(Sa maaraw na hapon, nag-aabang ng pampublikong jeep sina Amisa at Elijah.)
Elijah: Ugh, ang init!
Amisa: (pumapaypay gamit ang mga kamay)
Elijah: Am I really that hot? I mean, tingnan mo naman ang effect, oh. Pati ikaw, damang-dama mo.
Amisa: .............. Anong sabi mo??
Elijah: Oo na. Oo na. Sorry na po. Alam kong kasalanan ko na naman. Guilty talaga ako, I know.
Amisa: ... Gusto mo buhusan kita ng malamig na tubig para tumahimik ka na diyan?
Elijah: Eii kunwari ka pa. Alam ko naman na importante ako sa'yo, eh. Hehehe..
Amisa: Oo. Importante ka nga. As in, sobra. Para ka ngang kayamanan, eh, na gusto kong ilibing..... ng buhay..
Elijah: .................... Kung ganun....... Dapat ba..........
Amisa: ANO NA NAMAN??!!
Elijah: Um...... Sige, ilibing mo na ako kung 'yan ang gusto mo.
(Humiga sa sahig)Amisa: Anak ng--- Nakakainis ka na, ah. Tumayo ka nga!
Elijah: Ayoko!
Amisa: Isa!
Elijah: Ayaw!!!
Amisa: Dalawa!!
Elijah: Ang panget ni Amisa!!
(Silence........)
Amisa: Ah, ganun ha? Gusto mo ng mailibing ng buhay? Sige. Sige!
Elijah: Oi, oi, Amisa. Anong ginagawa mo? .... Oi, oi! .. Waaaah! SORRY NA PO!!!
(Mukhang nakalimutan ng dalawa na nasa labas sila....
At kasalukuyang nakasilong sa waiting shed.....
Kasama ang maraming tao na nag-aabang din ng jeep....
At pinagtitinginan na ngayon....)
----
Thank you for starting '97 Days'. Please keep on reading para matunghayan kung ano ang kahihinatnan nina Amisa at Elijah in 97 days. 🕘🕖

BINABASA MO ANG
97 Days
Novela JuvenilGaano mo kakilala ang bestfriend mo? Sigurado ka bang tama ang mga alam mo tungkol sa kaniya? Paano kung ito'y ilusyon lamang? Saksihan ang typical na buhay ng mag-bestfriend na sina Amisa at Elijah. Pero habang-buhay ba silang ganito? Anong pwede...