Chapter 59: Final Hour

452 21 4
                                        

Chapter 59

Final Hour


ZIE


"I-ilang minuto na lang at tuluyan nang magaganap ang pagdilim ng araw." kinakabahang saad ni Grace sa aking tabi habang nasa pinakagitnang bahagi kami ng Academy.

Tumango ako "Ilang minuto na lang din ang hinihintay ng mga taga-Old Silkwood upang simulan ang walang saysay na kaguluhang ito." sagot ko naman.

Ilang minuto matapos naming mag-usap ni Lolo Alastor ay napagdesisyunan niyang pulungin kami para sa strategy na kailangan naming gawin. Hiwa-hiwalay kami ng mga lokasyon, sina Ki at Mika ay magkasama sa defensive and offensive team ng New Silkwood malapit sa border.

Kasama ang dalawa sa pinaghalo-halong pwersa ng sandatahang lakas at ilang matutunog na magagaling at eksperto sa mahika. Mandatory na ang lahat ng grumaduate sa Bloodstone Academy at sa iba pang sangay nito sa buong bansa ang sumama sa grupo.

Kahapon pa raw tuluyang pinakalikas at pansamantalang itinago sa isang sikretong lugar ang mga sibilyan, kasama ang mga bata, mga matatanda, mga may kapansanan, may mga malulubhang sakit at mga buntis. Mandatory din na sumama ang lahat ng kalalakihan edad labing walo pataas sa nalalapit na sagupaan.

Naka-red alert ang buong bansa at ipinatupad na ang curfew, walang sinumang sibilyan ang pinapayagang nasa labas pa at ang tanging makikita lang dapat na nasa lansangan ay ang may kakayahan na makipaglaban. Pansamantala din nawala si Lolo Alastor at hindi ko alam kung saan nagsususuot.

Naka-shut down lang kuryente sa buong bansa, nakatigil ang operasyon ng mga nuclear power plants, pinapayagang gumamit ang sino man ng mga magic tools upang depensahan at protektahan ang mga sarili nila. Lahat ng makikitang kalaban ay pinahuhuntulutang labanan hanggang kamatayan.

"K-kinakabahan ka ba?" tanong niya sabay buntong hininga.

Isinuot ko ang aking protective glasses at tiningala ang mataas na sikat ng araw "Oo naman, hindi ko naman ipagkakaila iyon. Ang nasa isip ko lang ngayon na sana matapos na agad ang kaguluhang ito. Ayaw kong mamatay ng maaga." natatawang sagot ko.

Halos kalahati ng estudyante ng buong Bloodstone Academy ang napunta sa iba't-ibang lokasyon. Hindi ko alam kung anong istratehiya ang gagawin ng mga namumuno upang matalo ang pwersa ng Old Silkwood. Sinusunod ko lamang ang utos sa akin ni Lolo Alastor na manatili sa loob ng Academy.

Nagkahiwa-hiwalay na rin kami, magkasama sa medical team ng mga ospital sina Tom at Dex. Habang sa assassination or stealth team naman si Juno. Sina Rep, Shai at Ice naman ay kasalukuyang nagbabantay ng mga evacuees sa isang hindi tukoy na lugar dito sa New Silkwood.

Si Grace ay kasama ko bilang isang personal na guard. Umapela ako kanina na dapat si Grace ay nasa medical team ngunit di pumayag ito si Lolo Alastor na wala akong kasama sa labananan ito. Saka alam niya raw na kaya akong protektahan ni Grace kung sakaling may kumalaban sa amin.

Ang mga Propesor din ng Bloodstone Academy ay na-disperse pati na rin ang mga senior students dito. Marami-rami kaming estudyante ngayong nasa loob ng Academy. At may isang holographic screen sa ibabaw ng malaking pole kung saan lumulutang ang isang bato.

"A-ang daming sundalong pandigma ang nakaporma na malapit sa border!" nauutal na wika ni Grace habang pinapanood ang pag-martsa ng mga ito.

Napasinghap ng ako ng hangin nang mapansin ko ang isang napakalaking makina na animoy barena ang kasalukuyang lumalapit sa de bakal na border ng New Silkwood. Napalunok ako ng mariin dahil ito ang instrumentong binabanggit ni Lolo Alastor na gagamitin nila kapag nag-solar ecplise na.

Bloodstone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon