Chapter 22

1.9K 44 2
                                    

Mabilis lumipas ang araw. Naging abala ako sa pag aaral at sa raket ko sa pagkanta. Maliban doon ay may panibago akong raket. Yun ay ang pag pipinta.

Nung nakaraang buwan ay first time kong mailagay ang sarili kong painting sa isang exhibit. Anniversary iyon ng Eksa Felony Academy at talaga namang nag puntahan ang mga alumni's ng paaralan namin.

May bidding pa nga na naganap. Hindi din ako makapaniwala na may nakakuha ng painting sa halagang kalahating milyon. Madami rin kasi ang may gustong kumuha nito at isa na doon ang mga pineda na kaibigan ko.

Sayang nga lang at hindi ako nakapunta dahil tinakbo namin sa hospital si sarah. Pero kwinento sa akin ni ello ang lahat ng nangyari. May iba daw nakakuha ng painting ko at hindi niya nakayanan ang last offer nitong pera kaya hindi niya natapatan.

1/4 ng kinita sa bidding ng painting ko ay napunta sa akin. Malaking halaga na iyon para pang bayad ng gastos sa hospital. Pero alam kong kukulangin pa rin dahil mag iisang linggo na si sarah sa hospital ngayon.

Kailangan siyang maoperahan sabi ng doctor niya dahil lumalaki ang butas sa puso nito. Nag hihintay lang kami ng donor para magawa na ang operasyon. Kaya habang nag hihintay ay todo kayod ako para sa pang gastos. Nag offer naman ang mga kaibigan ko ng tulong pero sinabi ko nalang na may pera kami. Yung kinita ko sa pag gig at sa painting.

After kasi ng exhibit last month. Kinausap ako ng head ng arts department. Kailangan ko daw mag submit sakanila ng tatlong paintings para ma expose nila sa isang exhibit sa susunod na buwan. Kaya tinatapos ko ang tatlong paintings na sinasabi niya.

Nag ring ang phone ko at nakitang tumatawag si hade sa skype. Sinagot ko ito at binungaran siya ng isang ngiti.

"Hi panget!" Natatawa kong sabi.

"Hello mot mot!" Kumaway siya at nag patuloy mag lagay ng polo. Nag bubutones siya habang nakatingin sa akin.

"Kamusta araw mo kahapon? Nakita mo ba ulit si miss suman?" Panunukso ko sakanya.

Hade is still in iloilo. Ilang linggo din kaming hindi nakapag chat nung dumating siya doon dahil kailangan niyang mag pa-impress. Graduating na siya kaya dapat ay hindi siya nag loloko.

Mag lilimang buwan na siya doon. Hindi siya kumuha ng vacation leave dahil gusto niyang matapos agad ang ojt niya. Sabi din kasi niya baka hindi na siya babalik ng iloilo pag umuwi siya dito ngayong pasko. Dalawang linggo nalang at pasko na din.

Mabilis ang panahon pag hindi mo binabantayan ang oras. At lalo na pag busy ka talaga. Madami akong ginagawa sa school kaya malaking tulong sa akin ang pag aaral sa pag mu-move on.

"Yes! And guess what, anak pala siya ng isang haciendeeo dito. Wala kasi sa itsura niya. Who would've thought na yung babaeng nag bebenta ng suman ay haciendera pala." He laugh at what he said.

"Don't judge the book by it's cover, hade. Tsaka she looks pretty naman eh."

Nakwento sa akin ni hade ang tungkol sa miss suman. Dalawang linggo na siya doon ng makita niya daw ang babae. Binentehan siya nito ng suman at dahil hindi kumakain si hade ng suman. Hindi niya ito pinansin

Nainis daw ang babae at prangkang kinausap si hade. Syempre nagulat daw si hade sa pag sermon ng babae sakanya. But he just let it slide at iniwan nag babaeng putak daw ng putak. Then doon na nag start ang unexplainable hatred nila sa isa't isa. Sabi ni hade.

So the rest is history. It's not my story to tell though.

"Yeah right! Anyway, how's sarah? I talked to mom last night and she told me everything. I hope there will be a donor. I really want to go home and cheer sarah up. I miss her already. Even dansen."

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon