Chapter 60

2.5K 48 6
                                    

"Ang tagal mo!!" Reklamo ni angel sa akin pag dating ko sa bahay nila laurice. Siya ang una kong nakita pag pasok ko sa bahay.

"Sorry naman. Nakatulog ang sleeping beauty eh." Sinubukan ko magbiro para mabawasan ang pag salubong ng kilay niya.

Ang usapan kasi namin ay 7pm mag kikita kita dahil dinner muna kami tapos mag iinuman daw. Dahil naka-silent ang cp ko kanina ay hindi ko narinig ang mga tawag nila. Naalimpungatan nalang ako dahil kumakatok si dansen kanina at nagsisisigaw na kanina pa daw tawag ng tawag si hade sakanya para sabihin pumunta na ako dito sa bahay ni clark at laurice. Nagising naman ako agad nung ginising ako ni dansen. Nakausap ko pa si hade sa cellphone ni dansen at sinabing niyang andoon na daw silang lahat. Gusto pa sana niya akong sunduin pero tumanggi na ako. At dahil wala akong gana ay hindi ko minadali ang gumayak. Kaya 8:30 na ako nakarating dito kila laurice. Buti nga wala ng traffic.

"Tse! Hindi ka si sleeping beauty dahil ang prince charming mong hahalik sayo ay kanina pa andito at kanina ka pa hinahanap." Nanunukso na ngayon ang tingin niya kaya inirapan ko nalang siya.

Nararamdaman ko pa rin ang selos at kirot sa puso ko nang sabihin niya yun. Kahit di ko naman itanong, alam kong si don ng sinasabi niya. Dinaldal ako ni angel hanggang sa makarating kami sa pool area ng bahay nila clark at laurice.

"Here she is!!!" Sigaw ni gael at lahat sila ay napatingin sa akin.

Kumpleto nga sila at nagulat ako dahil meron din pati si crystal. Hindi ko alam kung ano na ang itsura ko ngayon. Alam kong hindi na maipinta ang mukha ko.

Pambihira! Bakit andito yan? Tsk.

Hindi pa ako nakaka-get over sa selos ko kanina mukhang madadagdagan pa. Tsk! Nakakainis! At magkatabi pa sila ha? Nice! Ang nice talaga!

Pilit na ngiti ang pinakita ko sakanila at nakipag beso. Dahil nasa kabilang side ng table si don, crystal, stuart at hade. Hindi na ko nagpunta doon para makipag beso. Mahabang lamesa ang nandito ngayon sa pool area nila. Hindi kami nakapwesto sa gazebo dahil mukhang di nila trip doon. Kaya naman sa bermuda grass kami nakapwesto. Sa kabilang dulo ng lamesa nakaupo si clark at nakakandong si laurice. Sweet talaga ng dalawang to.

Sa kabilang dulo naman si faye na mukhang busy sa pakikipag text. Umupo ako sa isang bakanteng upuan. Kaharap ko ngayon si crystal. Very nice!

Sa hilera sa tapat ko ay si don, crystal, hade, stuart, gael at monette na share din sa isang upuan. Si monette lang kasi ang excited na tumayo kanina para dambahin ako ng yakap kaya nakapag beso kami kanina. Sa hilera naman namin ay si Sir na nag siksikan sila ni angel sa isang upuan dahil sa akin binigay ni angel ang upuan niya, tapos ako, si kat at si jade.

"Have you eaten?" Umiling ako sa tanong ni clark. Kumunot pa ang noo niya. Nahalata sigurong wala ako sa mood.

"Wait here. Sabihan ko si manang." Tumayo si laurice at hindi na ako nakapalag pa.

"Ate fi, why did you sleep? You know that we have plans tonight, right? Or you forgot?" Pilit na ngiti ang ginawa ko kay monette.

"Huwag ka ng magtanong, sweets. Alam mo na ngang puyat eh." Makahulugang sabi ni gael at nagtaas baba pa ang kilay ng tumingin sa akin.

Naiiling akong napangiti. Oo nga pala. Sinabi sa akin ni don na ang mga boys ang may pakana kaya kami na-stranded sa bahay niya kagabi.

"At malamang pagod na pagod yan. Syempre alam niyo." Pang aasar pa ni sir.

Napa-O naman ang bibig ni monette at mamaya maya ay nagtititili sa kilig. Tumawa naman ang iba samantalang nakangisi lang ako. Si don naman ay nakangiti rin habang pasulyap sulyap sa akin.

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon