Zone Sixty-One

20 5 0
                                    

DEAN’S POV

NAGISING ako dahil sa isang sinag ng araw. Nakaka-silaw kaya agad akong bumangon para mag-unat.

Ang sakit ng katawan ko ah!

Iginala ko ang paningin ko sa loob ng kwartong kinaluluguran ko.

Wala ako sa kwarto ko. Nasa guest room ako.

Iginala ko ulit yung paningin ko sa kabuuan ng kwarto at doon ko siya nakita na nakahiga sa isang sofa. Naka-baluktot ang katawan dahil mas malaki yung katawan nya kesa sa sofa.

Ang cute nya. Hahahah

Kahit na medyo malayo yung sofa na hinihigaan nya sa kama ko ay hindi ko ma-iwasang hindi siya titigan. Alam kong hirap na hirap sya sa posisyon nya pero pinag-titiisan nya yon.

Ang cute-cute nya talaga!

Napatawa ako sa na-isip ko pero agad ding napawi nung ma-alala ko yung nangyari kagabi. Alam kong nasaktan ko siya sa biglang pag-alis ko kasama si Krypton. Kahit hindi ko siya tignan sa mga oras na iyon ay alam kong nasasaktan sya kaya nga hindi ko na sya tinignan dahil baka umatras ako.

Teka! Ano nga palang nangyari kagabi?

Nag-unat ulit ako ng katawan dahil parang isang linggo akong natulog.

Saktong pagbaba ko sa kama ay bigla syang gumalaw. Kaya na-isipan kong hindi muna bumangon at pag-masdan sya sa ginagawa nya. Pag-bangon nya ay agad syang lumingon sakin. “Oh shit Deanisse! You scared me!” gulat na gulat na sabi nya. Nung maka-recover sya ay agad syang tumingin sakin. “Kamusta pakiramdam mo? Okay ka na ba?”

Tumango ako sa tinanong nya. “How’s your sleep? Hindi ka ba nahirapan dyan sa sofa?” tanong ko naman sa kanya.

Imbes na sumagot agad ay nag-unat muna siya then dahan-dahan nyang tinanggal yung t-shirt nyang sure akong hiniram nya sa Kuya Drake ko—teka! Nag-hubad sya?

WTF!

“Ang init nga eh, pinag-pawisan ako. Tatanggalin ko muna ha?” he said in a teasing voice.

Oh shit!

Hindi ko alam kung anong gagawin ko nung tuluyan na nyang tinanggal ang t-shirt nya. Hindi ko alam kung titingin ako o kung iiwas ako.

Pakshet! May aircon naman dito sa guest room at sure akong naka-on yun pero bakit parang nanlalamig ako sa pawis? Don’t tell me pinagpapawisan ako?!

Pakshet ka talaga Hunter!

“Stop it Hunter!” saway ko sa kanya at buong lakas na iniwasan matignan ang pwesto nya.

“Why? Are you seduced na ba?” ginagamit nya pa rin yung teasing voice nya kung saan nahuhulog ang mga babae sa kanya. Pakshet talaga! Wag na wag ka nang magpapadala Deanisse!

“No!” matigas na sabi ko at tuluyan na ngang lumingon sa kanya.

*gulp*

Parang wrong move yata yung paglingon ko sa kanya kasi saktong sa katawan nya ako napatingin.

*isa pang gulp*

*gulp pa ulit*

“I can sense that you’re still attracted with my body, isn’t it Deanisse?”

Tangnang teasing voice yan eh!!!

“Lul! Asa ka pa! Mas maganda katawan ko dyan oy!” at sa wakas kasi nagkaroon na ulit ako ng lakas ng loob na iiwas ang tingin ko sa katawan nya at napatingin na sa mukha nya. Chill na chill pa rin syang naka-sandal sa sofa.

The Girl Who SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon