COLINE'S POV
SUNDAY.
"Asan sila Mommy manang?" napansin ko kasing ang tahimik ng bahay nung lumabas ako galing sa kwarto ko. It's Sunday, no work day kaya everybody should be in the house.
At nung makababa ako ay si Manang Jean ang una kong nakita.
"Good morning Coline! Mabuti't nagising ka na, kumain ka na! Naku'ng bata ka--- wag na wag ka na ulit magpapalipas ng kain ha." at inalalayan nya ako papuntang kusina.
"Manang naman! Relax lang, tinanghali lang ako ng gising. Napagod lang po ako kahapon sa medical mission. Natambakan ng trabaho eh." nung maka-upo ako sa dining chair namin ay inistretch ko yung kalahati ng katawan ko. Hindi ko kasi nagawa yun kanina pag gising ko.
"Eh bakit kasi sumali ka pa sa medical mission na yon, hindi naman kailangan yon diba?" sagot nya habang naghahain ng pagkain sa hapag-kainan, may iba ring kasambahay na tumutulong sa kanyang maghain.
"Manang naman? Tulong ko nalang po yon sa mga tiga-San Fernando. Alam nyo naman na mahal ito ni Papang diba?"
San Fernando has been our hometown ever since. Hindi ko nga alam kung pang-ilang generation na kami ng mga Buenaventura, basta ang alam ko ay dito na talaga nakatira ang mga ninuno namin. Dahil sa katagalan na naming naninirahan dito ay nagkaroon na ng isang barangay dito sa San Fernando na ipinangalan sa apelyido namin -- at yun ay ang Barangay Buenaventura. Yon yung pinuntahan namin kahapon, doon din nakatira si Papang which is yung Lolo ko sa father's side. Sya na nga lang yung natitira kong lolo kasi lahat -- ay alam nyo na.
"Sabagay. Pero nag-enjoy ka ba kahapon?" at dahil mahal ako ni Manang Jean kaya sya na yung naglagay ng pagkain sa pinggan ko.
Lumawak ang ngiti ko dahil sa na-isip kong sagot "Oo naman po! Super! Kasi ang dami kong naging kasama during the medical mission, nandun yung mga new friends ko."
"Aba'y mabuti naman kung ganoon. Masaya ako't unti-unti ka nang nagkakaroon ng mga kaibigan bukod sa pinsan mo."
"Pero mahirap pa rin magtiwala nang basta-basta manang eh." malungkot na sabi ko nung ma-alala ko yung dati kong kaibigan.
"Bata ka pa naman iha. Marami ka pang makakasalamuha, lalo na ngayong nasa kolehiyo ka na."
"Salamat manang." at isang ngiti nalang ang binigay ko sa kanya bago kumain nang tuluyan.
Tahimik akong kumakain mag-isa. Masyado na kasing late nung magising ako kaya paniguradong tapos na ang iba pa naming katulong lalong-lalo na si Manang Jean.
Nung matapos akong kumain ay agad pinaligpit ni Manang ang pinagkainan ko. Atsaka ako muling bumaling sa kanya "Nasan nga po ulit sila Mommy manang? Parang kanina ko pa tinanong sayo yon ah at mukhang hindi mo naman nasagot." binigay nya sa isang katulong namin yung pinggang liligpitin nya sana at humarap sakin.
"Ang himbing mo kasing matulog kaya hindi ka na nakasama sa kanila. Nandoon sila sa Hacienda Dela Merced, pista ngayon don diba? Kaya maaga silang umalis kanina."
O.o
Pista nga pala doon ngayon. Bakit nawala sa isipan ko? >.<
"Bakit hindi nyo ko ginising? Gusto ko pa naman pumunta doon. For sure kumpleto mga pinsan ko doon." mababakas sa tono ng boses ko ang panghihinayang.
"Akala ko nga kasama ka kaya gigisingin na sana kita pero hinabilin ng Mommy mo na wag ka nalang gisingin kasi babalik ka rin naman mamaya sa Conception kaya siguro hindi ka na nila sinama." pinunasan nya yung lamesa gamit yung basahang binigay nung isa naming katulong. "At sinabi nya rin kanina na hindi rin daw kasama si Karen kasi sabay kayong aalis mamaya."