Chapter 42

1.8K 44 0
                                    

"You okay?" Nginitian ko si monette when she ask me.

"Yup." Sabi ko at pinakita sakanya ang tahi ko sa tiyan.

She made face in disgust. Yeah! I already have scars. Nag hihilom na siya and I don't know kung matatanggal pa ba ang peklat.

"Let's go, guys." Hade said. Sumakay na sa ibang sasakyan nila ang pineda. I ride with hade's fortuner. Nasa shotgun si jade at nasa back seat naman kami ni faye.

We're on our way to laurice's house. Dadalawin daw namin siya. Nabalitaan ko nang kaya siya nawala ay nagtago pala talaga siya. She is now blind. And I felt sad about it. Pero napaka-swerte niya kasi kahit bulag na siya. Andyan pa rin si clark at handa siyang mahalin habang buhay.

Nasa likuran namin ang ibang sasakyan ng mga pineda. Sir fetch angel and kat kanina pa. Stuart and gael ride in stuart's mazda. Samantalang si don naman at monette sa sasakyan nila.

Hindi pa kami nakakapag usap ni don. After nung burial, nabalitaan ko nalang na nag punta siya sa canada ng  ilang buwan at kararating lang niya. Inaasikaso daw niya ang kumpanya nila doon sabi ni hade. Kahit na hindi ako nag tatanong ng about kay don. Kusang ibinabalita iyon sa akin ng mga pinsan niya.

Dalawang buwan na din ang nakalipas simula nung mafia ball and I think I'm ready to leave. Kumukuha lang ako ng tyempo para masabi sa mga kaibigan ko at makapag paalam sakanila. Continues na din ang pag uusap namin sa telepono ng mga kapatid ko at natutuwa ako dahil maayos ang kalagayan nila sa palawan.

Pag kadating namin sa napakalaki ring bahay nila laurice. Pinapasok kami ng maid nila. Alam kong nasa likuran ko lang si don at ramdam ko ang mga titig niya sa akin. Pero hindi ako nag paapekto. Siya ang unang umiwas kaya siya lang din dapat ang unang pumansin.

Niyakap ko ng mahigpit si laurice ng makita namin siya sa gazebo at kasama si clark. Gusto kong maiyak dahil hindi niya kami nakikita pero pinipigilan ko nalang.

Bigla kaming natahimik. Hindi kasi namin kung ano ang dapat naming i-react. Natatakot kaming pag masaya kami baka iba ang isipin ni laurice. Pag malulungkot naman kami baka mag self pity lang siya. We don't want to be insensitive.

"Ang tahimik niyo ha. Samantalang dati. Walang minuto na tumatahimik kayo." Sabi ni laurice at bahagya pa siyang tumawa.

Mukhang yun lang din naman ang hinihintay ng iba kaya sunod-sunod na silang nag salita. Nag kwento sila ng mga nangyari nung nakaraan na wala si laurice. Kahit nonsense kwinekwento nila. Kaya hindi ko mapigilan ang mapangiti. I will missed this.

"Asan si fiona?" Biglang tanong ni laurice. Tumingin silang lahat sa akin.

"I'm here, lau." Sabi ko at umayos ng upo as if nakikita niya ako. Ako lang kasi ang hindi nag sasalita at napansin niya iyon.

"Buti naman andito ka. Akala ko di ka pupunta eh."

"Ikaw pa ba? Malakas ka sa akin eh. Tsaka yung isa kasi dyan ang kulit." Sabi ko at tumingin kay clark. Sinimangutan naman ako ni clark. Mukhang nagets ni laurice yung sinabi ko kaya bahagya siyang natawa.

"Anong klaseng pangungulit naman ang ginawa mo kay, fi?" Tanong ni laurice kay clark.

And the topics go on. Hindi ako sumasali sa usapan unless kakausapin nila ako. Nakatitig lang ako sakanila isa-isa. Napatingin ako kay don na nakatingin sa akin. Nag iwas siya ng tingin at kinausap si jade na nasa tabi niya.

Napunta ang kwentuhan sa pangangamusta ni laurice sa bawat isa sa amin. Lahat kami ay nakikinig sa bawat sinasabi ng bawat isa. Si hade ang mag te-take over ng company at ilang buwan na din simula nung nag umpisa siya. Si jade naman ay mag aaral sa meds school after graduation. Si faye nasa college palang.

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon