Chapter 63: Last Ace

407 17 6
                                        

Chapter 63

Last Ace


ZIE


"Ito na ang katapusan mo! Dark Sovereign Magic Ultimate Spell: Darkness Soul Extinction!" malakas na sigaw ni Shureii.

Napapikit na lamang ako nang ibato sa akin ni Shureii ang kanyang spell. Isang malakas na itim na enerhiya ang lumabas mula sa itim na butas na ginawa niya. Inaasahan ko na ang matinding pinsala sa aking katawan kapag tuluyang tumama ito, o baka dito na magtapos ang buhay ko.

Isang malakas na pagsabog ang aking narinig kaya dali-dali akong napadilat. Nababalot ng yellowish na translucent light ang aking katawan na animo'y isang bilog na barrier. Tuluyan na rin na bumalik sa dating anyo ang aking katawan dahil nakikita ko na ulit ang pisikal kong anyo.

Ang aking sunog sa balat ay unti-unting naghihilom dahil sa yellowish na liwanag na dahan-dahan na kumakalat sa buong katawan ko. Tuluyan na rin na nawala ang hapdi at kirot na dulot nito. Ang itim na enerhiyang ibinato sa akin ni Shureii ay animo'y isang hangin na hindi makapasok.

"Holy Light Magic Ultimate Spell: Divine Intervention!" rinig kong sigaw ni Grace sa hindi kalayuan.

Napahinga ako ng maluwag dahil natutuwa ako't mukhang ayos na siya at tuluyan na niyang napakawalan ang kanyang sariling pag-iisip sa epekto ng magic tool ni Shureii sa kanya. Unti-unti ko na rin nararamdaman ang pagbabalik ng aking lakas pati na rin ang aking mana.

Kaya bago tuluyan na mawala ang ultimate spell ni Grace sa akin ay dali-dali kong inipon ang aking enerhiya sa dulo ng aking pinagdikit na daliri. Malakas ang pakiramdam ko na nasa state of shock pa itong magkakapatid kaya kukunin ko na ang pagkakataon na ito upang atakihin sila.

Maya-maya pa ay nawala na rin ang itim na mahika ni Shureii na bumabalot sa buong paligid kaya naging malinaw na sa aking paningin ang lahat. Ang malagintong barrier sa akin ni Grace ay dahan-dahan na rin nabasag kung saan nasa aking ibabaw ang isang maliwanag na anghel.

Labis din ang aking pagtataka nang mapansin ang mga pamilyar na pigura sa aking harapan. Wala na rito ang magkakapatid bagkus napalitan ito nina Ki, Tom, Mika, Dex, Juno, Rep, Shai, Ice at ni Zephyr na hindi ko inaasahan na sasama sa kanila. Halos manlaki ang mga mata ko dahil sa labis na gulat.

"Hindi naman hahayaan na saktan niyo ang isa sa pinakamahalagang tao sa buong mundo." seryosong saad ni Ki habang suot-suot ang kanyang isang golden-plated armor.

Tumawa ng mahina si Tom "Wala kayong karapatan na saktan ang kaibigan namin. Dadaan muna kayo sa mga kamay ko." kalmadong wika nito kung saan kitang-kita na ang buo niyang katawan ang nagliliwanag na mga marka at ang nagtataasan nitong mga buhok.

Dahan-dahan naman akong tumayo upang lapitan sila. Nakangiting nilingon ko si Shureii na bakas sa kanyang mukha ang labis na pagkagulat. Hindi niya siguro inaasahan itong reinforcements na darating ngayon at magiging harang ito sa kanila upang makuha nila sa akin ang Bloodstone.

Ngumisi ako bago magsalita "Paano ba 'yan? Mukhang baligtad nanaman ang sitwasyon ngayon?" pang-aasar na saad ko kay Shureii.

Huminga ako ng malalim habang pinagmamasdan ang magkakapatid. Agad kong ipinosisyon ang aking mga kamay at ipinalabas sa dulo ng aking mga daliri ang bluish white na liwanag. Gustong-gusto kong kalabanin muli itong Shureii na ito nang humarang sa aking harap sina Juno at Zephyr.

Malalim akong pinagmasdan ni Zephyr. Hindi ko na napagtuunan ng atensyon itong lalaking ito dahil kahit nalaman kong pinsan ko siya ay wala naman akong pakialam sa buhay niya. Hindi ko rin inaasahan ang pagpunta niya rito dahil mayroon kaming cousin rivalry na inimbento niya.

Bloodstone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon