Chapter 58

2.2K 48 3
                                    

Tumingin ako sa paligid at mas tinignan pa kabuuan ng bahay ni don. Nakikita ko mula sa kinatatayuan ko ang maluwang na garahe niya. May tatlong sasakyan siya doon. Napailing ako dahil iisa lang naman siya dito bakit kailangan tatlo pa ang sasakyan niya.

Rich eh?

Ilang beses akong humugot ng malalim na pag hinga bago ako lumapit sa main door ng bahay niya. May doorbell sa gilid pipindutin ko na sana iyon ng biglang bumukas ang main door. Hinintay kong may lumabas pero wala naman. Napakunot pa ang noo ko dahil sa pagkalito dahil wala man lang doniel na bumungad sa akin.

"Don?" Pagtatawag ko sakanya pero walang sumagot kaya naman dahan dahan ko nang binuksan ang pintuan.

Bumungad sa akin ang maluwang at napakalinis na sala niya. Agaw pansin ang malaking chandelier sa taas at ka-level lang nito ang second floor. Malaki at maluwang ang wooden stairs na may havana brown na carpet sa gitna nito. May mga paintings sa pader ng hagdan at napansin ko agad na painting ko ang isa doon. Hindi ko akalain na naalagaan niya pala nang maayos ang tatlong paintings na to. Ginawa ko pa yan noon nung mga second year college palang ako. Yan tatlong yan ang kauna-unahan kong ginawa para sakanya dahil niregaluhan niya ako ng painting materials.

Nilibot ko ulit ang mata ko sa paligid. Napakalaki talaga ng bahay niya at mapag hahalataan mong lalaki ang nakatira dahil hindi masyadong madaming display sa paligid.

"Don?" Pagtatawag ko ulit dahil wala akong makitang tao. Asan na yun? Pinag tritripan ba ako ng lalaking yun?

Hmm. Baka nagtatago lang somewhere. Kaya naman nag umpisa na akong pumunta sa left wing nang kanyang bahay at bumungad sa akin ang kusina niyang napakalinis din. Parang walang kagamit gamit at mukhang nakayos na ang mga gamit sa loob ng mga cabinets. Napaka-manly nang dating ng bahay niya. Teka nga, asan ba kasi siya? Halos mga bagong gamit lahat ang nakikita ko. Ang linis ng bahay niya. Parang nakakahiyang pinasok ko ang heels ko. Tss.

Sa right wing naman ako pumunta at may nakita akong glass sliding door pag kapunta ko sa bandang likuran ng bahay. Bumungad sa akin ang infinity pool at ang gazebo sa gitna nito. Talagang may bridge na sementado pa sa gitna para makapunta sa gazebo. At doon ko nakita si don na busy sa pagbabasa ng kung anumang papeles. Nakapalit na siya ng simpleng plain black shirt at shorts.

Hindi pa niya ako nakikita kaya naman mula sa kinatatayuan ko ay pinag masdan ko pa siya. Maganda ang garden niya at nakakamangha ang ganda at laki ng pool at ang disenyo ng gazebo sa gitna pero wala akong pakialam doon dahil kay don nakatutok ang paningin ko.

Nakita ko siyang bahagyang pumikit at minasahe ang sintido niya. Bahagya siyang nakatagilid sa akin kaya alam kong di niya alam na andito ako. Napakatangos talaga ng ilong. Kahit malayo ay kitang kita ko. Kumakapal na din ang buhok niya. Hindi na ayos na ayos. Sabagay andito lang naman siya sa bahay niya kaya bakit pa siya mag aayos ng buhok? Duh

Napaiwas ako agad ng tingin nang lumingon siya sa gawi ko. Nag simula na akong maglakad sa sementadong pathway para makalapit sa pwesto niya. Humawak ako sa railings ng hagdan dahil baka madulas ako ng wala sa oras. Ang taas pa naman ng heels ko.

"Kanina ko pa binuksan yung pinto sa remote key ko. Ang tagal mo naman." Malumanay pero halatang mainit ang ulo niya.

"S-sorry. Naligaw ako ng konti." Sabi ko at nilapag ang papeles sa mesa sa harap niya.

Kinuha niya yun at saka tinignan. Nanatili akong nakaupo at ginala ang paningin ko sa paligid. Medyo mahangin dahil pinapalibutan ng puno ang bahay niya.

"Aren't you gonna sit?" Natauhan ako ng bigla siyang nag salita.

Napapahiya naman akong lumapit sa upuan na nasa harapan niya. Pa-square ang table at pang apatan ang upuan. Tinulak niya palapit sa akin ang ibang papeles. Napakunot ang noo kong tinignan yun.

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon