DEAN’S POV
SE Mall of PH – Conception
June 5, 2017
Pagkarating namin sa mall nila Ellaine ay agad kong hinanap yung fast food chain na gusto kong kainan. Sa parking lot ng mall na kami nagkita-kita at nakakagulantang makita na naka-tsinelas lang yung iba naming kaibigan. Galing pa kasing bahay yung iba kaya medyo nagulat din sila sa biglaang pag-aaya ko.
“Ako na yung oorder para naman hindi nakakahiya sa inyo.” Sabi ko sa kanila na agad namang nag-violent reaction ang iba.
“Hindi, sasamahan ka nanamin, Dean. Bago ka lang dito kaya nakakahiya naman sa iyo.” Sagot naman ni Dos.
“No! Maghanap kayo ng tables natin. I’ll do the honor.” pagmamatigas ko
“Samahan ka nalang namin. Kayo nalang maghanap Sab.” Sabi naman ni Thirdy.
“Eh kung kami yung sumama kay Dean no? Kayo maghanap boys.” Sagot naman ni Ellaine.
*poker face*
“Eh mga tokshit pala kayo eh. Si Ellaine at Angelo nalang yung sasama sakin then the rest—maghanap kayo ng table natin.” At hinigit ko yung braso nung dalawa kong kaibigan.
Nagtutulakan pa eh alam ko namang mga napipilitan ang pagmumukha ng mga iyon. *smirk*
Nung makarating kami sa counter ay agad akong napatingin sa menu na naka-display sa ibabaw ng counter nila.
Hmmmm, ano kayang pwedeng kainin?
Aaah! Alam ko na!
“Tatlong bucket, eleven burgers, ten iced tea—large, twelve rice, ten sundae, ten fries, nine coke float and one iced chocolate.” Dire-diretsong sabi ko habang nakatingin lang sa menu nila. Matapos kong sabihin yon ay tinignan ko yung cashier na naka-nganga habang nakatingin sakin. “Na-punch mo ba yung order ko?” takang tanong ko sa kanya kasi medyo nagulat ako sa expression ng mukha nya.
Alam kong nakaka-mangha itong mukha ko pero wag naman sanang ipahalata *poker face*
“Ako na ang mag-oorder Dean, puntahan mo nalang yung boys.” At bigla akong tinulak ni Angelo papalayo sa counter.
Tinaasan ko sya ng isang kilay dahil sa ginawa nya.
What the hell?!
Wala akong nagawa kundi ang hanapin yung mga boys. At nung mahanap ko sila ay agad akong pumwesto. Sumunod naman agad sila Angelo at Ellaine na may hawak na isang number, number 7.
WOW! SEVEN!
December 7 yung araw na umamin si Hunter na may gusto sya sakin. January 7 din nung makita ko si Xofia Xavier Laxamana sa condo unit ni Hunter. Wow Seven! Wow!
And there’s more! Seven din ang pangalan ng bantay ni Hunter. Heck! Nice baby, nice! *poker face*
Tahimik kami habang naghihintay sa order namin at lalo kaming naging tahimik nung magsimula na kaming kumain. Lahat ng inorder ko kanina ay nakarating sa table namin pero mukhang ako lang ang makaka-ubos ng isang bucket ng chicken joy. Para kasing natulala yung mga kaibigan ko sakin kaya imbes na atupagin sila ay kinain ko nalang kasi kanina pa ako gutom eh.