero please sa susunod. Wag mong hahayaan na may makarating pa na bulaklak dito sa opisina ko."
"Yes miss. Sorry po."
"It's okay. Pakikuha nalang yang bulaklak. Sayo nalang."
Nakita kong ngumiwi siya. Tignan mo, pati siya ay nauumay na sa bulaklak. Lagi ko kasing binibigay kay beatrice ang mga natatanggap kong bulaklak. Kinuha na niya iyon at nag paalam na.
Nireplayan ko na muna si lia sa messenger ko. Siya kasi ang katulungan ko sa pagtuklas kung sino ang nagnakaw ng pera sa kumpanya ni don. Magaling si lia. Marami siya napapaliwanag sa akin at natuturo. Feeling ko nga, kayang kaya ko na magtrabaho sa finance eh. Huminga ako ng malalim at sinend ang message ko sakanya. Hinintay ko siyang mag reply at napangiti sa reply.
Konting tiis nalang fiona. Malalaman niyo na ni lia ang may pakana ng pagnanakaw.
Nag paalam na ako kay lia at saka ako lumabas ng opisina. Hindi na ako kumatok sa opisina ni don at nag deretsong pumasok. Nakatalikod si don at umiinom ng alak na nakalagay pa sa baso. Hindi pa nag la-lunch, brandy na agad.
"Don, tell me!"
"Tal, huwag kang makulit. Sige na. Hindi ako pwede mag lunch kasama ka."
"Bakit nga?"
Napairap ako dahil humawak hawak pa siya sa braso ni don at inuga-uga pa. Tsk! Sarap niyang hilain at basagin yung salamin sa harap nila saka ko siya ihuhulog doon. Tahimik akong sumandal sa may pintuan at pinanood silang mag usap. Bahagyang nakatagilid si crystal dahil nakaharap siya sa nakatalikod na pwesto ni don sa akin.
"Kasi may magagalit." Napangisi ako sa sinabi ni don.
"At sino naman magagalit?"
"Yung manliligaw ko."
BINABASA MO ANG
If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)
RomantizmStory of fiona and don (Clash of clan love story and when she met the mafia boss,cast) *Clash of clans love story* Fiona and don are together. Don is Sir's cousin *When she met the mafia boss* Fiona and don seperates. Don got married. This will gonn...