Chapter 62

2.7K 57 10
                                    

Nanlumo akong napaupo sa kama dahil wala daw si laurice dito sa bahay nila ngayon. Isinama niya si baby caleb dahil may lagnat ang inaanak ko kaya pina-check up nila kaninang hapon. At dahil nga hindi pa alam ni laurice ang gagawin ay doon siya sa parents niya umuwi.

Balak ko sanang humingi kay laurice nang concealer niya o kahit anong make up para lang matakpan ang freckles ko pero sadya atang malas ako at wala siya.

Mamaya maya ay narinig kong may tumatawag sa akin. Pag tingin ko ay si don. Kahit na ayoko sanang sagutin ang tawag niya ay sinagot ko na lang. Baka kung ano pa isipin eh.

"Hello?" Nayayamot kong sagot.

"Labas ka na. Andito na kami sa gate. Ihahatid ko na kayo pauwi, freckle face." Nangingiti niyang sabi.

"Oo na! Tse!" Kunwaring nag susungit kong sabi.

Sinipat ko pa nang huling beses ang mukha ko sa salamin at talagang wala nang pag asa para maitago ang freckles ko kaya naman nag desisyon na akong lumabas nang kwarto. Sa mga maid nalang ako nag paalam. Habang nag lalakad palabas ay tinext ko nalang si clark at laurice para mag pasalamat at sabihing uuwi na ako.

Hindi ko pa tapos isend ang text ko nang magulat ako sa sunod sunod na pag busina ni don ng sasakyan. Sinamaan ko iyon nang tingin kahit na hindi ko siya makita sa loob. Lumabas si sarah sa shotgun seat at nag madaling sumakay sa back seat. Patakbo akong lumapit at binuksan ang pinto ng backseat pero naka-lock na. Nag papadyak ako sa inis. Bumukas ang pinto sa shotgun seat kaya padabog na akong pumasok doon.

"Yiiieeeeee. Kinikilig pa rin ako!!" Biglang sabat ni sarah. Inis ko siyang nilingon at pinandilatan nang mata. Binelatan lang ako nang kapatid ko.

Nag simula nang mag drive si don nang walang imik. Sa gilid nang mata ko ay tinitignan ko siya. Nakita kong nakangiti siya at kitang kita ang perfect set of teeth niya. Pakiramdam ko nag shine pa yun at bahagyang kumislap. Pambihira naman ang tama ko sa lalaking to. Pati ba naman ngipin pinag tritripan ko na. Haaayy!!

Nag ring ang phone ko at sinagot ko ang tawag ni faye.

"Asan ka? Wala ka na dito kila laurice."

"Oh! Kaaalis lang namin. Andyan ka? Sorry hindi ko alam eh."

"No, it's okay. Kadarating ko lang din naman pero paalis na. Sino kasama mo umalis?"

Napatingin ako kay don dahil pinapanood na niya ako ngayon. Nag stoplight kasi kaya naman free siyang titigan ako na ikinailang ko dahil ang mga freckles ko!!!

"Si doniel. Kasama niya si sarah. Sila ang sumundo sa akin dyan kanina."

"Don huh? So, tell me. Kamusta ang operation win him back? Nagagawa mo naman ba ang mga sinasabi nila monette?"

Napakagat labi ako dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko. Lalo na at nandito lang sa tabi ko ang pinag uusapan namin.

"H-hindi pa." Pag sisinungaling ko. Pag sinabi ko kasing oo, mag papakwento siya malamang.

"What? Are you serious? Tsk. Bahala ka dyan! Uunahan ka ni crystal, I tell you. You saw how much she cried last night. Sobrang mahal niya yang pinsan ko and it means she will do everything to get him. If I were you, gumawa ka na nang mga diskarte mo. Kahit little by little lang. Isantabi mo muna yang hiya mo dahil babatukan kita ng paulit ulit pag hindi ka pa gumawa ng paraan."

"Wow! Ang haba nang sinabi mo." Natatawa kong sabi.  Nakahinga ako ng maluwag nang umandar na ulit ang sasakyan.

"Tss. Don't change the goddamn topic, fiona. Pag huli na ang lahat huwag na huwag kang iiyak sa harapan namin ah. Bahala ka sa buhay mo!"

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon