DEAN’S POV
JUNE 5, 2017
Alas-singko palang ng umaga ay gising na ako para mag-ayos ng sarili. Naligo ako at hinayaang matuyo ang natural kong buhok. Gumala-gala ako sa bahay after kong maligo at kina-usap ko rin yung mga kasambahay dito. Tatlo lang sila and they were once the assassin of DAS pero mas pinili nilang manilbihan sa pamilya namin to stay loyal. May dalawa ring family driver at naka-tira silang lahat doon sa isang bahay na nasa garahe, yung nakita ko kagabi na nakahiwalay sa bahay namin. At napag-alaman ko rin na umalis nang maaga sila Nanay at Tatay kasi trabaho nanaman.
Nasa Manila pa kasi ang office ni Nanay tas si Tatay naman ay may pinuntahang site for his project daw.
6 a.m. nung magising si Delton at sabay na kaming nag-agahan. After nung agahan ay naligo na si Delton habang ako ay muling nag-ayos. Lagay ng wig na kulay blue ombre at ang itim na contact lense.
Nang dahil din sa contact lense na ito ay naging mas malaki ang eyeballs ng mata ko, napansin nga rin ni Ellaine yon and nasabi nya sakin na parang natural na malaki lang ang mata ko na well in fact—hindi naman talaga, kasi ilusyon yon ng contact lense ko.
Ang gulo ko kasi ayokong mapansin ng mga tao dahil sa kakaiba kong mata, pero gusto kong mapansin dahil sa buhok ko at sa angking galing ko sa lahat ng bagay. *smirk*
“Are you ready?” tanong nya sakin nung nasa may garahe na kami ng bahay.
“Yeah? I don’t know. It’s my first time to enrolled in a normal school kaya medyo kinakabahan ako.” Sagot ko naman.
Laking home schooled ako kaya hindi ko alam kung paano ang actual na pakikipag-halubilo sa mga ka-edaran ko. Marami akong nakaka-salamuhang tao – iba’t-ibang race – pero konti lang talaga ang kinakaibigan ko. Kaya ma swerte kang lintek ka kasi makikisalamuha ako sayo kahit ayoko. *poker face*
“Kaya mo yan twinny, andito naman kami nila Sab eh. You can rely on us, kahit na iba yung course mo samin.” Sabi nya at binuksan nya yung pinto ng kotse nya, yung sa passenger’s side.
“Can I use my car?” nagmamakaawang tanong ko sa kanya.
Na-alala nyo pa ba yung mga kotseng nasa garahe ng bahay namin? Yung isa don—yung Fade Sedan na kulay blue—ay para pala sakin kaya sobrang tuwa ko nung ibigay mismo nila Nanay at Tatay sakin ang susi ng kotse ko. Binigay nila sakin yun after dumating ni Axe sa bahay.
“You can use it, unless you’re with me.”
Napataas ang isang kilay ko at nilingon ang nagsabi nun. Si Z.
“You’re here? Akala ko ba minsan ka na lang magbabantay sakin?” kasama kasi sa plano na minsan lang dapat kaming magkita ni Z, at dapat ang minsan na iyon ay yung tipong kailangang-kailangan ko na sya.
“First day of school mo sa isang University, Miss D, kaya kailangan kitang bantayan doon. Don’t worry kasi ngayon lang naman ito, sa mga susunod na araw ay wala na.” naka-ngiting sabi ni Z kaya wala na akong nagawa kundi ang ibigay ang susi ng kotse sa kanya at nanguna sa may driveway ng sasakyan.
“Sunod nalang kayo sakin Dean ha?” sigaw ni Delton bago sumakay sa sasakyan nya at na-unang umalis ng garahe. Sumunod naman si Z kaya agad akong sumakay sa front seat nito.