Chapter 55
Bloodstone's Eve
ZIE
"Anong ba itong nangyayari sa mukha ko? Para akong isang zombie na buhay. Lubog na lubog na ang mga mata ko sa sobrang puyat. Hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako nakakatulog ng maayos." wala sa sariling saad ko habang pinagmamasdan ang aking sarili sa malaking salamin sa loob ng aking kwarto.
Isang linggo ang linggo na ang lumipas matapos ang huli naming pag-uusap at pagkikita ni Maeiv. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapatulog ng mga nalaman ko. Malakas ang pakiramdam ko na totoo ang mga sinabi niya dahil iyon din ang mga impormasyon na nabasa ko sa mga available resources nila dito sa Palasyo.
Hindi pa rin ako talaga makapaniwala na may ganong klaseng bato na nag-eexist sa mundong 'to. Para lang itong teleserye na napapanood ko sa Pilipinas kung saan ang isang bato ay nagtataglay ng kakaibang mahika. Sa isang linggo kong pananaliksik ay tugma ang lahat ng impormasyon na binanggit ni Maeiv tungkol sa Bloodstone at sa kapangyarihan na mayroon ito.
Ang isa pa sa mga hindi nagpatulog sa akin ng maayos ay iyong huling binanggit niya bago namin tapusin ang aming usapan. Ito ay tungkol sa kasalukuyang tagapagmana ng batong iyon. Ayon sa kanya at sa mga librong nabasa ko rito, ipinamana ni Aldan at Siluca ang Bloodstone kay Lolo Alastor at matapos ang pag-aalsa ng mga probinsya at nahati sa iba't-ibang bansa ang Silkwood ay ipinamana ni Lolo Alastor sa aking Ama na si Zzrot ang Bloodstone sa edad na 22.
"Kinakabahan ako ngayon, pakiramdam ko parang may hindi mangyayaring maganda ngayon gabi." muli kong wika habang inaayos ang aking kurbata dahil mayroon magaganap na pormal na party mamayang ala-sais y media ng gabi.
Matagal nang pinag-uusapan ang pagtitipon na ito ng mga alipin dahil raw taon-taon daw itong nagaganap base sa mga naririnig kong tsismisan nila rito sa Palasyo. Ilang araw ko rin na hindi nakita ang magkakapatid na nabalitaan ko na sumasailalim pala sa ilang intensive training na talaga ikinabahala ng sistema ko.
Ayon sa mga nasagap kong bali-balita, pangungunahan ang pagtitipon ni Maeiv at ang asawa nitong si Gideon. Wala rin akong ideya kung ano ang layunin ng ganap mamaya pero parang tradisyon na ata nila ito. Personal din akong inimbita ni Maeiv na umattend ngayon.
Kaya kahit labag sa aking loob ang pagsama o pagdalo kasi hindi naman ako mahilig sa ganitong mga bagay. Wala rin naman akong magawa, ayaw kong may mangyaring hindi maganda sa akin kapag sinuway ko siya. Hindi man halata, hanggang ngayon ay intimmidated pa rin ako sa presenya niya. Mabuti na lang kahit papaano ay magaling akong mag-inarte.
Kaninang umaga rin ipinadala sa akin ang isang customized attire na suot ko ngayon. Hindi rin naman ito katanaw-tanaw o takaw pansin. Naalala ko na binanggit ko na gusto kong maging simple lamang ang aking suot. Isang itim na coat na sinamahan ng white long sleeves sa loob. Bahagya kong binuksan ang ipang-ibabaw na butones ng long sleeves habang nakasabit rito ang may kaluwangan na kurbatang itim.
Sinamahan din ito ng itim na pantalon at itim na sapatos. Kulang na lang suit case at shades na itim, magiging literal na men in black na ako. Inayos ko rin ang aking brownish-black na buhok. Habang tinitignan ko ang aking sarili sa salamin, hindi ko pa rin maiwasan na mamangha sa naging kulay ng mga mata ko rito.
Ningitian ko ang aking sarili bago magsalita "Bluish white sa upper part habang pinkish white naman sa lower. Hindi ko akalain na magiging segmental heterochromic ako sa mundong 'to. Parang noong nakaraan lang, lagbu ang kaliwang mata ko at simple kulay brown lang ang mga mata ko."
