Chapter 62: Death

390 16 4
                                        

Chapter 62

Death


ZIE


Muli kong itinutok ang aking daliri sa kanyang noo "Mind Invasion Magic: Severance Off... Wanna taste your own medicine, Shureii? It's show time..." nakangising pang-aasar ko habang sinisipa-sipa ang kanyang masakit na ulo.

Akmang ibabato ko na sa kanya ang aking spell nang napahinto ako dahil may kakaibang enerhiya akong naramdaman sa aking likod. Halos manlaki ang mga mata ko sa nakita, isa-isang prominenteng nakatayo ang lima pang kapatid ni Shureii kasama ang magkakambal na sina Aii at Ark.

Agad naman akong umatras upang bahagyang makalayo sa kanila. Mabilis akong napa-ismid dahil hindi ko inaasahan ang kanilang pakikisawsaw dito sa aming laban ni Shureii. Hindi ko nahinuha na mangyayari ang mga ito. Kahit na maalam na ako sa paggamit ng aking mahika, matatalo pa rin ako dahil marami sila.

Inipon ko ang aking mahika sa dulo ng aking pinagdikit na mga daliri upang maghanda kung sakaling sabay-sabay nila akong atakihin. Talagang pinapahirapan ako ng mga ito at gustong-gusto nilang makuha ang Bloodstone sa akin. Hindi kakayanin ng aking katawan ang pakikipaglaban sa kanila ng sabay.

"Mukhang dito na ata magtatapos ang lahat... Kinakailangan mo nang ibalik kay Mahal na Reyna Maeiv ang batong kailanman ay hindi niyo pagmamay-ari." nakangising wika sa akin ni Aii.

Hindi maiwasan na magtagis ng aking mga bagang sa nakaka-inis na tono ng pananalita niya. Kahit gustong-gusto ko na siyang sugurin at paulanan ng aking mga mahika ay hindi ko magawa, kailangan kong mag-isip ng maayos at isantabi muna ang aking inis na emosyon sa kanya.

Lalo na't kasalukuyang wala si Grace sa kanyang sarili, ang magic tool na ginamit ni Shureii sa kanya ay hanggang ngayon ay naroroon pa rin. Patuloy pa rin ang pagkalat ng itim na marka sa kanyang buong katawan, habang si Shureii naman ay patuloy na nagpapagulong-gulong sa lupa.

Huminga ako ng malalim at pilit na kinalma ang aking sarili. Hindi ko maaaring mag-panic ngayon lalo na't nasa ilalim ng higit na anim na talampakan ang aking isang paa. It would only lead me to my early grave. Hindi ko hahayaang mangyari iyon, ilang beses ko nang tinakasan ang kamatayan.

Akmang ipoposisyon ko na sana ang aking daliri sa kanilang direksyon nang makaramdam ako ng kakaibang init sa ibabaw ng aking mga palad. Ang init na iyon ay mabilis na nagdulot ng sakit kaya agad akong napadaing habang pinagmamasdan ang liwanag na nasa ibabaw ng aking palad.

Halos manlaki ang aking mga mata sa nakita dahil pamilyar ang mahikang ito. Unti-unting umuukit sa ilalim ng aking palad ang pamilyar na marka. Napasinghap ako ng mariin dahil pakiramdam ko ay pinupunit ang aking balat na sinisilaban ng malakas na apoy.

"Mark of the Dead Magic Ultimate Spell: Death Respite!" rinig kong saad ni Shuryu, ang pinakabatang anak ni Escanor. Ito rin ang batang nagsabi sa akin noon tungkol sa nalalapit na digmaan at tungkol sa kanilang maharlikang pamilya.

Hindi ko napansin ang kanyang presensya nang lumapit ito sa akin. Kaya bago pa ito makaalis sa kanyang pwesto ay dali-dali kong hinablot at hinila ang manipis nitong buhok. Kita ko ang panlalaki ng mga mata nito nang mariin ko siyang pinagmasdan. Hindi pa ako nakakaganti sa batang 'to simula noong sumugod sila sa Academy.

Buong lakas kong inipon ang aking pwersa sa aking kaliwang binti. Mabilis akong bumwelo habang hawak ang ulo nito. Marahas kong sinipa ang kanang bahagi ng kanyang mukha. Agad na bumulwak ang masaganang dugo mula sa kanyang bibig at naliparan din ang ilang piraso ng kanyang ngipin sa ere.

Bloodstone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon