Chapter 60: Art of War

383 19 6
                                        

Chapter 60

Art of War


ZIE


"Kisa..." wala sa sariling saad ko nang tuluyan ng dumilim ang buong paligid dahil sa spell na ginamit ni Shureii.

Alam kong mas makakalamang siya sa akin ngayon lalo na't forte niya ang ganitong bagay. He loves sneak attacks and I already lost my sense of vision. Pero hindi na niya ako malilinlang ngayon, nakita ko na ang spell na ito at nag-formulate na ako ng paraan upang mautakan siya.

Wala na talaga ako makita ngunit naririnig ko ang pagkataranta ng ibang estudyanteng naroroon sa gitnang bahagi ng Academy. Ibig sabihin, tanging ang aming paningin lamang ang tinatanggal ni Shureii gamit ang mahika niya. Hindi na aabot sa kakaibang extent ito.

From the word itself, Dark Sovereign. Malakas ang pakiramdam ko na kaya niyang manipulahin o kontrolin ang isang aspeto ng dark type magic. Sinasabi rin ng intuition ko na kaya niyang gawing isang paranoid ang kanyang mga kalaban kapag nanaiisin niya.

Napangisi ako dahil hinding-hindi niya magagawa sa akin iyon at hindi niya magagawa iyon kapag nakatayo pa ako. I can manipulate anybody's mind. Mabuti na lang talaga at ngayon lang niya nakita ang mahikang taglay ko. May silbe rin pala ang hindi ko pakikipaglaban noong nasa Old Silkwood pa ako.

Huminga ako ng malalim at pilit na ipinokus ang aking isipan. Pinakikiramdaman ko ang buong paligid. Alam kong walang sasayanging oras itong si Shureii upang atakihin ako at tapusin ang labang ito. Napakagat ako ng aking pang-ibabang labi dahil hindi ko maramdaman kung nasaan ang lalaking ito.

"Dark Sovereign Magic: Darkness Void -----" isang malalim na baritonong boses ang narinig ko sa aking tenga at ilang sandali pa ay naramdaman kong hinawakan nito ang aking likod.

Napangisi ako "Mind Invasion Magic: Mental Imprisonment..." malumanay na saad ko.

Bago pa niya tuluyan mai-cast sa akin ang kanyang spell ay dali-daling kong hinablot ang kanyang braso. Agad na naglabas ng pinkish white light ang dulo ng aking mga daliri. Kaya dali-daling kumalat na animo'y isang panali sa buo niyang katawan ang pinkish white na liwanag na iyon.

Ang liwanag ay ang natatanging counterattack sa mga taong gumagamit ng dilim o itim na mahika. At iyon ang ginawa ko kay Shureii ngayon, kahit na hindi ko makita ang buong paligid ko. Nakikita ko naman na gumana at na-caught off guard siya ng spell ko.

"Holy Light Magic: Sacramento!" malakas na sigaw ni Grace.

Nanlaki ang mga mata ni Shureii habang unti-unting nagkakaroon ng pigura ang yellowish na liwanag sa ibabaw ng ulo niya. Ang liwanag na iyon ay nag-aanyong isang anghel na may hawak na espada at malalaking pakpak. Agad na ikinumpas ng anghel ang espada nito sa direksyon ni Shureii.

Naglabasan sa paligid ng anghel ang isang matutulis na espada na gawa rin sa liwanag. Ilang segundo lamang ang lumipas at sing bilis ng hangin na bumulusok sa kinatatayuan ni Shureii. Napasigaw na lamang ito ng makita namin na mabilis na tumarak sa kanyang katawan ang maliliwanag na espadang iyon.

Bumulwak ang masaganang dugo mula sa iba't-ibang bahagi ng katawan ni Shureii. Nagmimistulang animo'y totoong espada ang tumama sa katawan nito dahil sa matinding impact na ginawa nito sa kanya. Kahit na nag-fofocus si Grace sa kanyang supporting spells, meron pa rin siyang damaging spells.

Akmang ngingisi na sana ako dahil hindi ko inaasahan na magiging ganito kabilis matatapos ang laban mapansin kong unti-unting nagiging kulay itim ang katawan ni Shureii. Ang maliliwanag na espadang tumarak sa kanyang katawan ay nagiging itim rin pati na rin ang dugong rumaragasa sa kanyang katawan.

Bloodstone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon