When they are a couple!!
Fiona's pov
"Baby, nagugutom na ako.." Napangiti akong humarap kay don at hinawakan ang mag kabilang pisngi niya.
"Anong gusto mong kainin?" Ngumiti siya ng nakakaloko at alam na alam ko ang ngiti niyang to. Agad akong humiwalay sakanya at tumakbo.
Andito kami sa condo niya ngayon. Tinatamad kasi kaming lumabas. Kaya dito na lang kami. Tsaka kinuha talaga ni don ang condo unit na to para sa amin. Ayaw niya kasi sa mansion nila dahil madami daw istorbo. Well, alam ko naman na ang pinakadahilan niya talaga ay ang parents niya. Hindi kasi sila boto sa akin.
"Gotcha!" Napasigaw ako ng yakapin ako ni don sa likod. Binuhat niya ako at pinaupo sa kitchen counter. Nakaharap na ako sakanya ngayon. Nakangiti pa din siya ng nakakaloko kaya natatawa na lang ako.
"Alam na alam ko yang ngiting yan. Tumigil ka ahhh hahaha tama na hahaha.." Inumpisahan niya na akong kilitiin. Hindi ako makawala sa hawak niya kaya halos maubusan na ako ng hangin sa katawan ng tumigil siya.
Hinahabol ko pa ang pag hinga ko ng hawakan ni don ang mukha ko. Nakangiti siyang nakatingin sa akin.
"Why?" Hinalikan niya ako sa lips at Napasabay na lang ako sa bawat galaw niya.
"Sobrang mahal na mahal kita. Mahal na mahal." Gusto kong maiyak pag ganitong sweet si don. Sobrang swerte ko sakanya.
"Mahal na mahal din kita don-ut.." Natawa siya sa sinabi ko at binuhat na naman ako. Pinulupot ko na lang ang legs ko sa waist niya habang nag hahalikan kaming dalawa. Alam ko na kasunod nito.. Haay! Ang hilig talaga sa donut!
Pero kahit na ibinigay ko kay don ang buong ako. Wala akong pinag sisihan doon. Dahil mahal na mahal ko siya. Tsaka hello naman? Isang taon na kami mahigit at never pa niya akong niloko. Araw araw niyang pinaparamdam sa akin na mahal niya ako. Kaya nung dumating kami sa point na yun. Buong puso kong binigay sakanya ang sarili ko.
Masaya kami ni don na magkasama. May konting away man pero naaayos din namin kaagad. Kaya lang hindi naman pwede sa isang relasyon ang walang problems.
At ang pinaka-mabigat na problema namin ni don ay ang parents niya. Tutol sila sa relasyon namin. Ayaw na ayaw nila sa akin.
Naalala ko pa nung makilala ko ang parents niya. 1 week after ng 2nd anniversary namin. Nasa isang sikat and pinaka-sosyal na restaurant kami nila angel at kat. Dahil pareho kaming taga province. Mas magkakasundo kaming tatlo at lagi kaming magkakasama. Yayayain sana namin sila monette at Faye pero di pwede si Faye at alam na. May monthly period. Masyado kasing maselan yun pag may period eh. Tapos si monette naman may lunch sila with her family. At syempre kasama dun ang kuya niyang ubod ng gwapo at mahal na mahal ko, si don.
So treat ni angel ang kakainin namin today. Dahil daw binigyan siya ng granny and gramps niya ng extra allowance to have some fun this month. Eh nasa war mode sila ni sir, so kami ang tinawag niya.
"Good day ladies. I'm Francis and I'll be serving you for today." The three of us giggle and put some serious face bago namin sinabi ang orders namin.
Actually, we don't have idea kung ano yung iba dun. But it's because angel is an HRM student. May mga alam naman siya. And she's the one who ordered many.
So habang kumakain kami and talking animatedly to each other. Biglang sinipa ni kat ang paa ko. Sinipa ko din ang paa niya pero sinipa na din ako ni angel.
"Patapusin niyo ako kumain. At mag sipaan game tayo." Sabi ko pero pinigilan ako ni angel ng susubo na sana ako ng pagkain.
"Look. Si don yun at si monette." Agad akong napatingin sa nginuso ni angel at napangiti ng makita kong si don nga. Kasama niya si monette and a couple who I think nasa mid 40's palang.
BINABASA MO ANG
If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)
RomanceStory of fiona and don (Clash of clan love story and when she met the mafia boss,cast) *Clash of clans love story* Fiona and don are together. Don is Sir's cousin *When she met the mafia boss* Fiona and don seperates. Don got married. This will gonn...