I groaned loudly dahil sa ingay na naririnig ko. Bakit ba ang aga aga ay parang may mga nag dadabog sa kusina? Gusto ko pa sanang itulog pero may bumagsak na kaldero akong narinig.
Agad akong bumangon at dahil dun nakaramdam ako ng hilo. Hinilot ko ang sentido ko at nag lakad palabas ng kwarto.
"Dansen, sarah, bakit ba ang ingay niyo!?" Sigaw ko habang hinihilot pa din ang sentido ko.
Pag tanggal ko ng kamay sa sentido ko. Nakita kong alanganing ngumiti si sarah sa akin. Tinuro niya ang kusina kaya nag punta ako doon. Nanlaki ang mata ko ng makitang ang gulo gulo ng kusina. Nag kalat sa kitchen counter ang mga rekado, mga arina, mga itlog, mga gamit panluto.
Tumingin ako kay dansen na may mga arina sa buong mukha. Tumingin naman ako kay don na parang naligo ng arina at itlog. Dito siya natulog? Napasinghap ako at agad na lumapit sakanya.
"Ano nangyari sainyo?" Tanong ko kay don. Tumingin ako sa kapatid ko at kumuha ng tissue sa table saka pinunasan ang mukha niya.
"Ako na, ate. Maliligo lang ako." Sabi ni dansen at umalis na nang kusina. Halatang galit siya dahil pahablot niyang kinuha ang tissue sa kamay ko. Huminga ako ng malalim at tumingin kay don.
"Don't look at me like that. Nauna niya akong binuhusan ng arina." Nakasimangot niyang sabi.
"Bakit andito ka? Teka, umuwi ka ba? Yan pa rin ang damit mo kagabi ha." Sabi ko. Inabutan ko siya ng tissue pero umiling lang naman siya.
"I need a bath. Hindi matatanggal ng tissue ang itlog at arina na binuhos sa akin ng kapatid mo." I pursed my lip. Mukhang pati siya ay inis pa rin.
"Ano bang nangyari?" Curious kong tanong.
"Wag mo nang alamin. Just like the old times. Please." Sinubukan niyang tanggalin yung mga egg sheel sa ulo at damit niya.
Napasimangot ako sa old times na yan. Ganyan kasi silang dalawa noon. May mga pinag uusapan sila na kahit anong pilit ko ay di nila sinasabi sa akin. Marami silang sikreto at marami silang tinatago. Ni isa wala pang sinasabi sa akin ang dalawa. Kahit noong nasa palawan kami. Tinanong ko kay dansen yun pero di daw niya pwedeng sabihin. At tingin ko, di ko malalaman ang dahilan kung bakit sila nagkaganito. Bahala sila sa buhay nila. Tsss.
"Bath, fiona. I badly need it." Napakurap ako at nag iwas ng tingin. Mukhang nakatitig ako sakanya habang nag rereminisce. Tss.
"Dun ka nalang sa kwarto ko." Sabi ko at sinamahan siya sa kwarto ko.
Pag pasok sa loob ay kumuha ako ng bagong towel na gagamitin niya. Pag tingin ko sakanya ay tinitignan niya ang kabuuan ng kwarto ko. Pumasok nalang ako sa banyo at kumuha ng spare toothbrush sa mini cabinet. Pati shower gel na laging pasalubong ni claire sa akin.
"Dito ka nalang maligo. Kukuhanan nalanh kita ng damit kay dansen." Sabi ko at lumabas na nang banyo. Wala naman siyang imik na pumasok sa loob. Hindi ko alam kung paano niya ginagawa ang ganun. Yun bang parang di siya naiilang o nahihiya na kaharap ako? Samantalang ako, pinipilit kong wag ipahalata na naiilang ako. Tss. Hirap kaya yung ex mo eh makakaharap mo.
"Dan, tapos ka na ba?" Kumatok ako sa kwarto ng kapatid ko. Hindi siya sumagot kaya binuksan ko na ang pinto ng kwarto niya.
"Dan, pahiraman mo muna ng damit si don." Kumatok ako sa banyo. Pero naririnig ko ang shower. Inayos ko nalang muna ang higaan at kwarto niya.
Mamaya maya ay lumabas na siya na nakatapis lang. Kumuha siya ng damit niya at pumasok ulit sa banyo. Hindi nag tagal ay lumabas na siyang nakapalit na pangbahay.
"Dan, pahiraman mo muna si don ng damit." Sabi ko.
"Pwede namang umuwi nalang siya." Halata pa ring inis ang kapatid ko kay don.
BINABASA MO ANG
If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)
RomanceStory of fiona and don (Clash of clan love story and when she met the mafia boss,cast) *Clash of clans love story* Fiona and don are together. Don is Sir's cousin *When she met the mafia boss* Fiona and don seperates. Don got married. This will gonn...