"Ate, hindi mo ba talaga kakausapin si kuya don? Ilang araw na siyang pabalik balik at dalawang gabi na siyang sa sala natutulog." Nakasimangot na sabi ni sarah.
"Mag uusap din kami. Hindi lang ngayon." Lalo siyang sumimangot sa sinabi ko.
Lumapit ako sakanya at kinuha ang kamay niya saka siya hinarap sa akin. Pag tinititigan ko ng malapitan si sarah, lalo kong nakikita ang pag ka-dalaga niya. Nginitian ko siya. Napaka-ganda ng kapatid ko.
"Sar, maiintindihan mo din si ate pag dumating na yung tamang panahon para pumasok ka sa isang relasyon. Hindi mo pa nauunawan dahil bata ka pa. Grade 7 ka palang."
"Eh ate, kahit naman wala pa akong alam sa relasyon na yan tulad niyo ni kuya dansen pero nauuwaan ko naman na hindi ba dapat pag nag kaproblema eh dapat pag usapan? Sa lagay niyo kasi ni kuya don, wala kang balak kausapin siya dahil ayaw mo talaga. Hindi naman sa nakikialam o nag mamarunong ako ate pero kasi kawawa naman kayong dalawa. Pinapahirapan niyo ang sarili niyo. Kung pupwede namang mag usap nalang kayo. Kung hindi mo pa din siya mapatawad eh di sabihin mo yun sakanya. At kung mapapatawad mo naman siya eh di maganda. Hindi ba ate?"
"Aba't.." Napanganga ako sa pagkamangha sa kapatid ko. Napakabata niya palang pero napakagaling na niyang mag advice.
"Narinig mo na ba ang paliwanag niya? Tingin ko, hindi pa. Kasi kami ni kuya dansen ay nagalit din dahil inilihim niya sayo o sa atin ang tungkol kay papa. Pero nung ipinaliwanag niya sa amin ni kuya dansen ang rason niya kung bakit niya yun ginawa ay pareho kaming napaisip ni kuya dansen. Kaya kahapon ay hindi na kami galit sakanya. Naaawa nga ako dahil mukha talaga siyang namayat at lubog ang mata. Wala pang gana kumain. Parang ikaw lang pero mas malala ang itsura niya ate."
Hindi ako nakapagsalita. Napalunok ako dahil pakiramdam ko may kung ano doon na hirap na hirap kong lunukin.
Pride yun! Tanga!
"Tama si sarah, ate." Napalingon ako sa pintuan ng kwarto. Nakasandal si dansen sa may gilid ng pintuan at naka-cross arms pa.
"Hindi kayo mag kakaayos ni kuya don hangga't di kayo nag uusap. Ilang araw mo nang pinapahirapan ang sarili mo. Wala akong problema kung mangayayat siya, kung mapuyat siya kakahintay sayo. Dahil deserve niyang pagdaanan yun at inilihim niya sayo at sa amin ni sarah ang tungkol kay papa. Pero ikaw, ate, ikaw ang inaalala ko. Halos di ka na lumalabas ng kwarto. Ilang beses ng pumupunta dito sila kuya hade. Pati nga yung si ate beatrice ay pumupunta dito dahil natambak na daw trabaho mo. Hindi ka man lang humaharap sakanila. Pati sila dinadamay mo. Hindi maganda yang ganyan, ate."
Nangangapa ako ng salita pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa sinabi ni dansen. Basta talaga pag ako na ang problemado, lumalabas ang pagiging kuya niya. Kahit mas matanda ako sakanya. Siya ang nagiging panganay pag hindi ako nasa ayos.
"Diba ate, sabi mo sa amin nung umalis sila mama at papa. Intindihin nalang natin sila? Kasi si mama, napagod na sa mahirap na buhay kaya ginusto niyang mamuhay ng mayaman. Tapos si papa naman, nasaktan sa pag kaalis ni mama kaya sumuko na din sa atin. Kaya dapat hayaan nalang natin sila at huwag mag tanim ng galit. Patawarin natin sila kahit hindi sila humihingi ng tawad. Diba yun ang sabi mo ate? Kaya yun rin sana ang gawin mo. Intindihin, hayaan, huwag mag tanim ng galit at patawarin nalang natin sila."
Nakakahiya man sa sitwasyon ko dahil ang mga mas bata pa sa akin ang nagsasabi ng mga ganitong bagay. Tumango nalang ako kay sarah at dansen saka ngumiti.
"Halinga kayo dito. Payakap nga si ate." Lumapit si sarah at yumakap sa kabilang side ko. Nilahad ko ang kamay ko kay dansen at lumapit din siya saka yumakap sa kabila naman.
"Ang gagaling niyong mag advice. Nakaka-proud dahil ganyan kayo mag isip." Hindi ko napigilang sabihin.
"Eh magaling ang mentor namin eh. At ikaw yun, ate."

BINABASA MO ANG
If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)
RomanceStory of fiona and don (Clash of clan love story and when she met the mafia boss,cast) *Clash of clans love story* Fiona and don are together. Don is Sir's cousin *When she met the mafia boss* Fiona and don seperates. Don got married. This will gonn...