Chapter 51: Queen Maeiv

452 20 1
                                        

Chapter 51

Queen Maeiv


ZIE


"Napapakagod pa lang manood ng kalokohang ginagawa nila para pumanig ako sa kanila. In my dreams, weak asses." bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang magandang tanawin sa labas mula sa aking kwarto sa itaas na bahagi ng Kastilyo.

Ilang oras na ang lumipas nang matapos ang film showning na ipinapanood sakin nitong si Shun. Ipinakita rin niya roon kung paano mamuno si Maeiv sa kanyang nasasakupan. Napanood ko doon na labis siyang iniidolo o itinitingala ng mga tao. Sa kabilang banda, kahit na nakita ko ang magandang gingawa nito may gut feeling pa rin ako na para bang ang plastik nito.

Doon sa napanood ko, namimigay ng mga reliefs goods at nagpapa-feeding itong si Maeiv sa mahihirap at naghihirap. Para bang mga Pulitiko ito sa Pinas, hindi ko makita ang pagiging genuine at sincere sa ginagawa nila. Para bang ginagawa ito for publicity stunt. And according to my research, maraming naghihirap sa bansang ito kaya maraming tumatakas a refugees hoping na makalusot ng border between this country and New Silkwood.

Mapapaisip naman talaga ako rito. Paano naging maganda ang pamumuno ni Maeiv sa bansang ito kung maraming naghihirap dito? I don't want to be bias, pero mapapansin talaga ang kakaibang mukha nito kaysa sa New Silkwood. Our country are more progressive and modern. Halos bilang lang sa daliri ang napansin kong nasa below poverty line talaga. Kasi alam kong may program ang bansa para sa mahihirap.

"I should have my guard on. Hindi ko pa rin alam ang buong motibo nila kung bakit nila ako dinukot papunta sa lugar na ito." dagdag ko pa habang dahan-dahan na dumadaloy malamig na simoy ng hangin sa aking mukha.

I am still wondering why they abducted me here. What is their purpose? What are their goals? Ano ang mga bagay na gusto nilang gawin sakin? Anong kailangan nila? Kasi malakas ang pakiramdam ko na hindi lang ito tungkol sa pagpapakita nila ng mga gawa-gawa nilang scenarios para pumanig ang loob ko sa kanila.

Iba ang sinasabi sa akin ng intuition ko. Dahil pakiramdam ko ay walang katotohanan ang lumalabas sa bibig nila. Na para bang lahat ng iyon ay gawa-gawa lang. I should have known better. They are strangers to me, why I should believe them? I am an idiot? This is the first time I met them. Sooner or later, alam kong makikita at makaka-usap ko na rin ang kapatid ng aking Lolo.

I am so skeptic and doubtful for their motives. Kahit na nasa ganito akong sitwasyon, ayaw kong gumawa ng mga aksyon na maaaring ikapahamak ko lalo na't ako lang ang mag-isa rito. Kung kailangan kong makipag-plastikan at ipeke ang reaksyon ng aking mukha ay gagawin ko. Hindi ko kailangan mag-panic, panicking will just lead me to my early death. Kailangan kong mag-isip ng plano ko ngayon hangga't maaga pa.

Hindi rin ako umaasa na may reinforcements na darating dito. Sino ba naman ako para pagtuunan nila ng pansin? I am just an ordinary guy with an ordinary magic and ordinary life. Wala namang nakakaalam na Apo ako ng Presidente ng bansa. Saka hindi na rin ako magtataka kung hindi mapapansin iyon ng matanda na kinuha ako, sa sobrang busy nun.

These are what I've learned in my life that the only one who can help me is myself and I should rely to anyone because in the end of the day when you need someone they are not their for your ups and downs. They will still left you hanging and I am just basing it on my own experiences. I don't have friends as long as I can handle myself, that's all matters.

"N-nakakaantok... Miss ko na ang History class ko..." saad ko habang humihibak dahil nakakaramdam na ako ng antok ko. Akmang hihiga na sana ako sa malambot na kama ng kwarto nang muling may kumatok sa labas ng pinto.

Bloodstone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon