Chapter 46

2K 44 11
                                    

"Ate, alis na kami." Sigaw ni sarah. Kahit kelan talaga. Napakaingay.

"Huy! Mamaya mabulabog mga katabi nating unit eh. Ingay ingay mo." Suway ni dansen sakanya.

Lumabas ako sa kusina, bitbit ang baon nila. Napahinto ako ng makita ko silang dalawa malapit sa pinto at nakatayo. Hindi ko mapigilang maging emosyonal. Pero malaki ang ngiti ko.

"Ate, tigilan mo yang ginagawa mo sa mukha mo. Para ka lang natatae." Loko ni dansen sa akin.

Natawa si sarah kaya napasimangot ako. Inabot ko sakanila ang baon nila at hinila sila para yakapin.

"Ate, yung uniform ko!"

"Ate, yung buhok ko!"

Sabay nilang reklamo. Humiwalay din ako agad sa yakap pero hinalikan ko sila sa pisngi. Mas matagal kong tinitigan si dansen. Hindi ako makapaniwalang college student na siya. Ganito ba ang nararamdaman ng mga magulang pag mag cocollege na ang anak? Pakiramdam ko kasi, isa akong magulang ng mga kapatid ko. Dahil walang humpay na kasiyahan ang nararamdaman ko ngayon. Iniisip ko palang eh napapangiti na ako.

"Tandaan mo mga bilin ko. Okay lang makipag kaibigan at makipag girlfriend. Pero wag na wag mong papabayaan ang pag aaral mo. At kung mag kakaibigan at girlfriend ka. Gusto ko makilala, okay? Huwag ka mag bubulakbol, future engineer." Napangiti na din si dansen sa sinabi ko.

"Ako pa ba, ate? Tss. Wag ka mag alala. Di kita bibigyan ng sakit ng ulo. Dahil alam kong masakit na ulo mo sa isa dyan." Pag paparinig ni dansen kay sarah.

"Hep! Huwag mo ng patulan ang kuya mo. Mas nakakatanda siya sayo kaya kung maari mag behave ka. Okay? Huwag masyadong maingay at nakakabawas ganda yan. Dapat mahinhin, malumanay ka gumalaw. Nakuuu! Paano ka mag kaka-boyfriend?" Tukso ko sakanya.

"Subukan niya mag boyfriend. Gugulpihin ko. Sisirain ko mukha." Banta naman ni dansen na ikinasimangot ni sarah.

"Pag ikaw nag ka-girlfriend. Lagot ka sa akin. Ganun din gagawin ko." Nag belat pa si sarah at agad ng umalis ng bahay.

"Bye ate!! See you later aligator!" Sigaw ni sarah at humabol na din si dansen sakanya. Para ano pa? Para sermonan malamang.

Nang makaalis ang dalawa kong kapatid ay nag ayos na ako ng bahay. Naligo at gumayak na para mag hanap ng trabaho. Hindi ko tinanggap ang alok na trabaho sa akin ni tito ark na mag trabaho sa mga kumpanya ng pineda corp. Gusto ko kasi, sariling sikap ko ang pag hahanap ng trabaho. Tinulungan na nga nila ang mga kapatid ko eh. Sobra sobrang laking tulong na yun.

----

Ilang beses akong bumuntong hininga ng makalabas ako sa pang limang kumpanya na in-applayan ko. Puro ang sinasabi nila ay tatawag nalang sila pag tanggap na ko. Which means, hindi ako tanggap. Yun ang style ng mga karamihan sa kumpanya. Paano ko nalaman? Syempre dahil kay clark at don. Napag usapan namin yan noon ng mga kaibigan ko kaya alam na alam ko na.

"Job hunt?" Napalingon ako sa nag salita. Pinasadahan ko ng tingin ang isang babae na may kapayatan, nakapusod ang mahaba niyang buhok pataas, naka-salamin ng kulay violet at madaming accessories na nakakasilaw dahil napakaraming kulay. Ang cute niya! Para siyang bata.

"Oo eh. Ikaw?" Sabi ko. Sa limang kumpanyang pinuntahan ko. Lagi kasi kaming nag kakasabay. May mga hawak siyang folder katulad ko. Bigla siyang kumapit sa braso ko at hinila ako palayo sa building. Nagulat ako sa ginawa niya.

"Ako din eh. Huhuhu. Pang sampu ko nang kumpanya to. Lastweek pa ko nag aapply pero wala talaga. Fresh graduate kasi ako kaya hirap talaga mag hanap." Napangiti ako kasi sa way ng pakikipag usap niya sa akin. Para na kaming close na close talaga. I like her. Hinayaan ko nalang siyang kumapit sa braso ko. She's friendly.

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon