Maaga akong pumasok sa kumpanya dahil gusto kong at the end of the week ay may maibalita ako kay lolo uno. Usapan kasi namin ay every weekend ako pupunta sa mansyon nila para mag report. Pumayag naman ako dahil matagal na daw akong gusto makita ni lala. Sa sementeryo kasi ang huling kita namin at hindi man lang nakapag kwentuhan ng matagal.
Tatlong araw na simula nung mag umpisa ako sa kumpanya ni don. At tingin ko hanggang ngayon wala pa rin siyang clue. Hindi rin kami nag papang abot sa opisina. Nung pangalawang araw kasi ay sakto namang nakipag-lunch ako kasama si beatrice nung dumating siya. Nalaman ko lang na meron na siya dahil ilang beses pabalik balik yung dalawang nakasabay ko noon sa opisina niya. Tapos kahapon naman hindi siya pumasok dahil may business meeting daw sa laguna. Kaya sinubsob ko ang sarili ko sa trabaho. Pang apat na araw ko na ngayon. Kaya kailangan ko pang lalong halukayin ang mga papeles. Dapat may maibalita ako kay lolo uno pag tumawag siya sa akin.
Hindi ko masyadong maintindihan ang mga ibang tally. Dito ako naguguluhan pero sinisikap kong pag aralan ng mabuti. Hindi naman kasi ako tapos ng business finance eh. Management naman kasi ang natapos nila hade kaya hindi ko rin pwedeng itanong. Tsaka baka mamaya makarating kay lolo uno na nag papatulong ako sa mga apo niya. Kakahiya naman. Ano nalang kwenta na kinuha niya ako kung sa mga apo niya rin ako magtatanong? Tss.
Talino ko talaga. Hahahahaha
Bigla akong may naalala kaya dali-dali kong kinuha ang phone ko. Hinintay kong sagutin niya ang tawag. Nakakailang ring lang naman ng sagutin na niya.
"Buti naman at tumawag ka. Akala ko nakalimot ka na eh." Kunwaring nag tatampo na sabi ni lia. Ang kaibigan ko sa palawan at kasama ko noon mag organized ng mga events.
"Pu-pwede ba naman yun? Duh. Hindi ka madaling kalimutan, bagay" Nagtawanan kami sa sinabi ko.
[Bagay means kaibigan]
Kinamusta ko muna siya at ang mga ibang kakilala sa palawan. Nag kwentuhan muna kami dahil nakakahiya naman kung rektahan ko siyang tanungin.
"Lia, may itatanong ako sayo. May nirereview kasi akong tally. Hindi ko gaano maintindihan. Kasi iba yung pattern nila sa pag compute eh. Baka pwedeng patulong? Hehe." Nahihiya kong sabi nang maka-tsempo akong tanungin siya.
"Send mo nalang sa gmail ko. Tapos titignan ko saka kita tatawagan. Pero okay lang ba kung bukas na kita mababalitaan? Mamayang gabi pa kasi ako makakauwi." Nasa isang event kasi siya at panigurado ay aabutin na naman siya ng madaling araw.
"It's okay. Take your time, li. Salamat ha. Alam mo namang hindi ako tulad mong graduate ng finance." Bahagya akong tumawa.
"Pero event organizer ang bagsak ko day. Saklap." Tumawa naman siya sa kabilang linya.
"Hayaan mo. Pag natulungan mo ako sa problema kong to. Tutulungan kitang makapasok sa finance department ng kumpanyang pinag tratrabahuhan ko. Deal?"
"Talaga? Seryoso yan ha?" Nahihimigan kong na-excite siya sa sinabi ko.
"Oo nga. Ako bahala sayo. Basta ba matulungan mo ko."
"No problem. Ako bahala. Magaling ako dyan."
Nag kwentuhan pa kami saglit bago siya nag paalam at may gagawin pa siya. Kaya naman napaisip ako kung paano ko mapapapasok si lia sa kumpanya ng mga pineda pag natulungan niya ako. Hmm. Bahala na. Saka ko na proproblemahin yun pag naresolbahan ko na to.
Natapos ang working hour na hindi na naman pumasok si don. Malakas akong nag pakawala ng buntong hininga at nag desisyong umuwi na.
Tinawagan ko si beatrice at nagpaalam. Saka ako dumeretso sa sakayan ng taxi. Pinikit ko ang mga mata ko at halos makatulog na ako. Buti nalang at may tumawag sa phone ko. Agad kong sinagot ang tawag ng makitang si ello ang tumatawag.
BINABASA MO ANG
If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)
RomanceStory of fiona and don (Clash of clan love story and when she met the mafia boss,cast) *Clash of clans love story* Fiona and don are together. Don is Sir's cousin *When she met the mafia boss* Fiona and don seperates. Don got married. This will gonn...