Chapter 68: Battle Cry

339 12 4
                                        

Chapter 68

Battle Cry


ZIE


"Owarida... Mind Invasion Magic: Mindscape Bolt Barrage." nakangising saad ko kay Maeiv at dali-daling lumipad sa ere.

Imbes na ituon ko ang direksyon ng aking mga kamay sa kinatatayuan ni Maeiv ay ginawa kong enerhiya upang makalipad ang aking spell. Itinutok ko ito sa aking likuran upang maging source ng paglipad ko dahil sa recoil nito sa akin. Mabilis naman akong dinala nito sa harapan ni Maeiv.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at dali-dali kong inipon ang aking pwersa sa kanang kamao ko. Bago pa tuluyan na maka-react sa gagawin ko, kinuha ko ang pagkakataon na bahagya siyang nagulat upang makaatake ako sa kanya. Buong lakas kong sinapak ang kanyang sikmura.

Dahil sa sobrang lakas ng pwersa sa pagkakasapak ko sa sikmura ng matandang Maeiv na ito ay agad siyang bumagsak sa lupa at nagpadausdos doon. Nilingon ko naman si Gideon na akmang aatakihin ako gamit ang kanyang mahika ngunit agad din siyang sinapak ni Lolo Alastor upang mawala sa akin ang atensyon nito.

Napasinghap ako ng hangin habang pinagmamasdan ang mga Anak niya na nais tumulong sa kanya ngunit hindi magawa ng mga ito dahil patuloy pa rin silang nakikipaglaban sa mga Propesor ng Bloodstone Academy na pinamumunuan nina Professor Yuki at Tita Sushmita, ang Presidente ng Academy.

Pansin ko rin ang kagustuhan ng mga Apo niya na tumulong sa kanilang uugod-ugod na Lola pero hindi sila hinahayaan ng mga kabigan ko na makaalis sa paningin nila. Ginagawa nila ang lahat upang hindi makisawsaw ang mga kaanak nito laban sa amin at sa kanila.

"Anti-Magic: Summoning Anti-Magic Sword." nakangising saad sa akin ni Maeiv habang dahan-dahan itong tumatayo mula sa pagkakasalampak niya kanina sa lupa.

Napaismid naman ako habang nagkakaroon ng physical form ang itim na enerhiyang lumalabas sa kanyang mga palad. Ilang segundo lang ang lumipas at nag-anyong espada ang naipong enerhiyang iyon. Muli akong napasinghap ng hangin nang marahas siyang lumipad tungo sa aking direksyon.

Nang makalapit sa akin si Maeiv ay walang siyang sinayang na oras at mabilis na iwinasiwas sa akin ang kanyang matalim na espada. Kahit na matanda na itong si Maeiv ay hindi ko maipagkakailang magaling siya sa paggamit ng espadang iyon. Itinuon ko lang ang aking atensyon sa kanya at patuloy na umiwas-iwas.

Ramdam ko ang kanyang pagiging desperado sa itsura ng mukha niya. Para bang nanggigigil itong patayin ako at kunin sa akin ang Bloodstone. Kakaibang enerhiya rin ang nararamdaman kong lumalabas sa kanya. Patuloy ang pagragasa ng itim na enerhiya sa buong katawan niya.

Ilang sandali pa ay halos makailang atras ang nagawa ko dahil pabilis nang pabilis ang kanyang pagkilos. Mas lalong nagiging mas mabilis din ang pagwasiwas niya sa kanyang espada. Napakagat ako ng pang-ibabang labi dahil unti-unti na siyang nawawala sa paningin ko.

Kailangan ko nang gamitin ang isa sa mga final resort ko sa giyerang ito. Kaya mabilis akong lumayo sa kanyang direksyon at lumipad ilang metro ang layo sa kanya. Huminto naman ito sa pag-atake at nakangising humarap sa akin habang nilalaro-laro ang kanyang matalim na itim na espada.

"Mukhang natatakot sa akin ang Mahal kong Apo." nakangising saad niya Maeiv sa akin.

Hindi naman ako nagpatinag at ngumisi rin sa kanya. Hindi ko alam ngunit wala na akong takot na nararamdaman pa. Ang nasa isip ko lang ngayon ay ang gawin ang strategies na plinano namin ni Lolo Alastor. Hangga't kaya ko ay pangangalagaan ko ang Bloodstone.

Bloodstone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon