Chapter 61: Our Light

421 19 7
                                        

Chapter 61

Our Light


ZIE


Huminga ng malalim si Grace at wala sa sariling pinagmasdan ako "Holy Light Magic: Eucharistia..." wala sa sariling saad nito sa akin habang mariin akong tinititigan.

Lumabas ang yellowish na liwanag mula sa mga palad niya at unti-unting nagporporma ang mga liwanag na iyon bilang isang anghel. Kung kanina ay puro lalaki ito, ngayon naman ay isang anghel na may mahabang buhok at malalaking pakpak. May hawak itong isang lumang libro.

Nanliit ang mga mata ko at bahagyang kinabahan sa istilo ng anghel na iyon. Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng isang matining na boses na nagmumula rito. Para itong choir sa simbahan sa sobrang taas ng boses. Hindi ko maintindihan ang binabanggit nito dahil ibang lenggwahe ang ang sinasalita ng anghel.

Ilang malakas na tunog ng trumpeta ang aking narinig mula sa kalangitan. Halos mapatakip ako ng aking bibig sa nakita. Unti-unting nagbubukas ang isang makapal na ulap na animo'y may kakaibang nilalang na lalabas mula rito. Ang sinag ng araw ay halos nakasentro na sa aking direksyon.

Pakiramdam ko ay nalaglag ang aking panga sa sahig nang makita ko ang napakaraming anghel na gawa sa liwanag ang dahan-dahan na lumalabas sa kumpol ng mga ulap. Walang mukha ang mga itong lumilipad pababa sa lupa tungo sa kinaroroonan ni Grace.

Napalunok ako ng mariin at bahagyang napaatras dahil lampas sa bilang ng aking mga daliri ang nagsibabang anghel mula sa langit upang kalabanin ako. Ang lahat ng maliliwanag na anghel ay may malalaki at pumapagaspas na pakpak na nagpapalakas ng hangin sa buong paligid.

"Kisa..." inis na wika ko at dali-daling ipinosisyon ang aking sarili kung sakaling bigla akong atakihin ng mga kumag na mga anghel na ito.

Muli akong nilingon ni Grace "Holy Light Magic: Judex..."

Isang yellowish na liwanag ang unti-unting kumalat sa lupon ng mga anghel sa kanyang likod. Para bang na-power up o na-boost ang mga anghel dahil mas naging agresibo ang ikinikilos nito kahit wala pang inuutos si Grace sa kanila. Kailangan kong makaisip ng paaran upang lusutan ang problemang ito.

Nakangisi naman sa akin ni Shureii na pinapanood kami mula sa isang puno ilang metro ang layo sa amin. Malakas ang hinuha ko na aatakihin ako nito kapag natuon ko ang aking buong atensyon laban sa mga anghel na nilabas ni Grace. Hindi na niya mauulit ang sneak attack niya sa akin kanina.

Napakagat ako ng aking pang-ibabang labi habang pinagmamasdan ang wala sa sariling si Grace na halos mabalutan na ng mga itim na linya at marka mula sa magic tool ni Shureii. Kita kong pilit niyang nilalabanan ang sapilitang pagkontrol nito sa katawan niya base sa matinding pagdurugo ng kanyang kamay sa pagkukuyom.

May limitasyon din ang aking mahika, kahit na kaya kong manipulahin ang pag-iisip ng isang tao hindi ko naman magagawa ito kapag sapilitan itong kinokontrol ng iba. Kailangan kong kalkalin ang memorya ko kung may mayroon ba akong maiimbentong spell para mawala ang epekto ng magic tool sa kanya.

Dahan-dahan kong inipon ang aking enerhiya sa ibabaw ng aking palad nang mapansin kong ikinumpas ng babaeng anghel na may hawak na lumang libro ang kanyang kamay at itinuro ang kinatatayuan ko. Doon agad na nagmartsa papalapit sa akin ang mga maliliwanag na anghel sa likod nila.

"Mind Invasion Magic: Psycho Cut!" malakas na sigaw ko.

Agad na naglabas ng bluish and pinkish white crisscross light blade ang aking mga palad at mabilis na ibinato sa direksyon ng mga anghel. Tinamaan ang dalawa sa mga ito kaya dali-daling naglaho ito na parang bula. Muli akong nag-cast ng Psycho Cut upang ubusin ang mga anghel na iyon.

Bloodstone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon