Chapter 45

1.9K 42 5
                                    

Nakatulog na si dansen at sarah pagkatapos ng mahaba-habang kwentuhan nila kay ello. Nginitian ko si ello na nakaupo sa veranda ng suite. Inabot ko sakanya ang coffee na hiningi ko sa room service. Umupo ako sa tapat niya at pinag masdan ang city lights ng manila. Nakakamiss ang tanawin dito. Nakakamiss din ang lamig ng gabi. Lalo na at nasa may kataasan kaming parte ng hotel.

"How are you?" Paninimula ni ello.

"Okay lang. Babalik kami ng palawan sa isang araw. Ikaw? Kamusta ang concert tour sa japan?" Tinignan ko siya at hinintay siya sumagot.

Sumimsim muna siya ng kape niya at habang ginagawa niya yun ay sa akin siya nakatingin. Maganda ang mga mata ni ello. Yun ang pinakagusto ko sakanya. Nakakabighani, nakakapanghina, nakakahypnotize. Napakadali ring basahin ng ekspresyon ng mata niya kaya lagi ko iyong pinag mamasdan. Maliban sa mata niya ay bumagay ang makapal niyang kilay at matangos na ilong.

"Inlove ka na ata sa akin eh." Biro niya kaya sinimangutan ko. Natawa lang siya at nilapag ang kape sa lamesa.

"Buti natapos ko agad yung concert. Nakakapagod pero mabuti nalang tapos na. Last concert ko ay dito sa manila. After ng concert ko dito. Bibigyan ako ng mahabang vacation. Kaya pupunta ako sainyo sa palawan." Tumango ako sa sinabi niya.

"Kelan ba yang concert mo na yan?"

"Nextweek. Sa 20. May apat na araw kami para mag rehearse. Gusto niyo manood? Sama mo si sarah at dansen. Nanghihingi sila ng ticket sa akin eh. I will give you VIP." Kindat niya sa akin na ikinairap ko.

"Tse! Tumigil ka dyan." Sabi ko nalang.

"Alam mo, I really like it when you rolled your eyes on me. Mas lalo kang gumaganda pag nagtataray ka." Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko sa sinabi niya.

"Tse! Sabi mo sa akin nung huli tayong nagkita sa palawan. Mas gumaganda ako pag nakangiti. Ano ba talaga? Pinagloloko mo ako eh."

"Do you know waht that means? Ibig sabihin, magtaray ka man, ngumiti ka man, sumimangot ka man. Maganda ka pa rin. Uyy, kinikilig siya." Nagtawanan kaming dalawa sa sinabi niya. Siraulo!

Nag patuloy ang kwentuhan namin ni ello. Napansin kong nag aagaw na ang dilim at liwanag nang tumagal ang kwentuhan namin. Pareho kaming nag tawanan ng mapagtanto namin na mag uumaga na.

Ganun kami ni ello. Hindi na namin namamalayan ang oras sa pag kwekwentuhan. Masarap siya kausap. Hindi kami nauubusan ng topic. Lalo na at hindi kami gaano nag kikita. But he made sure na laging tumatawag. Yun nga lang hindi nag tatagal ang tawag namin dahil sa hectic ng sched niya. Iba talaga pag superstar ka na.

Yes. Ello is already a superstar. Mag iisang taon palang siyang pumasok sa industriya ng showbiz pero sobra na siyang sikat. Parang ang tagal tagal na niyang artista. Nag simula sa isang talent show hanggang sa nanalo siya, nag guesting guesting muna. Pero nakitaan siya ng potential kaya naman pinasikat siya. Pinasok na din niya ang pagiging modelo, actor at hosting. Nakakabilib ang narating ni ello.

Pero kahit na sikat na sikat na siya. Never niya akong kinalimutan. Ilang linggo na nung nakarating ako sa palawan ng naisipan kong tawagan ang numero na binigay niya. Gusto ko kasi siyang kamustahin sa pag aaral niya ng musika. Sa totoo lang kasi, naiingit ako sakanya nung panahon na yun. Pangarap ko din ang mag aral ng music sa ibang bansa pero hindi ko kaya. Walang pera.

Kaya nang malaman niya ang numero ko ay araw araw na siyang tumatawag. Okay na din yun dahil kahit papaano ay may kaibigan pa din ako. Magaan ang loob ko kay ello kaya walang problema sa akin ang pag tatawagan namin araw-araw. Hanggang sa umuwi siya ng pinas makalipas ang isang taon. Gusto na daw niyang bumalik dito. Hindi niya natapos ang major ng music pero sabi niya sapat na ang isang taon para matutunan niya ang mga mahahalagang bagay sa musika at ang pag tugtog ng iba't ibang instruments.

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon