Nang mag lunch break ay nag madali akong mag ayos ng bag ko para lumabas ng office. Pero ng papunta na ako sa pintuan ay nakasara na yun at nakaharang ang iba ko pang officemates. Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa ginawa nila.
"Lastweek ka pa umiiwas sa mga tanong namin. Noong una, sabi mo, dati mo siyang kaibigan nung high school. Naniwala kami doon. Pero fiona, halos everyweek na siyang pumupunta dito para mag supervise at tignan ang trabaho natin. Pero ang totoo, mukhang ikaw ang minamanmanan niya. So, tell us now what's really going on. Dahil pati kami ay nadadamay na sa kung anong galit sayo ng boss natin!" Napasimangot ako sa pagsigaw ni melowin.
Simula ng encounter namin ni don lastweek. Tinadtad nila ako ng tanong. Bakit daw ako kinausap? Bakit alam pincode ko? Ano ginawa sa phone ko? Bakit ako kilala? Bakit ko kilala ang big boss? Sinagot ko naman. Sinabi kong, kaibigan ko sila ng mga pinsan niya nung college. Sinabi ko na nilagay ang number ni stuart sa phone ko. Pero hindi ko sinabi ang dahilan kung bakit niya yun nilagay at hindi ko din sinabi na ex ko siya. Dahil lalo lang hahaba ang tanong nila sa akin.
Akala ko, matagal ulit bago ko na naman siya makita. Pero nagkamali ako. Dahil simula nung monday ay lagi na siyang pumupunta dito sa floor namin. Lagi siyang nagagalit sa aming lahat. Laging nakasigaw, laging nag dadabog pag may pinapakitang reports ng advertising strategy ang mga kasama ko. Pati ako ay nakaranas din ng kalupitan ni don. Halos lahat kami dito sa office.
Napahinga ako ng malalim at umupo sa upuan ko. Lahat sila ay lumapit sa akin at nag hihintay ng paliwanag. Wala sana akong balak sabihin sakanila dahil baka maikalat sa buong kumpanya. Pero tingin ko, may utang ako sakanilang explanation dahil pati sila ay nadadamay sa kung anong galit ni don sa akin. Na hindi ko maintindihan dahil dapat ako ang nagagalit sakanya at hindi siya.
"Don was my friend way back in college. Una kong naging kaibigan si hade."
"You mean, Hade Dizon? The dizon?" Tumango ako kay gina. Parang lalo pa silang naintriga sa kwento ko.
"Si hade ang nag pakilala sa akin kay don at sa mga ibang pineda. Nakasundo ko sila agad dahil hindi sila mahirap pakisamahan. They were all nice."
"Seryoso ka dyan? Pineda's are not, fiona. Seryoso, hindi ngumingiti, parang laging galit, strikto at hindi man lang namamansin. Kahit tango lang wala." Reklamo ng isa naming officemate na lalaki. Umiling ako sakanya.
"Yeah. They are all like that. Nasa dugo na ata nila yun. That's the pineda's some people knew, some of you knew. Pero naging malapit akong kaibigan sakanila. Alam ko ang tunay nilang ugali. To cut the story short, me and don had been together for 2years. We broke up because of some big misunderstanding. After a year he came back together with his wife, andrea."
"But andrea is dead now, diba?"
"Oo. Naibalita yan sa TV. 2years ago, right?"
"May mga pineda ding namatay eh. Yun ata kasing about sa mafia nila."
Pinag usapan pa nila ang pangyayaring yun. Kilala ang pamilya pineda sa bansa kaya di maiiwasan na ibalita iyon sa TV.
"Ano pa fiona? So bakit siya galit sayo?" Tanong ni melowin.
"Honestly, I don't know why he's mad. Ang alam ko lang. After 3months of that mafia ball incident. Nag pakalayo layo kami ng mga kapatid ko. Afraid that we will get involved again in their mafia. Hindi ako nag paalam ng maayos at hindi ko sinabi kung saan kami nag bagong buhay ng mga kapatid ko. When I came back. Inaasahan ko na ang pagiging mailap nila sa akin. Dahil sa ginawa ko. Isang buwan na ko dito sa manila. Pero hindi ko pa sila nakakausap ulit. Yun lang."
Pagkatapos ko mag paliwanag ay may mga side comments pa sila sa akin. Hindi na ako sumasagot at tipid nalang silang nginingitian. Makalipas ang ilang minuto ay napag desisyunan na din nilang mag lunch. Kaya naman nag sabay na kami ni melowin na pumunta ng canteen.

BINABASA MO ANG
If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)
RomanceStory of fiona and don (Clash of clan love story and when she met the mafia boss,cast) *Clash of clans love story* Fiona and don are together. Don is Sir's cousin *When she met the mafia boss* Fiona and don seperates. Don got married. This will gonn...