Chapter 18

1.6K 35 0
                                    

Finals na namin ngayon kaya sobrang tutok ako sa pag rereview. Mas naging determinado na din akong mag aral kaya sinubsob ko ang sarili ko sa pag aaral at sa binigyan ng madaming atensyon ang mga kapatid ko.

Last day na ng finals at pagkatapos nito ay may program dito sa campus. Kumabaga, closing program bago mag bakasyon. Lagi itong ginagawa kaya excited ang lahat para mamaya.

Hindi ako excited. Hindi katulad noon. Siguro dahil kailangan kong pag bigyan ang mga kapatid kong umuwi ng probinsya. Ayoko talagang bumalik doon! Dahil ako ang nahihiya sa ginawa ng mama ko.

"Fiona, mamaya ha?" Tumango ako sa school president at itinuon ulit ang sarili ko sa pag rereview.

Every year, isa ako sa dapat mag perform sa gymnasium mamaya. Simula ng malaman nila ang talent ko nung nag miss tourism ako. Lagi na akong sinasali sa mga programs ng school.

Napatingin ako sa bintana ng makarinig ako ng mga nag tatawanan. And there I saw my friends again.

Tumatawa sila sa kung anong pinag uusapan nila. Kasama nila si laurice. Ang babaeng gusto ni clark. Nakakaramdam ako ng inggit tuwing nakikita silang magkakasama. Lagi kong naiisip, sana andun ako. Sana kasama ko pa din sila at tumatawa na parang walang problema.

I'm happy for clark though. Hindi ko nga lang siya masamahan sa masayang buhay niya ngayon dahil mapait ang sinapit ko sa hiwalayan namin ni don. Pero masaya ako. Masaya ako na ako yung inang dahilan kung bakit nagkaroon ng lakas ng loob si clark para pumasok sa buhay ni laurice.

Yung gift ko kay clark nung birthday niya ay ang personal information ni laurice. Andoon lahat lahat sa flashdrive. Mga pictures, videos at kung anu-ano pa. Somehow, nakatulong ako para palakasin ang loob ni clark.

Naagaw ng prof namin ang atensyon ko ng dumating siya at nag simulang mag bigay ng test papers. Huminga ako ng malalim at pinilig ang ulo ko para makapag-concentrate.

---

Nag liligpit na ako ng gamit ng lapitan ulit ako ni Andy, ang school president.

"Sabay ka na sa akin. Baka hindi ka pumunta eh." Sabi niya at siya na nag buhat ng bag ko.

Si andy ay isang gay. So walang malisya kung pag bubuhatan niya ako ng bag. Huminga na naman ako ng malalim bago siya sundan.

Kahit naman kasi sabihin kong hindi ako pwede o ayoko kumanta. Kukulitin pa din niya ako. Hindi siya titigil hangga't hindi ako pumapayag.

Nung una kasi niya akong sinabihan. Tinanggihan ko siya. Kaya ilang araw niyang ginambala ang tahimik ko ng buhay. Pumayag nalang ako dahil sa pananakot niyang isasali niya ako sa spoken word sa campus namin. Yun ang hindi ko kaya!

Mas kakayanin ko pang i-express ang sarili ko sa pagkanta kesa sa poetry. Mas madadala ako sa emotion pag nag sasalita lang ako. It would make more realistic. Malalaman ng mga tao kung ano talaga ang nararamdaman mo.

Pag dating sa gymnasium ay madami ng mga students. First year hanggang sa mga graduate students.

Isa din ako sa School Supreme Government Officer. Representative ako ng tourism department. Kaya pag ganitong may program ng school hindi pwedeng mawala ako. Lalo na't scholar ako dito at dean's lister na din.

Nag hihiyawan ang mga students sa bandang tumutugtog ngayon. Tumatalon talon pa sila habang sinasabayan ang kanta. Hindi ako makapag isip ng masayang kantang kakantahin ko.

"Yow fiona. Akala namin di ka pupunta eh." Tipid lang akong ngumiti sa isang student officer na kumausap sa akin.

Umupo ako sa isang stool at tumunganga lang. Nag iisip kung anong kakantahin ko. Pwede kayang senti nalang? Wala ako sa mood kumanta ng hindi pang senti eh. Gusto ko din kasi express ang nararamdaman ko habang kumakanta.

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon