Chapter 69
Magical Connections
ZIE
"Anti-Magic Ultimate Spell: Mind Invasion Magic Banishment..."
Dumaloy mula sa kanyang braso tungo sa aking katawan ang itim na enerhiyang naipon sa kanya. Sa sobrang pagkabigla ko ay marahas ko siyang naitulak papalayo sa akin habang gulat na gulat na pinagmamasdan ang kanyang nakangising mukha. Nanlalaki ang mga mata kong pinagmamasdan ang mahikang kumakalat sa akin.
Ang itim na enerhiyang iyon dumadaloy mula sa mga bluish at pinkish white lines sa buong katawan ko kaya isa-isang nawala ang angking liwanag nito. Nagtagis ang aking bagang habang pilit kong hinahawakan ang braso ko upang hindi na kumalat pa sa akin ang mahikang ginamit ni Maeiv.
Pakiramdam ko ay lalabas ang aking puso sa lalamunan ko dahil sa sobrang kaba. Hindi ko inaasahan ang ginawang ito ni Maeiv. Hindi niya maaaring tanggalin sa akin ang sariling mahika ko na ipinamana sa akin ng mga magulang ko. Hindi, hinding-hindi ako papayag na mawala ito ng ganon-ganon lang.
Umalingawngaw sa buong paligid ang malakas na tawa ni Maeiv na para bang nagawa nito ang isa sa nais niyang gawin. Habang ang mga tao naman sa paligid ay halos hindi makasalita mula sa nakita nilang pangyayari. Kailangan kong kumalma kaya pilit akong huminga ng malalim.
Bloodstone, ngayon lang ako hihiling sa'yo. Huwag na huwag mong hahayaan na mawala sa ganoong paraan ang mahika ko. Itinuturing kong isa sa aking sistema ang mahikang taglay ko. Ang mahikang tanging nagpapaalala sa akin sa mga magulang ko. Ang mahikang matagal na natulog sa katawan ko.
Tumingala ako mula sa itaas kung saan unti-unti nang nanunumbalik ang orihinal na kulay ng buwan "Dinggin mo ang kahilingan ko, Bloodstone..." wala sa sariling saad ko at wala na akong nagawa pa nang tuluyan nang kainin ng itim na enerhiya ang huling liwanag na naka-ukit sa katawan ko.
Kasabay nang pagpikit ko upang mas lalong maging malalim ang aking hiling nang maramdaman ko ang init sa buong katawan ko. Nanlaki na lamang ang mga mata ko sa labis na gulat dahil hindi ko inaasahan na magbibiyak ang itim na enerhiya mula sa aking katawan kung saan muling nanumbalik ang liwanag.
Napangiti akong pinagmasdan ang dahan-dahan na muling pagdaloy ng aking mahika. Unti-unting napupuksan ng pinkish white at bluish white na liwanag ang mga itim na markang nagkalat sa aking katawan. Muli kong naramdaman ang kakaibang mahika na nasa loob ng aking sarili.
"Hindi... Hindi maaari ito! Paano mo nagawang tanggalin sa'yo ang ultimate spell ko?!" gulat na tanong sa akin ni Maeiv.
Umiling ako ako sa kanya kung saan narinig ko ang malakas na hiyawan ng mga tao sa paligid. Bakas sa itsura ng mga kaibigan ko ang saya habang ganoon din ang reaksyon ni Professor Yuki at Tita Sushmita maski ang iba pang Propesor ng Bloodstone Academy. Tumango-tango naman sa akin si Lolo Alastor.
Tahimik akong naglakad papunta kay Maeiv. Kita ko ang kakaibang takot na namutawi sa kanyang reaksyon. Kinakailangan kong gawin ito upang wala ng mabiktima pa ang pamilyang ito. Kinakailangan kong gawin ito upang mahinto na ang kasakiman nila.
Wala na siyang nagawa pang iba nang hawakan ko nang mariin ang braso niya at itinutok na animo'y baril sa kanyang sintido ang aking pinagdikit na daliri. Huminga naman ako ng malalim habang pinagmamasdan ang kanyang hindi mawaring mukha na para bang ito na ang katapusan nila.
"Spell Thied Magic: Infinite Anti Magic Banishment..." seryosong saad ko kung saan agad na naglabas ng itim na enerhiya ang dulo ng mga daliri ko.
Kasabay nang panlalaki ng mga mata niya ay ang mabilis na pagkalat ng sariling mahika niya sa kanya. Simula ngayon ay hindi na niya maaaring gamitin pa ang mahikang ito hanggang sa siya'y mawala sa mundong ibabaw. Hindi na niya maaaring gamitin ang mahikang ito sa kasamaan at kasakiman sa kapangyarihan.
