Bago niyo basahin ang chapter na to. Isang malupet na Author's note muna. Hehehe. Una, gustong mag sorry dahil hindi ko natupad ang sinabi kong araw araw na mag update. Sorry guys. Eh kasi naman si bagyong ompong eh. So ayun! Sorry talaga. Di bale, babawi ako ngayon. At ito na nga! Not just one, not just two but THREE CHAPTERS will be published tonight.
Sana mag enjoy kayo. Salamat sa lahat ng mga complements niyo. Kayo talaga yung rason kung bakit pa ko nagpapatuloy sa pag sulat. Nakaka-inspired ang mga sinasabi niyo. Mahal ko kayo!
-Hanneyame
🔗🔗🔗🔗🔗🔗🔗🔗🔗🔗🔗🔗🔗🔗
Fiona's pov
"Ano yan ha? LQ?" Pang aasar ni hade sa akin.
"Tumigil ka dyan. Sasapakin kita." Pananakot ko sakanya.
"Woooh! Scaryyy. Tss. Hindi pa kayo pero may LQ na? Tsk tsk tsk." Sinamaan ko lang siya ng tingin atsaka nag madaling lumabas ng conference room.
Katatapos lang mag pa-meeting ni don. Maraming mga pinag usapan. Tuwang tuwa pa naman ako kanina pero ngayon hindi na. Paano ba naman kasi, kailangan niya ng kasama sa mga business meetings na pupuntahan niya. Sinabi nila clark na ako nalang daw dahil natulungan ko naman si don sa mga chinese investors nung nakaraang araw. Sa totoo lang, kung di dahil talaga sa akin. Hindi niya makukuha yung deal na yun. I mean, di pa nag uumpisang mag paliwanag si don ay lalayasan na siya ng mga yun. Kainis!
Bakit ba ayaw niya akong isama sa mga business meetings niya? Si lolo uno pa daw mismo ang nagsabi na dapat sinasama ako ni don sa mga meetings niya with other business tycoons dahil nga sa naitulong ko kay don noon sa mga intsik. Pati mga nasa board ay yun din ang sinasabi. Maliban nalang syempre kay crystal na ayaw na ayaw madikit ako kay don. Sus! Pareho silang ayaw akong kasama sa meetings na pupuntahan ni don. Eh di wow! Magsama silang dalawa! Tss.
Bahala siya sa buhay niya! Naiinis ako sakanya! Ang gulo gulo niya! Hindi ko na siya maintindihan! After nung meeting with Chinese investors, ayaw niya na akong mahiwalay sakanya dahil pagkatapos nun ay dumeretso kami sa opisina niya. Pupunta sana ako sa opisina ko pero sabi niya doon nalang daw ako sa opisina niya. So ang ending, doon nga kami. Nag bibigayan ng pasulyap sulyap na tingin. Sobrang kilig na kilig ako nun! Nag pabili pa siya ng favorite snacks ko. Siya pa nag hatid sa akin pauwi. Gusto pa sana niyang mag dinner kami pero pinapauwi na talaga ako ni dansen kaya kahit gustong gusto ko ay hindi na ako pumayag dahil lagot ako kay KUYA dansen.
Tapos kahapon, ganun na naman ang set up namin. Gusto niya doon daw ako sa opisina niya. Sabay kaming nag lunch at nakigulo ang mga boys dahil pinag uusapan ulit ang proposal na gagawin ni sir kay angel. Pagkauwi ko pa kahapon, nag papalitan kami ng text. Kilig na kilig pa ako na halos maihi na tapos gaganituhin niya ako ngayon? Ang labas eh parang ayaw niya akong makasama! At ang sakit nun ha!
May nalalaman pa siyang, 'Stay right beside me always.' Tapos ano na? Asan na yung stay right beside me always niya? Bwisit talaga! Ang sarap niyang konyatan ng x3 sa totoo lang.
Kaya ito ako ngayon, sinubsob ko nalang ang sarili ko sa original na trabaho ko dito. Sakit sakit na nang ulo ko sa mga numbers. Huhuhuhu.
----
"Ano ba tong mga bulaklak na to? Ang dami dami na dito sa bahay!" Reklamo ni dansen pagkauwi niya galing sa practice ng basketball.
"Sarah, next time huwag mo ng tatanggapin ha? O kaya ibigay mo nalang sa iba." Bilin ko kay sarah habang nag luluto.
"Para nang flower shop tong bahay natin." Reklamo ulit ni dansen.
Huminga ako ng malalim at hindi na nagsalita. Nakanguso naman si sarah na tinatanggal ang mga ibang bulaklak sa kusina. Halos araw-araw kasi ay may nagbibigay sa amin. Sakanya ay sa school o kaya sa lobby ng building pinapaabot. Sa akin naman sa opisina. Dati nang pinaabot ng receptionist kay beatrice at si Beatrice ang naglalagay sa opisina ko. Nakakaumay na nga kasi halos araw-araw talaga ay may bulaklak akong nadadatnan sa opisina kaya kay beatrice ko yun binibigay para hindi ko na naiuuwi dahil alam kong pag uwi ko ay may iuuwi din si sarah.

BINABASA MO ANG
If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)
RomanceStory of fiona and don (Clash of clan love story and when she met the mafia boss,cast) *Clash of clans love story* Fiona and don are together. Don is Sir's cousin *When she met the mafia boss* Fiona and don seperates. Don got married. This will gonn...