Nag aayos ako ng gamit nang mag ring ang cellphone ko. Tinignan ko ito at nahinto ako sa paghinga. Hindi ko alam kung sasagutin ko o hindi. Hanggang sa natapos itong mag ring. Nakatitig lang ako sa screen. Simula kaninang umaga pa siya tumatawag pero hindi ko pa rin sinasagot.
Sorry, don. Promise! Pag naayos ko na lahat ng gusot sa pamilya ko. Mag papakita na ako sayo.
Gusto ko sanang magtext sakanya pero nahihiya ako. Hindi ko alam kung bakit ako nahihiya. Siguro dahil ayoko namang sa text lang idaan ang lahat. Nag beep ang phone ko at tinignan ang message niya.
From: Babe
Babe, how are you? I hope you are okay now. Anyway, I called because lala wants to invite you for dinner. She cooked pasta le pineda. One of her best recipes. I hope you will come. I love you! I miss you!Napangiti ako sa text niya. Napairap ako sa sarili ko dahil kinikilig talaga ako sa I love you at I miss you niya. Hehehe. #Pakipotnamalandi
To: Babe
Sorry. I can't come. Masama pakiramdam ko. Pakisabi nalang kay lala. Thanks.Nangingiti kong nilapag yun sa side table at nag patuloy sa pag aayos ng gamit. Tignan lang natin kung hindi pa siya pumunta dito. Hindi ako matitiis niyan. Hahahahaha.
"Ate, may sakit ka? Bakit parang wala naman." Napaatras ako ng biglang sumulpot si sarah at akmang hahawakan ang leeg ko.
"Ano ba? Wala akong sakit. Bakit ba?" Mataray kong tanong pero nginusuan niya lang ako.
"Eh nag text si kuya don. May sakit ka daw kaya alagaan kita. Wushu! Nag dradrama ka lang pala. Tingin mo pag sinabi mong may sakit ka pupuntahan ka niya? Hahahahahaha."
Napamaang ako sa kapatid ko. Babatukan ko sana pero mabilis siyang tumakbo palabas ng kwarto at nag lock sa kwarto niya.
"Hoy! Sarah! Huwag mong sasabihing wala akong sakit. Lagot ka sa akin." Dinabog ko ang pinto ng kwarto niya.
"Oopss! Sorry, ate pero narinig niya na mismo ang sigaw mo." Napapikit ako sa inis. Naitawag niya na agad? Pambihira. Tsk!
Bumalik ako sa kwarto at kinuha ang phone ko para sana itext si don pero mamaya maya ay nauna pa siyang nag text sa akin.
From: Babe
Kung ayaw mo akong makita, sabihin mo nalang hindi yung pag aalahanin mo pa ako.Napasimangot ako sa text niya. Hindi na ako nag reply baka mag away lang kami. Nag patuloy ako sa pag aayos ng kwarto ko. Nakapag isip isip na din ako at medyo gumaan ang pakiramdam. Kaya may mood na akong mag general cleaning ng kwarto ko.
"Nakakahiya kay lolo uno. Napakabait pa naman niya sa atin. Tapos inimbitahan kang mag dinner. Ikaw pa may ganang umayaw? Tsk tsk. Ano ka ba naman ate. Asan na yung itinuro mo sa amin ni sarah na, pag iintindi, pag papatawad? Hindi mo ma-apply sa sarili mo."
Nilingon ko lang si dansen. Mag sasalita sana ako pero umiling iling lang siyang tinalikuran ako. Padabog akong umupo sa kama, tumingin ako sa buong kwarto at malinis naman na. Buong araw akong nag ayos ng condo at hinuli ko talaga ang kwarto ko. Napatingin ako sa wall clock at mag aalas siete palang.
Tsk! Bahala na nga!
Nag madali akong naligo at nag palit ng damit. Pati pag make up ay nag madali din ako. Pag labas ko ng kwarto ay tumingin sa akin ang dalawa kong kapatid na nakahiga sa sofa.
"Alis muna ako. Babalik din ako mamaya. Kain na kayo dyan." Sabi ko at nag madaling lumabas. Narinig ko pa ang pag apir ng dalawa kaya napangiti nalang ako.
Dahil malayo-layo din ang mansion ng mga pineda ay inabala ko muna ang sarili ko para icheck ang mga tawag at text sa akin. May iilang text sa akin galing sa mga kaibigan ko at nagyayaya ng sleep over sa condo ni monette. Nag reply akong pumapayag ako basta sabihan lang nila ako kung kailan. Nakauwi na din kasi sila angel at sir galing sa honeymoon nila. Tsaka di na sila nag tagal dahil buntis si angel. Makakasama lang sakanya ang pagbyabyahe.
BINABASA MO ANG
If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)
RomantizmStory of fiona and don (Clash of clan love story and when she met the mafia boss,cast) *Clash of clans love story* Fiona and don are together. Don is Sir's cousin *When she met the mafia boss* Fiona and don seperates. Don got married. This will gonn...