Nang malaman ko ang nangyari kay clark at laurice. Bigla akong natakot. Bakit gumagawa ng paraan ang mga leguistan para makuha si laurice? Akala ko ba trabaho ko yun?
Nasa loob ako ng kwarto at palakad lakad lang. Hindi ako mapakali. Nang galing na ako sa clinic dito sa mansyon at nadalaw ko na si clark. Siya lang ang may tama ng bala. Samantalang si laurice at nagtamo ng mga sugat sa braso at ulo niya. Mabuti at napakalma na nila si laurice dahil hindi siya matigil sa pag iyak kaninang nagising siya. Tulog pa si clark ng puntahan ko kaya hindi ko man lang nasabi sakanya ang gusto kong sabihin.
Hindi aayon ang plano nila kung gumagalaw na din ng kusa ang leguistan. Padabog akong umupo sa kama at kinagat ang daliri ko. Isang habbit kung kinakabahan ako o nasa malalim na pag iisip.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang gusto ko nalang ay iligtas ang mga kapatid ko. Pero paano? Pag pupunta ako sa masyon ng mga leguistan. Panigurado papatayin na nila kaming mag kakapatid kung hindi ko dala si laurice. Hindi ako pwedeng mag padalos dalos. Tsaka kahit pa gusto ko makausap ang mga leguistan. Hindi ko din alam kung saan ang andraz na yun. Shit!
Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang nag ring ang phone ko sa gitnan ng malalim kong pag iisip. Tinignan ko ito at unknown number ang nakalagay. Napakunot ang noo ko. Hindi ko ugali ang sumagot sa mga tawag ng kung sino lang pero nag babaka-sakali ako na ang leguistan ito.
Huminga ako ng malalim at pinindot ang answer button. Napakagat ako ng labi at hinintay ang nasa kabilang linya na mag salita pero wala. Tanging pag hinga lang.
"H hello? S-sino to?" Nanginginig ang labi ko.
"Ikaw ba si Fiona?" Boses ng isang babae. Napakunot ang noo ko.
"A-ako nga po. Sino po kayo? At bakit kilala niyo ako?" Sabi ko at umupo na sa kama.
"You want to know me? Then you need to come with me. I'll text you the address."
"P-po? Paano ako nakakasiguro na wala kayong masamang gagawin sa akin?" Natawa siya ng bahagya sa sinabi ko.
"Iha, if you want to save your siblings. You need to take a risk. I'm expecting you to come. And please, don't tell this to anyone."
Mag sasalita pa sana ako ng nag end call na. Napapikit ako ng mariin. Should I go? Paano kung trap lang to ng leguistan? Anong gagawin ko? Mag papatulong ba ako kay faye? O sa kahit na sino? Kay hade kaya? Shit! May ibang prinoproblema yun eh. Ayoko ng dumagdag pa.
Agad akong gumayak ng mabasa ko ang address kung saan kami mag kikita ng babae. Hindi na ako nahirapan hanapin ang way pababa. May mga nakakasalubong akong mga lalaki at babae. Karamihan sakanila ay nasa mid 20's at 30's. Hindi sila gaano ngumingiti kaya hindi ko na lang sila nginingitian. May iilan naman na bahagyang nakangiti pag nakikita ako.
Sa totoo lang, matatakot sana ako sa mansion na to dahil alam kong ang mga nakakasalubong ko ay kabilang sa mafia nila. Kung di ako nag kakamali at mga assassin ang mga iyon. Pero dahil homey ang interior design ng mansyon nakakabawas yun sa takot ko.
Nakita kong nakaupo si stuart sa malaking couch sa waiting area. Napatunghay siya ng maramdaman niyang may tao. Nakabihis siya at mukhang may lakad.
"Right on time. Tatawagan na sana kita para yayain eh. Tara?" Inakbayan niya ako at sabay kaming nag lakad palabas.
"Nah. I'll past. May lakad ako eh." Sabi ko at hindi pinahalata na kinakabahan ako. Baka sumama siya. Hindi pwede!
Tumigil siya sa paglalakad at tinaasan ako ng kilay. Napatingin siya sa likuran ko kaya nilingon ko din iyon. Nasa di kalayuan ang nakatokang magbabantay sa akin. Pinakilala na sila ni master uno, ang lolo nila. Yun kasi ang tawag sakanya kaya yun na din ang itatawag ko.

BINABASA MO ANG
If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)
Roman d'amourStory of fiona and don (Clash of clan love story and when she met the mafia boss,cast) *Clash of clans love story* Fiona and don are together. Don is Sir's cousin *When she met the mafia boss* Fiona and don seperates. Don got married. This will gonn...