Chapter 10

1.9K 47 0
                                    

"Mot, are you coming or not?" I shook my head at hade and continue myself writing.

Wala akong time para manood ng game nila don. It's not that I don't want to support my boyfriend. Pero alam ko namang maiintindihan niya. Madami akong tambak na trabaho. Like projects, assignments, reaction papers and other stuff na tinatanggap ko sa mga kapwa ko estudyante.

"Alam na ba ni don?" Tinigil ko ang pag sulat ng magtanong na naman si hade.

He is wearing his basketball jersey. Ang jersey ng mga pineda. Red and white ang combination ng mga jersey nila. Nakatayo siya sa harap ko habang ako naman ay nakaupo sa secret garden dito sa business ad.

"Hindi niya alam. Pakisabi nalang ha? Kailangan ko talagang tapusin tong tatlong reaction paper na to dahil kukunin na mamaya sa akin. Please?" Talagang nag paawa effect ako kay hade para pumayag siya.

"Whatever. Subukan mong sumunod dun. Baka makaabot ka." I nod my head at him and he turned to leave.

Binalik ko na ulit ang atensyon ko sa mga ginagawa ko.

Nakakapagod, sa totoo lang. Minsan gusto ko nalang na hindi na tumanggap ng mga gagawin pero nanghihinayang ako sa mga ibabayad nila.

Kung sana may mga magulang pa ako na andyan pero wala na eh. They already gived up. At yun ang hinding hindi ko gagawin sa mga kapatid ko. Kahit na mawalan ako ng oras kay don at sa mga kaibigan ko. Kahit na madami akong ma-mimissed na kasiyahan at events sa school. I need to do this, not because I want too. But because I need too.

Dali-dali akong nag ayos ng gamit at pumunta sa gym dito sa loob ng campus ng matapos ko ang ginagawa ko. Tinakbo ko talaga dahil may kalayuan ang gym sa department ng business ad.

Malayo palang ay naririnig ko na ang hiyawan sa loob ng gym. Halos mapamura ako ng malakas ng makitang palabas na ang mga estudyante.

Pag pasok sa loob ay hinanap ko si don at ang mga kaibigan ko. Madali lang sila mahanap dahil lagi silang pinag titinginan ng mga tao.

"Fi, sayang di mo napanood. Napaaway si don kanina."

"Oo nga! Grabe! Badtrip na badtrip ang mukha niya."

"Hanggang ngayon naman. Badtrip pa din siya."

Tumingin ako sa tinuro ng mga estudyanteng kumausap sa akin. Nakita ko siyang nakaupo sa bench at nakahawak sa phone niya. Tapos ilalagay niya ito sa tenga niya. Agad kong kinuha ang phone ko nang maramdaman kong nag vibrate ito.

It's him who's calling. Sasagutin ko na sana pero biglang nag end. Napamura ako ng makitang 47 missed calls and 16 messages na galing lahat sakanya.

"Nakakatakot talaga ang mga pineda pag nagalit."

"Sinabi mo pa. You saw don's face? Grabe!"

"Para na siyang papatay ng tao kanina."

"Oh yes! He can actually do that."

"After all, they are family of mafias."

Narinig kong usap usapan ng isang grupo ng mapadaan ako sakanila. Palapit palang ako sa mga kaibigan ko ng tinawag ako ni angel. Kaya lahat sila ay lumingon.

Nang makalapit, doon ko lang nakita na may pasa sa mukha ni don. Agad akong lumapit sakanya and sat beside him.

"Babe, what happened?" Hahawakan ko na sana ang mukha niya pero bigla siyang tumayo.

"Let's go!" Napabuntong hininga ako ng marinig ko ang tono ng boses niya. Alam ko na, he is mad at me. At hindi ko siya masisisi kung bakit siya galit sa akin. I'm the one to blame.

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon