Chapter 58: True Colors

448 20 6
                                        

Chapter 58

Truth Colors


ZIE


"Pinapatawag kayo ng Presidente, Sir Zie." saad ng isang kasambahay na kumakatok sa pinto ng aking kwarto.

Matapos ang ilang minutong pagluhod ng mga baliw na iyon sa harapan ko ay agad ko silang pinalayas sa loob ng kwarto ko at naguguluhan pa rin ako sa mga pinagsasabi nila. Hindi naman na nila kailangan akong protektahan dahil kaya ko naman gawin iyon sa sarili ko.

Malapit na mag-umaga ngunit hindi pa rin ako makatulog, iniisip ko pa rin ang magaganap mamaya kapag tuluyan ng dumugo ang buwan o ang tinatawag na lunar ecplise. Hindi ko pa rin alam kung anong koneksyon nito ngunit iyon ang itinakdang oras ni Maeiv upang kalabanin ang New Silkwood.

Masyadong naging mabilis ang pangyayari na para bang pakiramdam ko ay wala na ako sa sarili ko. Kung hindi lang matatag ang aking pag-iisip at pang-unawa siguro nitong nakaraan pa ako nagkaroon ng mental breakdown. Isa lang naman akong normal na binata na normal na namumuhay.

Bumuntong hininga na lamang ako at dali-daling tumayo sa kama para ayusin ang aking sarili. Ito ang unang beses na muli kaming magkakausap ng matino nitong si Lolo Alastor dahil wala naman kami naging maayos na usapan kanina sa hapag-kainan ng pormal niya akong ipakilala sa mga tao roon.

Rinig ko pa rin ang pag-akyat panaog ng ilang tao sa loob ng Palasyo ng Presidente. Maraming mabibigat na yapak ang kanina pang tumutunog mula sa marmol nitong sahig. Iba-ibang boses ang nag-uusap na para bang mayroon isang malaking party na nagaganap sa buong lugar.

"This is it..." wala sa sariling wika ko habang naglalakad papunta sa secret room sa loob ng Palasyo.

Ilang minuto ang lumipas ng dumating ako, gwardiyado ang pinto nito kaya alam kong nasa loob na nito si Lolo Alastor. Marami akong gustong itanong at sabihin sa kanya. Maraming bagay at impormasyon ang patuloy pa rin na bumabagabag sa aking isipan na siya lamang ang makakasagot.

Agad akong pinapasok ng mga sundalong gwardiya. Iniluwa ako nito sa loob ng isang kwarto na gawa ang halos lahat ng furitures sa kahoy at maraming litrato ang mga nakasabit sa pader nito. Nakatayo mula sa likod ng malaking bintana si Lolo Alastor na mukhang hindi pa ata nagpapahinga.

"Nariyan ka na pala Zie, Apo." nakangiting saad nito ng lumingon ito sa akin.

Tumango lamang ako dahil agad niya akong pinaupo sa isang maliit na itim na sofa. May nakahandang ilang snacks at dalawang tasang mainit na kape sa ibabaw ng center table. Mabilis na umupo ang matanda sa tabi ko. Mas lalong nabakas ang kanyang pagod na pagod na itsura.

"Magandang umaga po..." magalang na pagbati ko.

Kahit na mag-uumaga na ay mataas pa rin ang buwan, tanging isang yellowish light lamang ang nagbibigay liwanag sa buong kwarto ngunit mas lalo lamang nitong nadepina ang tunay na kagandahan nito. Marahan na hinawakan ng matanda ang aking kamay.

"Patawarin mo ako kung marami akong inilihim sa'yo. Ayaw ko lang na dalhin mo ang problemang ito habang nag-aaral ka sa Bloodstone Academy. Saka naniniwala akong nasa stage ka pa rin ng adjustment. Ngayon, alam kong maraming bumabagabag diyan sa isipan mo..." malumanay at kalmadong sabi niya sa akin.

Ngumiti ako at huminga ng malalim "Maraming ipanaalam na impormasyon sa akin ang mga taga-Old Silkwood habang naninirahan ako roon. Ang tunay na estado ng inyong nakaraan, ang tungkol sa aking mga magulang, ang batong matagal na nilang hinahanap at ang nagbabadyang gyera at digmaan." walang paligoy-ligoy na sagot ko.

Bloodstone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon