Chapter 67
Chaotic World
ZIE
"Mind Invasion Magic: Infinite Mindscape Bolt Barrage!" nakangising saad ko habang nakatutok ang aking mga kamay na animo'y baril sa direksyon nina Maeiv at ang asawa nitong si Gideon.
Bakas ang matinding gulat sa kanilang mukha dahil hindi nila inaasahan ang pag-aanyong pisikal at pagmamanipesto sa akin ng Bloodstone. Malakas ang pakiramdam ko na alam nilang hindi mangyayari ito lalo na't biglaan lang naman ang pagsulpot ko rito sa mundong 'to.
Ramdam na ramdam ko ang kakaibang kapangyarihan na nalalaytay sa bawat ugat ng katawan ko. Ramdam ko ang pag-uumapaw ng mahika na ngayon ko lang naranasan sa buong buhay ko rito sa New Silkwood. Hindi ako nakakaramdam pa ng kawalan ng mana dahil sa mahika ng aking Lolo Aldan.
Ang Infinity Magic ay ang pinakamakapangyarihan na mahika na nangyari sa buong mundo. Maaari nitong matutunan ang lahat ng mahika sa sanlibutan kung saan maaari din niyang gamitin ang spell na may pang habang-buhay na epekto sa isang tao hanggang sa nais niyang itigil ito.
Habang ang Spell Amplication Magic naman ay pinapalakas ang mahikang ginagamit nito. Halimbawa, mas malakas ng dalawang beses o triple ang epekto ng mahikang ginamit. Ito ang mahikang taglay ng aking Lola na nanay ni Lolo Alastor na si Siluca Meletes Louisenbarnn.
Mabilis na naglabas ng bluish white na liwanag ang dulo ng aking mga daliri. Wala na akong sinayang na oras pa at dali-dali ko pinaulanan ng small bluish white light bolts ang mag-asawa. Alam kong hindi naman kaagad sila maaapektuhan nito kaya kailangan kong malaman kung paano gumagana ang mahika nila.
"Anti Magic: Absolute Cancel!" mahinang saad ng matandang si Maeiv.
Pinitik niya lamang ang kanyang mga daliri at dali-daling nawala sa buong paligid ang mahikang ginamit ko na lumilipad sa ere nila pati na rin ang mahika ng bawat tao na malapit sa aming kinaroroonan. Nakangisi itong lumingon sa akin na para bang maning-mani ang kanyang ginawa.
Umismid naman ang asawa niyang si Gideon. Talagang ipinamumukha ng kanilang mga reaksyon sa akin na kahit iisa na kami ng Bloodstone ay wala akong tsansa na matalo silang dalawa. Mataas talaga ang tingin nila sa sarili nila at kitang-kita naman sa mga mata nila ang kasakiman ng mga ito sa mahika.
Lumipad papalapit sa akin si Lolo Alastor kung saan nakahanda na akong tulungan sa laban na ito. Naglulutangan sa paligid ng kanyang katawan ang umiikot-ikot na elemento ng tubig, hangin, apoy at lupa. Kayang-kaya na pagsabayin ni Lolo Alastor ang mga mahikang nakuha niya gamit ang Spell Thief Magic.
"Zie Apo, huwag kang magpapadala sa mga sasabihin ni Maeiv. Tuso 'yang babaeng 'yan. Saka mag-iingat ka rin diyan sa Gideon, huwag na huwag mong hahayaan na mawala ang atensyon mo sa kanya. He can sneak from behind -----" hindi na natapos ni Lolo Alastor ang kanyang sasabihin nang marinig namin na magsalita si Gideon.
"Void Magic: Void Rift!" malakas na sigaw ng matanda.
Halos manlaki ang mga mata ko sa gulat dahil may isang dimesyon mula sa ilalim ng aming mga nakalutang na paa ang unti-unting bumubukas. Mabuti na lang at mabilis akong nahila ng Lolo Alastor at dali-daling na-teleport mula sa ibang parte ng paligid.
Bumura ata ang puso ko sa sobrang pagkagulat dahil hindi ko inaasahan iyon. Ngayon ay alam ko na ang mahikang taglay ng Gideon na 'yan. Wala kasi akong nakuhang impormasyon sa kanya noong nakaraan na nasa Old Silkwood pa ako. Kaya wala akong ka-ideideya kung anong mahika ang gamit niya.
