Zone Seventeen

56 10 0
                                        

TIM'S POV


THURSDAY.

Pang-apat na araw simula nung magsimula ang college life ko pero si Jike at Robi parin ang nagiging kaibigan ko. 

Nagiging palya na ba ang charm ko dito sa college?

Dati naman patok na patok ako sa mga schoolmates ko ah? Bakit ngayon parang walang pumapansin sakin? 

"OMG. Si Max." 

"Vester Dela Merced! Marry meeeee." 

"Can I be yours Onyx Recto?" 

"Ang gwapo mo CJ Legazpi. Mas gwapo ka pa sa mga sasakyan na pino-produce nyo."

"Wayne is so charming talaga. Gwen's so dumb to let him go." 

"Sayang na sayang talaga itong si Gabby Aquino. He's so gwapo pa naman sana kaso naging alagad lang ni Vice Ganda." 

"And Dos Rivera. Sana maging gynecologist sya para kung magkaka-anak ako ay sa kanya talaga ako didiretso."

-_-

Napa-poker face ako sa mga naririnig ko. Kaliwa't-kanan ang chismisan ng mga babae sa mga lalaki at isang bakla na nasa sulok na bahagi ng 2nd floor ng canteen.

Psh. Kaya siguro hindi na ako napapansin, dahil sa mga lalaking iyan. 

Mag-isa lang akong naka-tambay dito sa canteen, naghihintay matapos ang lunch time at nang mapasok ko na ang first period ko sa araw na ito.

"Awwwe, Sabyna Leonard is so cute. She's so charming, why can't I see any flaws on her. She's undeniably gorgeous." narinig ko nanamang sabi ng katabi kong table. 

Napatingin ako sa table nung pinag-uusapan nila. Yung original elites ay kumpleto. Tinignan ko rin yung nag-iisang babae sa grupo nila.

Sabyna Ellaine Leonard.

Maganda sya pero mukhang mas astigin pa kesa sakin kaya impossible talagang mapansin ako ng isang iyan kaya cross out sya sa mga gusto ko.

Isang babae lang naman ang gusto ko ngayon eh. 

"And ever heard of Zeus Aguinaldo?"

"Kyaaaaaaaah~----"

Nung magpakawala ng isang impit na tili ang isang babae sa katabi kong table ay agad akong tumayo. 

That was may cue para umalis sa lugar na iyon. Masyadong nakakarindi rin palang marinig na ang pinag-uusapan nilang mga tao ay hindi man lang sila matapunan ng kahit isang tingin.

Bitbit ang backpack ko ay naglakad ako palabas ng canteen at dumiretso sa library ng ICU. Malaki ang library na ito kaya kahit siguro lahat ng estudyante sa college ay sabay-sabay na mag-aral dito ay kasya kaming lahat. Umabot hanggang 4th floor ang school library. Hindi naman halata na maraming libro ang university na ito ah. Hahahahahaha.

Iilang estudyante lang ang nasa library. Karamihan dito ay mga higher years dahil sa mga suot nilang uniforms. Mga freshmen at transferees lang naman ang naka-civillian sa ngayon kaya madaling malaman kung bagohan ka ba o matagal ka na dito. 

Dumiretso ako sa third floor ng building. Wala naman talaga akong hilig sa mga libro. Nagpupunta lang ako sa library pagka may school works at pag inaantok ako. At sa sitwasyon ko ngayon ay mukhang kailangan ko ng tulog. Hahahahahahaha.

The Girl Who SmokeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon