Zone Two

237 11 0
                                        

ISKA'S POV

"ISKA, sinong ka-date mo ngayon?" biglang tanong sakin ni Alyssa habang nagbabasa sa kanyang pocketbook. Psh, uso pa ba yun? Wattpad generation na yata ang meron ngayon eh.

"Bakit? Ano bang meron ngayon?" libro sa History naman yung hawak ko, hindi ako katulad ni Alyssa na winawaldas ang bakanteng oras sa pagbabasa ng mga storyang hindi naman makakatulong saking pag-aaral. Psh.

"Duh! Hindi mo alam?" napa-irap ng todo si Alyssa sa sinabi ko, na para bang isa akong taong kweba na walang ka-alam-alam sa mundong kinatatayuan ko. Psh.

"Magtatanong ba ako kung alam ko." ayaw kong ma-distract sa pag-aaral kaya isang tingin lang ang pinupukol ko sa kanya at balik agad sa binabasa ko. Exciting nato kasi nasa part na ako ng buhay ni Rizal eh.

"Ay oo nga pala, ignorante ka nga pala sa mundong ibabaw Iska." hindi ko na sya ulit tinignan, walang ka-sense-sense yung pinagsasabi ni Alyssa eh, hindi ko naman alam kung anong ibig nyang sabihin. Psh. "Diyos ko Francheska Ventura! Valentines Day kaya ngayon? Hindi mo talaga alam?" ano bang pino-problema nitong si Alyssa?

"Eh ano naman ngayon kung Valentines Day? Mapapataas ba nyan yung mga grado ko para mapansin ko yan?" nilipat ko sa kabilang pahina yung binabasa kong notes. Sinasabayan ko na rin nang pagsusulat para hindi ko malimutan yung mga importanteng salita na magagamit ko sa lesson.

"Ikaw nga pala si Francheska Ventura! The great Iska na wala man lang ka-sweetan na dumadaloy sa dugo mo. Hay naku! Ano pa nga bang aasahan ko sayo kaibigan?" Alam ko naman talaga kung anong araw ngayon, nalaman ko lang din kanina pag-pasok ko sa loob ng campus dahil sa mga naka-sabit na mga puso sa canopy na dinaadanan ko, pati yung bulletin board, na-puno nga ng mga puso eh. Psh. "Napapalibutan ka na nga ng mga puso hindi mo pa rin alam kung anong okasyon ngayon." pagmamaktol nya habang binabalik yung atensyon nya sa pocketbook nya. Iginala ko naman yung paningin ko, tama nga si Alyssa kasi maski dito sa tambayan namin ay may disenyong mga puso at kung anu-anong may kinalaman sa Valentines Day na yan. Meron pa ngang imahe ni kupido eh. Kawawang cupid, nadamay pa sa trip ng mga tao. "Alam mo Iska, kung hindi ko lang talaga alam na hindi ka pa nagkaka-boypren baka isipin kong bitter ka talaga nang bonggang-bongga sa araw na to." akala ko ay wala na syang sasabihin kaya ibinalik ko sa kanya yung paningin ko.

"Mag-aral ka nalang kaya, may quiz tayo mamaya sa History."

"Walang pasok kay Miss Arellano. Next meeting nalang daw yung quiz." napa-maang ako sa sinabi ni Alyssa. PSH. PSH ULIT! Kaya pala tutok na tutok sya sa pocketbook na binabasa nya. Psh.

"Grabe! Bakit ngayon mo lang sinabi sakin?!" bakit ngayon lang? Cramming pa naman ako ngayon kaya doble yung pag-aaral ko, nakalimutan ko kasing mag-aral kagabi kaya ngayon lang ako bumabawi.

"Ano bang pinagka-iba nun? Kahit naman sabihin ko o hindi ay mag-aaral ka pa rin dyan tas hindi mo papansinin yung araw ng mga puso." napa-sapo ako sa noo ko sa narinig ko, bakit kasi ngayon lang ako nasabihan na wala pala si Miss A. Sinarado ko nalang yung libro ko at kinuha yung notes ko sa Physics. Psh, mag-aadvance reading nalang ako dito.

"Bakit ba big deal sa inyo yung Valentines Day na yan?" scan-scan lang yung ginagawa ko sa notebook ko sa Physics, nabasa ko na kasi ito pero trip ko kasing mag-advance reading kaya anubey!

"Araw ng pagmamahalan ngayon Iska ano ka ba! Talaga bang ignorante ka sa araw na to?" at bakit ba inis na inis itong si Alyssa sakin?

"Eh bakit inis na inis ka dyan?"

"Eh ikaw kasi! Special day ngayon ng mga puso natin tsaka first time kong mag-celebrate ng Valentines Day na may jowa no kaya sana naman consideration sa feelings ko no." ang OA talaga nitong si Alyssa.

The Girl Who SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon