Chapter 7

1.7K 33 2
                                    

Hindi ako makapag concentrate sa ginagawa ko dahil sa pag hihintay ng text kay don. Chineck ko ulit ang phone ko at wala pa din siyang reply. Nakailang text na ba ako? Hindi ko na mabilang. Na flood message ko na ata siya sa text at chat. It's been two freaking days! Pero ni hi ni hoy wala pa din!

I sighed heavily at nag desisyon ng maligo para makapasok ako.

Pag katapos ko gumayak ay nag luto na ako ng ulam para sa dalawa kong kapatid. Busy si dansen sa pag tetext samantalang ang bunso namin ay gumagawa ng project niya sa sala.

"Ate, malapit na mag bakasyon. Gusto ko sana umuwi sa probinsya." Sabi ni dansen sa akin nang nasa kalagitnaan na ako ng pag luluto.

Nilingon ko siya at siya na ang nag ayos ng mesa para sa amin. Nang hindi ako nag salita at nag patuloy siya.

"May ipon naman akong pamasahe ate. Tsaka pupunta dito sa manila si ninong arlan. Pwede akong sumabay sakanila pabalik dito sa may."

Hindi pa din ako nag salita dahil pinag iisipan ko din kung papayagan ko siya o hindi.

"Ate, gusto ko din umuwi ng probinsya. Namimiss ko na mga kaibigan ko dun." Singit ni sarah sa amin.

Nang matapos akong mag luto at nag serve na ako sa hapag kainan. Nakaupo na din sila at hinihintay akong umupo para sabay sabay kaming kumain.

"Susubukan kong mag paalam sa boss ko kung pwede akong hindi pumasok ng isang buwan para makapag bakasyon tayo sa probinsya." Sabi ko habang kumakain kami.

"Talaga ate?" Di makapaniwalang tanong ni dansen.

"Yehey!!" Masayang sigaw ni sarah.

Kitang kita ko kung gaano sila kasaya at excited dahil sa sinabi ko.

Lahat ay gagawin ko para sa dalawa kong kapatid. Ibibigay ko lahat ng mag papakasaya sakanila. Hindi naman materialistic ang dalawa kong kapatid. Naiintindihan nila ang sitwasyon namin kaya nga pag ganitong nag rerequest sila sa akin ay pinagbibigyan ko. Kahit na alam kong makakarinig kami ng masasakit na salita galing sa mga kapitbahay at kabarangay namin doon.

Para kasing isang malubhang sakit ang nangyari sa pamilya namin. Halos kami ang pinag uusapan sa probinsya. Karamihan sa mga tao ay imbes na maawa, kinukuntsa pa kami.

Kaya kahit na ayoko na sanang balikan ang bahay namin doon ay pag bibigyan ko ang mga kapatid ko. Kung san sila masaya ay doon din ako.

"Kaya dapat galingan niyo sa final grading niyo. Para makapag bakasyon tayo sa probinsya!" Sinubukan kong maging masaya ng sabihin ko yun. Para hindi mahalata ng mga kapatid ko na ayaw ko sa ideyang bumalik sa probinsya namin.

Nag patuloy kami sa kwentuhan. Nag tanong ako kung kamusta ang araw nila at ang pag aaral nila. Kung may nililigawan na ba si dansen o kung sino naman ngayon ang crush ni sarah.

Tawa lang ako ng tawa habang nag babangayan ang dalawa kong kapatid. Strikto kasi si dansen pag dating kay sarah. Ayaw niya itong mag karoon ng boyfriend o kahit crush man lang. Pero nangangatwiran ang bunso namin. Kaya naman natutuwa ako sakanila.

Mabait na bata ang dalawa kong kapatid. Wala silang binibigay na sakit sa ulo sa akin. Kaya mas dumadali ang mga ginagawa ko dahil walang problema sa mga kapatid ko. Kaya din ako kumakayod dahil sakanila. Gusto ko silang iahon sa hirap. Gusto ko silang makapag tapos. Ako ang gagawa ng mga bagay na yun dahil tinalikuran na kami ng sarili naming mga magulang.

Pagkatapos namin kumain ay nag presinta  si dansen na mag hugas ng plato. Si sarah naman ang nag ayos ng lamesa at siya na daw ang mag wawalis ng bahay bago matulog.

Nag paalam na din ako sakanila dahil kailangan ko ng pumasok ng trabaho. Nag lakad ako papuntang sakayan ng jeep. Naramdaman kong bumabalik na naman ang pag kahilo ko. Pumikit ako sandali para mawala ang hilo. Akala ko ay magaling na ako kahapon ng alagaan ako ni hade. Pero mukhang hindi pa pala.

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon